You are on page 1of 6

Balbas, Caryl Anne V.

PI 100
2014-01800 1ST LONG EXAM
1. Social Infrastructures na nagpatibay sa Frailocracy

Kabanata 1

Sa pagmamalaki ni Padre Damaso na siya’y tumira sa Pilipinas ng 23 taon at hindi pa rin siya
marunong mag-Tagalog, ipinapakita nito ang kaniyang pagiging ignorante at pagmamaliit sa mga
Pilipino na kaniyang tinatawag na “indio”. Ang pagtawag ni Padre Damaso na “indio” sa mga Pilipino
ay nangangahulugan ding masyado malaki ang kumpiyansa niya sa kaniyang sarili at binabalewala
niya ang kultura ng mga Pilipino.

Ipinapakita rin sa kabanatang ito na sa halip na salubungin ni Padre Damaso ang mga tanong ng
mga taong bago sa bayan, ay para bang sinesermonan pa niya ang mga ito. Nangangahulugan ito
na siya’y may kapangyarihang ikontrol ang isang pag-uusap.

Kabanata 3

“Sa tingin ni Pari Sibyla, si Pari Damaso ang dapat umupo roon dahil siya ang padre kumpesor ng
pamilya ni Kapitan Tiyago. Pero, si Pari Sibyla naman ang iginigiit ng Paring Pransiskano. Si Sibyla
ang kura sa lugar na iyon, kung kaya’t siya ang karapat-dapat na umupo.

Anyong uupo na si Sibyla, napansin niya ang tinyente at nagkunwang iaalok ang upuan. Pero, tumanggi
ang tenyente sapagkat umiiwas siyang mapagitnaan nang dalawang pari.”

Ang pagaalok ng upuan nina Padre Damaso at Padre Sibyla sa tenyente ay isang halimbawa
ng kanilang pagmamanipula sa gobyerno. Ipinapakita rito kung paano sumipsip ang mga prayle sa
mga may kapangyarihan sa gobyerno tuwing may oportunidad na makabubuti ito sakanila.

Kabanata 4

Isang halimbawa si Don Rafael kung gaano kataas ang kapangyarihan ng mga prayle. Ang
pagtanggi sa relihiyon o ang simpleng pagtanggi sa pagkukumpisal ay makapagdudulot ng isang
malaking sakuna sa iyong buhay
Kabanata 6

“Dahil sa siya (Kapitan Tiyago) ay mayaman, siya ay isang impluwensyadong tao. Siya ay malakas sa
mga taong nasa gobeyerno at halos kaibigan nya lahat ng mga prayle. Ang turing niya sa sarili ay isang
tunay na Kastila at hindi Pilipino. Kasundo niya ang Diyos dahil nagagawa niyang bilhin ang kabalanan.
Katunayan, sya ay nagpapamisa at nag papadasal tungkol sa kanyang sarili. Ipinalalagay ng balana na
siya ay nakapagtatamo ng kalangitan.”

Ang pagpapakita ni Rizal kay Kapitan Tiyago bilang relihiyoso ay may kabalintunaan. Ang tanging
interes lamang ni Kapitan Tiyago ay ang kaniyang sarili at ang kaniyang pagiging relihiyoso ay upang
sumipsip sa mga prayle.

Dito nakikita kung paano ipinagbibili ng mga prayle ang “kabanalan” at “kapangyarihan”. Hindi
katulad ni Don Rafael, si Kapitan Tiyago ay naging makapangyarihan dahil sa halip na kalabanin ang
relihiyon, ay binigyan niya ito ng pera upang mabili ang kaniyang posisyon. Ipinapakita nito na ang
mga prayle ang may hawak ng kapangyarihan na pwede nilang ipagbili sa sinumang may kayamanan.

Kabanata 9

“Hindî nacasásakit ang babae't fraile! Ibig cong manahimic sa nátitirang panahón ng̃ pagtirá co sa
lupáng itó, at aayaw na acóng makipag-alít sa mg̃a lalaking gumagamit ng̃ sáya. At lálong lálò na
ng̃ayóng áking natalastás na pinaglalaruan lamang ng̃ provincial ang aking mg̃a útos; hining̃i cong
pinacaparusa ang paglilipat sa ibáng bayan ng̃ fraileng iyán; at siyá ng̃a namán, siya'y inilipat, ng̃uni't
doon siya inilagay sa lalong magaling na báyan: ¡frailadas! na sinásabi natin sa España.” – Kapitan
Heneral

*frailadas = Ang masasama at magagaspang na cagagawán ng̃ mg̃a fraile.

Ang Kapitan Heneral ang pinakamaimpluwensiyang miyembro ng gobyerno ngunit kahit siya
ay aamin lamang niya ang kaniyang di pagsangayon sa mga prayle kapag walang ibang nakikinig.

