You are on page 1of 6

Urbana at Feliza

1. 1. Ang sumulat ng Urbana at Feliza ay si P. Modesto de Castro na ipinanganak sa Bian,


Laguna, noong unang hati ng ika-19 na dantaon. Nag-aral siya sa Colegio Real de San Jose,
naging Kura sa Catedral ng Maynila at pagkatapos ay sa Naik, Kabite. Bukod sa Urbana at
Feliza ay sinulat din niya ang Plticas Doctrinales (1864), Exposicion de las Siete Palabras
en Tagalo, at Novena a San Isidre en Tagalo, atb. Sa pamamagitan ng Urbana at Feliza ay
natagurian siyang Ama ng Tuluyang Klasika sa Tagalog.
2. 2. Tagpuan Dalawang pook ang nabanggit sa nobelang ito. Dahil ito ay ang pagpapadala ng
liham ng dalawang magkapatid, malayo ang pook kung saan sila naninirahan. Si Urbana ay
nasa Manila upang mag-aral, at si Feliza naman ay nasa Paombong, Bulacan.
3. 3. Ang Urbana at Feliza na ang buong pamagat ay Pagsusulatan nang Dalawang Binibini na
si Urbana at si Feliza ay binubuo ng palitan ng liham ng dalawang magkapatid. Ang lalong
bata, si Feliza, ay nag-aaral sa isang kolehiyo ng mga babae sa Maynila, samantalang ang
nakatatanda, si Urbana, ay puno ng pangaral sa kaniyang kapatid hinggil sa kung ano ang
dapat ugaliin sa ibat ibang pagkakataon. Binabanggit niya ang mga tukso at panganib sa
landas ng kabataan at sinasabi kung paano maiilagan ang mga ito
4. 4. Sa pangalang Urbana mababasa ang magaling na pakikipag-kapwa tao. Sa kanyang mga
sulat sa kapatid na Feliza, ay maka pupulot ang dalaga, maka pag aaral ang bata, maka
aaninao ang may asawa, maka tataho ang binata nang aral na bagay sa kalagayan nang isa,t,
isa. Kay Feliza, mag aaral ang dalaga nang pag ilag sa panganib na ikasisira nang kalinisan; at
ang kaniyang magandang asal ay magagauang uliran nang ibig mag ingat nang cabaitan at
loob na mataimtiman.
5. 5. Sa manga sulat ni Urbana, na ucol sa pag tangap nang estado nang matrimonio, ang
dalaga,i, maka pag aaral, at gayon din ang baguntauo, at macapupulot nang hatol na dapat
alinsunorin bago lumagay sa estado, at cun na sa estado na. Sa manga sulat ni Feliza cay
Urbana, na ang saysay: ay ang magandang asal nang capatid na bunso na si Honesto, maca
pag aaral ang bata, at maca tatanto nang caniyang catungkulan sa Dios, pagka tanao nang
kaliuanagan nang canilang bait
6. 6. Ang pangalang Urbana ay sagisag ng Urbanidad o kabutihang asal (good manners). Ang
pangalang Feliza ay galling sa Kastilang feliz (maligaya) at ang sinasagisag ay ang
kaligayahang natatamo dahil sa pagpapakabuti at pagka-masunurin. Ang pangalang Honesto
ay sagisag ng kalinisang-budi at karangalan. Sinabi ni P. Modesto de Castro sa aklat na kung
ang mga aral ng kaniyang Urbana at Feliza ay pakinabangan ng mga tao:
7. 7. Ang mga importanteng asal ayon sa sulat ni Urbana: Ang kamahalan at karangalan ang
dapat humanap ng ulong puputungan, at di ang ulo ang dapat humanap ng koronang
ipuputong. Ang karangalan, sa karaniwan, ay may kalangkap ng mabigat na katungkulan. Ang
magnasang magkamit ng kamahalan sa bayan, sa karaniwan ay hindi magandang nasa.
8. 8. Ang karangalan sa mundo ay para rin ng mundo na may katapusan. Huwag magpakita ng
kalupitan sa pagnanasang igagalang ng tao. Huwag kalilimutan ang katungkulang lumingap sa
lahat, mahal man at hindi. Katapatan ng loob sa kaibigan, mapag-ampon sa mababa, maawain
sa mahirap at tumutupas sa katungkulan ay pupurihin ng bayan
9. 9. Sa Piging Ang sulat na ito ni Urbana kay Feliza ay mga bilin niya sa kanyang dalawang
nakababatang kapatid tungkol sa karapatdapat na asal nila kapag sila'y naanyaya sa isang
piging sapagkat maaari makasira sa imahe and maling gawain.
10. 10. Pagdating sa bahay: Bumati ng magandang gabi o magandang araw sa may bahay, saka
isusunod ang mga kaharap. Huwag magpapatuloy sa kabahayan hanggang di inaanyayahan.
Bago lumuklok ay hintin muna na pagsabihan at huwag pipili ng mahal na luklukan. Iwasan
ang mamintas, itago na lamang sa sarili.
11. 11. Sa Lamesa: Huwag makikiluklok sa matatanda. Sa pagkain ay iwasan ang pag-ubo,
pagsinga o pagbahin. Huwag magpapauna sa matanda sa pagsubo. Iwasan kumaing
namumuno ang bibig, dalas-dalas at malalaki ang subo. Masama ang mahalatang maibigan sa
alak. Huwag magpahuli sa lahat sa pagkain at huwag namang mapgpapa-una ng pagtindig.
12. 12. Sa pag-alis: Bago umalis sa dulang ay magpasalamat sa Diyos, ang dapat mamuno ay ang
may-bahay. Magpasalamat sa may- bahay.
13. 13. Ang nobelang ito ay tumatalakay sa mga kagandahang asal na dapat gawin sa mga
okasyon, pang araw-araw at sa lipunan lalo na sa mga kabataan. Dahil kung ano ang kilos mo

