You are on page 1of 2

“Ang aming reaksyon”

Bawat nilalang ay may tinatagong lihim. Ang lihim sa kanyang tunay na pagkatao. Mga
taong may mapanlinlang na mga labi. Mga taong may kalikuan ng pananalita. Mga taong
nagkukunwaring matapat at marangal. Mga taong sadyang mapanlinlang Mga taong
gumagawa ng ilusyon upang takpan ang kanilang tunay na kulay. Ano ang iyong magiging
reaksyon kung ang mga katangiang nabanggit naming sa itaas ay taglay ng isang prinsipe?
May kabutihan ba itong naidudulot sa kanyang estado? O di kaya’y ang resulta’y nakakasama
sa mga mamamayang naninirahan sa kanyang kaharian? Sa tingin mo ba’y tama ang kanyang
mga pamamaraan at paniniwala? Ngayon, ay iyong mababasa ang aming reaksyon ukol sa
kasanayan ng isang Prinsipe na pamunuan at pangalagaan ang kanyang nasasakupan.

Sa pagkakaalam natin, ang mga prinsipe ay mga maharlika ngunit bawat hakbang ng
kanilang kuwento ay hindi maiiwasan ang mga nagaganap na anomalya sa kanilang kaharian.
Animo’y tulad sa sanaysay na aming binasa, hindi lahat ng katangian ng mga prinsipe ay
naaayon sa kabutihan. Nagagawa parin nilang pumanig o gumawa ng masama para sa
ikakabuti ng kanilang nasasakupan. Sumasang-ayon kami sa pahayag na “Marapat malaman
ng prinsipe kung paano maging hayop at tao” upang magkaroon ng hating pananaw ang mga
prinsipe kung paano niya mapapalakad nang maayos ang kaharian. Sumasang-ayon din kami
sa pahayag na “Kailangan ng isang Prinsipe na malaman kung paano gamitin ang likas na
katangian ng hayop, kailangan niyang piliin ang maging soro at leon.” Ang Leon ang
sumasagisag ng kakisigan at pagiging matatag ng isang prinsipe, habang ang soro naman ang
sumisimbolo sa pagiging intelihente at pagiging matalino ng isang pinuno na kinakailangan
sa pakikipagtalastasan. Bilang isang prinsipe, ang pakikipagtalastasan ay isang mahalagang
gampanin dahil ito ang naguugnay sayo at sa iyong nasasakupan. At ang pagkakaroon ng
mahusay na pakikipagtalastasan ay mabisang paraan upang hindi humantong sa hidwaan ang
pakikipagugnayan. Mahalaga rin ito upang pataasin ang iyong moral at nagsisilbing gabay at
solusyon sa anumang problema na kinakaharap ng iyong kaharian. Nakasaad din sa sanaysay
na ang isang prinsipe ay kapuri-puri dahil nagagawa niyang panatilihin ang kanyang mga
salita. Gayunpaman, ang isang prinsipe ay pinupuri rin dahil sa ilusyon na nililikha niya.
Gumagawa ng ilusyon ang isang prinsipe upang matago niya nang mabuti ang kanyang tunay
na pagkatao. Ang isang prinsipe, samakatuwid, ay dapat lamang panatilihin ang kanyang
salita kapag ito’y naaangkop sa kanyang mga layunin, ngunit ang pinakamahalaga ay ang
paggamit ng kanyang sukdulan na lakas upang mapanatili ang ilusyon na kanyang nilkha. At
kung hindi niya natupad at napanatili ang kanyang salita, mahahantong ito sa masamang
pangyayari. Kaya kailangan niyang gamitin nang mahusay at mabuti ang katangian ng soro sa
kanyang pamamahala upang baliktarin ang situwasyon na kanyang kinasasangkutansin..
Nakasulat sa sanaysay na kailangang maging mapagpanggap ang ang isang Prinsipe.
Kinakailangan niya na magkunawang mahabagin, masugid, marangal, may tapat na loob, at
magkunwaring may malinis na budhi. Kailangan niyang lumitaw bilang isang banal na tao,
ngunit kapag ang oras ay tumawag dahil sa ihip ng panahon, kinakailangan ng isang prinsipe
na baguhin ang kanyang pagkatao para sa ikakabuti ng kanyang estado. Sumasang-ayon din
kami sa pahayag na “Hindi niya kailangang tumalikod sa kabutihan kung tutuusin, subalit
alam niya dapat kung paano yakapin ang kasamaan kung hinihingi ng pagkakataon.”
Makikita natin sa iba’t-ibang kuwento na ating nababasa hinggil sa mga pinuno o mga
prinsipe na ginagawa nila ang lahat alang sa kinabukasan ng kanilang kaharian o
pinamumunuan. At kabilang na dito ang kasinungalingan na lumalabas sa kanilang mga
bibig. Bagaman ilang beses na siyang nagsisinungaling, kailangan niyang panatilihin ang
hubog ng pagiging matapat.
Bilang konklusyon, sumasang-ayon kami sa pamamaraan ng pamamalakad ng Prinsipe
dahil ginagawa niya ang lahat upang mapalago at mapangalagaan ang kanyang bayan. Hindi
siya nagdadalawang isip kung yayakapin niya ang kasamaan. Kahit ang tingin ng ibang tao sa
kanya ay hiprokito, para sa amin ang kanyang mga nagawa ay dakila. May mga bayaning
intensyon na gumawa ng masama, ngunit ang kanilang ginagawa ay para rin sa bayan na
kanilang kinabibilangan. Hindi nila iniisip ang tingin o panghuhusga ng mga tao sa kanila,
ngunit ang gusto lang nila ay matupad ang kanilang mga hangarin at layunin nang matiwasay.
At sa huli, atin ring maiisip ang kanilang naiambag sa ating bayan, ang kanilang dakilang
mga gawain na nagpaunlad sa ating kinabukasan.

You might also like