Kabanata 11

Ang pagaalitan nina Alperes at Padre Salvi ay nagdudulot ng pagputol ng kalayaan ng mga
tao, sa pamamagitan ng pagpataw ng curfew o di kaya’y pagpapahaba ng sermon. Ipinapakita na
parang pinaglalaruan lamang ng alperes at ng prayle ang mga tao dahil sa kanilang di nagtutugma
na mga utos. Ipinapakita rin na para sa mga tao, ang utos ng isang prayle ay kasingbigat ng utos ng
isang alperes.

Kabanata 12-13

“Gayunman, dahil nga sa malakas ang buhos ng ulan at kabigatan ng bangkay, minarapat na lamang
na itapon niya ito sa lawa. Ito ay dahil sa utos ng malaking kura na si Padre Garrote.”

Ipinapakita rito ang lubos na kapangyarihan ng mga prayle na kahit anong iutos, ay dapat
sundin. Hindi iniisip ng sepultorero ang kamalian ng kaniyang ginawa dahil ikinakatwiran nito na ito
ay utos ng isang prayle kaya kailangan niya iyong gawin. Nirerepresenta ng sepultoorero ang buong
bayan na takot sumuway sa mga utos ng prayle. Dahil katulad ni Don Rafael, baka sila ay mahatulan
ng ekskomunikasyon at mawalan ng pag-asa sa pagpunta sa kalangitan.

Kabanata 14

Ang pagpapahayag ng mga prayle na ang pagbili ng indulhensiya ay makatutulong sa


pagpapabilis ng pag-akyat ng kanilang mga kaanak mula sa purgatoryo papunta sa kalangitan ay
isang pagmamanipula ng mga prayle sa mga tao. Sinasalamin nito ang kapangyarihan ng mga prayle
na paniwalain ang mga tao sa kahit anumang kanilang sabihin dahil sila ang pinaniniwalaang malapit
sa Diyos. Ito ang sinasabi ni Tasyo na “Christian piety permits robbery” tuwing Araw ng mga Patay.

Kabanata 18

“¡Hindî co sinasayang cahi't isáng santong araw! Nagcamít na acó, búhat ng̃ acó'y mapanig sa
Hermandad, ng̃ apat na raa't limampo't pitóng mg̃a indulgencia plenaria, pitóng daá't anim na pong
libo, limáng daa't siyám na po't walóng taóng mg̃a indulgencia. Aking itinátalâ ang lahát ng̃ aking mg̃a
kinácamtan, sa pagca't ang ibig co'y malinis na salitaan; ayaw acóng mangdáyà, at hindî co rin ibig na
acó'y dayâin.” – Hermana Rufa

Ipinapakita dito ang panunudyo ni Rizal sa ugaling pagsanib ng pagiging relihiyoso sa


pananalapi. Ikinukwento ni Hermana Rufa ang kaniyang pagbabayad ng indulhensiya na para bang
isa siyang namumuhunan sa isang negosyo at siya’y nabigo nang malaman niyang hindi tumutubo
ang kaniyang ibinabayad.
Kabanata 20

“Nawalang saysay din ang panukala ng kabesa sapagkat ipinahayag ng kapitan na tapos na ang pasya
na kura na tungkol sa pista.Ang pasya ng kura ay ang pagdaraos ng anim na prusisyon, tatlong sermon,
tatlong misa mayor at komedya sa Tundo. Ito ang gusto ng kura, kaya sumang-ayon na lamang ang
dalawang pangkat.”

Ipinapakita rito na malaki ang impluwensiya ng mga prayle lalo na sa mga konserbatibong
opisyal ng gobyerno dahil malugod silang pumapayag na gumastos ng malalaking halaga ng pera
para ipagdiwang ang mga piyesta ng simbahan. Kaya ring ipawalang bisa ng mga prayle ang mga
panukala ng mga opisyal ng gobyerno.

Kabanata 25

“Ayon pa rin kay Mang Tasyo ang gobyerno ay kasangkapan lamang ng simbahan. Na ito ay matatag
sapagkat nakasandig sa pader ng kumbento at ito ay kusang babagsak sa sandaling iwan ng
simbahan.”

"Sapagakat ang lupang pagatatamanan ninyo ay hawak ng inyong mga kaaway. Kayo ay mahina upang
lumaban. Kailangang humalik muna kayo ng kamay!" – Tasyo

Kahit si Tasyo ay nagbigay ng payo kay Ibarra na dapat niyang kunin ang suporta ng
simbahan dahil mahirap magpasimula ng reporma at pagbabago kung siya’y papangalanang baliw
tulad niya.

