You are on page 1of 2

Puting Kalapati, Libutin Itong Sandaigdigan

Ni Usman Uwang

Kapayapaan ay kayamanan sa buhay kung maranasan

Sa pagkakaisa at pag-unawa ito’y tunay na makakamtan”

Sa mga pangyayaring walang kasakitan,


Kung saan ang tao'y naghihinala't tuwina'y may agam-agam
Lumipad ang kalapati upang lakbayin ang sandaigdigan
Sa kanyang puting pakpak na hanap sa kapayapaan
Habang sagisag ng pagkakasundo'y patuloy na bumabandila.

Puting kalapati,libutin itong sandaigdigan


Ang hanging panggabi'y iyong panariwain
Ang mga bulaklak iyong pamukadkarin.
Itong aming mga labi'y iyong pangitiin.

Pagkat sa iyo na ang pag-asa ay di nawala


Sa iyong hininga, hanging sariwa nagmula
Itong sandaigdigan,paniwalain mo sa kapayapaan
Habang puso'y pumipintig sa gabi ng katahimikan

Ngunit ikaw na palamara


Tulad ng alabok,humayo ka't mawala
Pagkat mundo mo't bantayog ay gumuho na
Ngayon ay may bagong hinagap na kayganda
Bilang repleksiyon nitong buhay na mapayapa
Filipiknows! Alam mo ba?
Ang Tulang Puting Kalapati, Libutin Itong Sandaigdigan ay isinulat
ng isnag Malaysian National Laureate – si Dr. Usman Awang o kilala rin
sa kanyang pangalan sa panulat o pen name na Tongkat warrant, Adi
Jaya, Amir, Atma Jiwa, Manis, Pengarang Muda, Ros Murni, Setia Budi,
Zaini, at U.A. SIya ay tanyag na manunulat at makata sa Malaysia. Isa
siya sa mga nanguna upang magkaroon ng payak na pagbabago ang
panulaan sa kanyang bansa. Sa kabila ng kahirapan sa buhay ng
kanilang pamilya sa Johore ay nagsikap siyang matuto hanggang sa
masimulan niya ang kanyang karera sa pagsulat noong taong 1946. Isa
siyang miyembro ng Henerasyon ng 1950 at Marikit na Bituin sa Langit ng
Panulaang Malayo. Noong 1983, itinanghal o kinilala siya bilang poet
laureate ng Malaysia. Karamihan sa kanyang m ga akda ay nagbibigay-
diin sa pagmamahal sa buhay at karapatan ng mga tao kaya ’t madalas
ay inilalarawan siya bilang isang Humanista.

Sanggunian:

Alma M. Dayag, et al. Pinagyamang Pluma 9

You might also like