You are on page 1of 3

Niccolo Machiavelli

- Isang Italyanong diplomatiko, pilosopo, at manunulat mula sa Florence, Italy.


- Tanyag sa isinulat niyang aklat na “The Prince” moomg 1513.
- Tinatawag din siyang Ama ng Modernong Pilosopiya sa Pulitika at Agham Pampulitika.

Ang Prinsipe
- Ang tanyag na aklat ni Machiavelli ay isang pagsusuri at pagmumungkahi ng awtor sa pagkakaroon at pagpapanatili ng
kapangyarihang pampulitika ng isang pinuno.
- Nagtataglay ito ng 26 na bahagi at isang paghahandog kay Lorenzo de Medici.
- Inilahad ni Machiavelli sa kanyang paghahandog ang pagsusumamo at paghahangad na talakayin sa payak na wika ang
kaugalian ng mga dakilang tao at ang mga prinsipyo ng isang pinuno at ng pamamahala nito.
- Isinulat niya ito sa pagkakaroon ng pag-asang malulugod at maliliwanagan ang pamilya Medici upang magkaroon ng
mahusay na pinuno and Italya na batay sa kanyang pananaw.

Tinalakay ni Machiavelli sa kanyang buong aklat ang mga sumusunod:


1. Iba’t ibang uri ng pamunuan at estado.
2. Iba’t ibang uri ng mga hukbo at ang wastong pag-uugali ng isang prinsipe bilang pinuno ng militar.
3. Ang katangian at pag-uugali ng prinsipe o pinuno.
4. Desperadong sitwasyon ng pulitika sa Italya.
5. Ang pagwawakas na kabanata ay isang pagsusumamo para sa pamilya Medici na ibigay ang prinsipe o pinuno na
mamumuno sa Italya mula sa kahihiyan.

Sa pananaw ni Machiavelli, ang mahusay o magaling na pulitiko ay hindi yaong mabait, matapat at palakaibigan bagkus
yaong matapang at manakanakang mapagkunwari at mapalinlang – yaong kayang magtanggol ng nasasakupan, may
kakayahang mapagyaman at mabigyan ng karangalan ang estado ng talaga namang napakahalagang layunin ng isang
namumuno.

Kabanata 18 – Paano Dapat Panatilihin ng Prinsipe ang Kanyang Salita


ni: Nicolo Macchiavelli
Salin ni Monreal Nagarit Camba
Sanaysay Mula sa Italya

Ang Prinsipe
Kapuri-puri para sa isang prinsipe na panatilihin ang kanyang salita at mamuhay nang may integridad at hindi
manlilinlang. Gayunpaman , batay sa ating karanasan sa kasaysayan, ang mga prinsipe na nakagawa ng mga dakila ay
yaong hindi gaanong isinaalang-alang ang pagtangan sa pananampalataya.
Kung gayon, dapat mong malaman na may dalawang paraan ng pakikipagtunggali – ang isa ay alinsunod sa batas,
ang isa ay sa pamamagitan ng lakas.
Simula noon, nararapat na malaman ng prinsipe kung paano gamitin ang likas na katangian ng hayop, kailangan
niyang piliin ang maging soro at leon; sapagkat hindi kayang ipagtanggol ng soro ang sarili sa mga lobo. Ang matalinong
pinuno, kung gayon, ay hindi dapat at kailangan na magkaroon ng isang salita dahil maaari siyang baliktarin sa pagtalima
rito at kung ang dahilan ng pagbibigay niya ng pangako ay nawala na.
Subalit kailangan niyang itago nang mabuti ang tunay niyang kulay at maging mahusay sa pagkukunwari at
panlilinlang. Walang muwang ang mga tao at abala sa kanilang mga pangunahing mga pangangailangan kaya laging may
maloloko ang manloloko. Samakatuwid, hindi kailangang taglayin ng isang prinsipe ang mga nabanggit na katangian,
bagkus ay kailangan niyang papaniwalain ang iba na taglay niya ang mga ito.
Dagdag pa rito maglalakas loob akong sabihin na: “Ang pagkakaroon nito at pag-aasal ditto ay nakakasama,
subalit ang magpanggap na inaasal ito ay nakakabuti; halimbawa, ang mapagkakatiwalaan, at maka-Diyos. Dapat
maintindihan ito. Hindi makikita ng prinsipe lalo na yaong mga baguhan, ang mabubuting katangian ng mga tao,
sapagkat upang mapanatili ang estado, kinakailangan niyang kumilos laban sa kanyang pananampalataya, sa kabutihan,
sa sangkatauhan, sa relihiyon.
Samakatuwid, marapat na maging maingat ang isang prinsipe sa mga lumalabas sa kanyang labi na hindi ayon sa
limang katangian na nabanggit. Walang mas mahalaga kaysa mapaniwala na taglay mo ang huling katangian.
Nanghuhusga ang tao batay sa kanilang mga mata kaysa sa kanilang mga kamay: lahat ay nakikita, subalit iilan
lamang ang nakakaramdam.
Sapagkat ang mga karaniwang tao ay lagging napapaniwala sa mga hitsura at sa mga bunga ng mga pangyayari. At
ang mundo ay puno ng mga taong may magaspang na ugali; ang ilan sa kanila ay walang lugar, samantalang ang marami
ay may malulugaran. Isang prinsipe sa kasalukuyang panahon, mabuting hindi na dapat pangalanan, ay nangangaral ng
kapayapaan at pananampalataya, na kapwa niya hindi tinatalima. Kung kapwa niya itong pinaniniwalaan, matagal nang
nakuha sa kanya ang kanyang reputasyon o ang kanyang estado.

You might also like