Kabanata 31

Nagsermon si Padre Damaso sa Latin at Espanyol. Ngunit nang makita niyang humihikab
ang mga tao sa kaniyang sermon, itinuloy niya ang sermon sa Tagalog. Kahit na Tagalog ang
sinasabi ng prayle ay hindi siya maintindihan ng mga Pilipino. Ang hindi maintindihang sermon ni
Padre Damaso ay isang paraan upang maigiit ang kaniyang awtoridad. Tinignan ito ng mga madre
bilang isang malalim na sermon dahil hindi nila ito maintindihan.
Kabanata 35

“Nanindigan naman ang kapitan ng bayan na wala silang magagawa sapagkat laging nasa katwiran
ang mga prayle. Ang ganito, anang Don Filipo ay nangyayari sapagkat hindi nagkakaisa at watak-watak
ang mga taumbayan samantalang ang mga prayle at mayayaman ay nagkakabuklod-buklod.”

Sinasabi rito ang dahilan kung bakit mas makapangyarihan ang mga prayle kaysa sa gobyerno,
sila ay mayaman at nagbubuklod-buklod.

2. Kilusang Propaganda at Kilusang Reporma

Ang mga ilustrado ay ang mga Pilipinong nakapag-aral sa panahong sakop ng Espanya ang
Pilipinas. Umigting ang kamalayan ng mga Pilipino lalo na ng mga ilustrados na nasa Europa.
Dahil sa kanilang mga bagong kaalaman at ideolohiya na nakuha sa pag-aaral sa Europa, naging
bukas ang kanilang isip sa mga pang-aabusong nangyayari sa Pilipinas. Umigting din lalo ang
damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino nang hatulan ang tatlong paring tinatawag na
GomBurZa ng kamatayan. Ginamit ng mga ilustrado ang kanilang pagsusulat sa pagpapalaganap
ng Kilusang Propaganda upang humingi ng reporma sa mga Espanyol na bulag sa
pangangailangan ng Pilipinas. Isa sa pinakatanyag na propagandista ay si Jose Rizal. Ilan sa
kaniyang mga akda ay ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo na magpasahanggang ngayon
ay tinatalakay pa rin dahil sa kaugnayan nito sa mga kasalukuyang pangyayari. Nang mahatulan
si Rizal nang kamatayan, mabilis ding naglaho ang Kilusang Propaganda dahil hindi sila
nakakakuha ng suportang pinansiyal. Nalugi ang La Solidaridad at namatay sina Marcelo Del
Pilar at Graciano Lopez Jaena. Nahati rin ang kilusan sa dalawa: ang mga nagnanais ng
mapayapang rebolusyon sa pamamagitan ng mga reporma, at ang mga nagnanais ng rebolusyon
upang makamit ang tunay na kalayaan mula sa mga mananakop. Dahil hindi sumang-ayon ang
mga Espanyol sa mga repormang hiniling ng mga ilustrados at ipinapatay si Rizal, nagsimulang
makibaka ang mga nagnanais ng tunay na kalayaan at nagsimula ang rebolusyon.
3. Paglikha ng Public Opinion

Ang Kilusang Propaganda ay humihingi ng reporma sa Esapanya dahil sa korapsyong


nagaganap sa Pilipinas. Ang nobelang Noli Me Tangere ang sumalamin sa mga pang-aabuuso
at korapsyong isinasagawa ng mga prayle. Upang hindi mabunyag ang mga sikreto ng mga
prayle, isinulat ni Fr. Rodriguez ang “Caiingat Kayo” upang maipakalat na ang pagbabasa ng mga
nobelang tulad ng Noli Me Tangere ay isang kasalanan na maaaring magdulot ng
ekskomunikasyon. Alam ng mga prayle na kayang mag-aklas ng bayan kung mamulat sila sa
pang-aabusong nangyayari. Ang nilikha naman ni Marcelo H. Del Pilar na “Caiigat Kayo” ay
kapansin-pansin ang panggagaya ng porma ng “Caiingat Kayo” ngunit may kaunting paglalaro sa
mga salita. Nililinlang nito ang mga taong gustong basahin ang “Caiingat Kayo” ngunit ang
nabibili ay ang akda ni Del Pillar. Ito ay ginawa upang ipagtanggol ang mga nobelang
binansagang makasalanan. Sa paghingi ng reporma, kailangan ng suporta ng taongbayan. Kaya
naman ipinalalaganap ng kilusang propaganda ang mga akdang nagbubunyag ng mga sikreto ng
frailocracy at pang-aabuso sa Pilipinas.

4. Kampana
- Nasa plaza
- Ang mga nakaririnig ay iyong “naabot” ng ethical culture. Ang hindi nakaririnig ay mga taga-
labas.
- Pinapatunog kapag oras ng pagdarasal, 6 AM, 12NN, at 6 PM
- Ginamit na instrumento upang makontrol ang gawain ng mga tao para maiwasan ang mga
lihim na pagkilos.
- Dati’y tapos na sana ng mga Pilipino ang kanilang gawain bago pa tumirik ang araw. Sila’y
naglilibang na lang pagdating ng umaga at hapon. Nakikita ito ng mga Espanyol bilang
katamaran ngunit di nila alam na sila’y tapos na sa kanilang mga trabaho. Kaya naman
pinapatunog nila ang kampana upang ikontrol ang daloy at pagkilos ng tao.

You might also like