ay siyang tingin sayo ng iba at dito ka maigagalang. Tinalakay din sa nobelang ito ang
pagpapahalaga sa pananampalataya sa Diyos, kung saan makikita natin ang mga payo ni
Urbana kay Feliza sa kanyang liham.
14. 14. Inihanda ni: Cynthia S. Buque BSED IV- ( Filipino)

Barlaan At Josaphat Buod, Tauhan, Tagpuan, at Aral


1. 1. Barlaan at Ipriniprisenta ng group 1 ang josaphat
2. 2. Ang Barlaan at Josaphat ang kauna-unahang nobelang nalimbag sa Pilipinas. Ito ay isinalin
sa Tagalog ni Padre Antonio de Borja noong 1712. Ang akdang ito ay naitalang mahabang
akdang panrelihiyon na naglalaman ng mga aral na tunay na totoong aakay sa mga tao sa
mga gawaing banal sa pamamagitan ng mga gawa ng mga pangunahing tauhan sa nobela na
sina Barlaan at Josaphat.
3. 3. Tauhan Abenir ama ni Josaphat at hari ng Indiya Barlaan isang matangdang pari na
nagpatanggap upang malapitan si Josaphat Josaphat anak ni haring Abenir Theudas isa
sa mga alagad ng hari Barachias isang tapat na tauhan ni Josaphat
4. 4. Tagpuan at Panahon Panahon ng Kastila Indiya ang kaharian ni Abenir Senaar
pinanggalingan ni Barlaan Simbahan
5. 5. Kasaysayang ng Texto Inilimbag noong 1712 San Juan Damaseno
(Griyego) Isinalin sa Tagalog ni Fray Antonio de Borja Nagdaan sa pagsusuri ni Fray Gaspar de
San Agustin Unang edisyon (salin ni Borja): 553 pahina at 40 kabanata Buong pamagat: Aral
na Tunay na totoong Pagaacay sa Tauo, nang manga Cabanalang Gaua nang manga
Maloualhating Santos na si Barlaan ni Josaphat Mula sa India: paralelismo sa buhay ni Josaphat
at ni Gautama Buddha Mula sa Georgia: nang lumaganap, ay isinalin sa Griyego at Latin
tagapagpauna ng mahabang katha sa Tagalog walang nakababasa - kulang sa mananaliksik tiyaga sa pagbuklat
6. 6. Mga Importanteng Detalye unang sinulat sa wikang Griyego may-akda: San Juan
Damasceno isinalin sa Tagalog ng Hesuwitang pari: Pari Antonio de Borja nilimbag noong
1712 buong pamagat: ARAL na Tunay na Totoong Pag aacay sa tauo, nang manga
cabanalang gawa nang manga maloualhating Santos na si Barlaan ni Josaphat binubo ng 553
na pahina at 40 na kabanata tagapagpauna ng mga kathambuhay
7. 7. Kabanata I hanggang Kabanata X hari ng Indiya :Abenir sumasamba sa
mga diyus-diyosan si Haring Abenir ipinapangaral sa Indiya ang Salita ng Diyos sa mga
panahon na iyon lumagda ng batas na nag-uutos na sumamba ang mga tao sa mga
diyusdiyosan mayroong matalik na kaibigan ang hari na isang kabalyero nang malaman niya
ang batas ng hari, iniwan niya ang kanyang kayamanan at pumasok sa monasteryo ipinag-utos
ng hari na hanapin siya nakita ng hari ang kaibigan niyang namumuhay para kay Kristo
nagkaanak si Abenir ng isang lalaki : Josaphat ipinag-utos ng hari na hindi dapat makakita si
Josaphat ng kahit anong bagay na pangit ipinagbawal din ang pagbanggit ng kahit anong
tungkol sa Kristiyanismo kay Josaphat lalong nainis si Haring Abenir sa mga Kristiyano dahil
nakita niyang marami sa mga kampon niya and yumayakap sa Kristiyanismo
8. 8. nakahingi si Josaphat ng pahintulot na umalis sa bahay nakita ni Josaphat
ang kahirapan na dinaranas ng mga tao nalaman niyang lahat ng tao ay nagkakasakit at
namamatay nanabik siyang malaman ang mga aral ng Kristityanismo at ang mga inaaral
tungkol sa pagtitiis ng hirap may isang matandang pari na naninirahan sa Senaar (bayang
malayo sa Indiya) : Barlaan ipinahayag sa kanya ng Diyos and mabuting kalooban ni Josaphat
at ang pagnanais nitong malaman ang mga aral ni Kristo nagbihis si Barlaan bilang isang
mangangalakal at tumungo sa Indiya sinabi niya sa mga gwardiya sa palasyo ng prinsipe na
mayroon siyang ipapakitang mahalagang bato sa prinsipe sinimulang turuan ni Barlaan si
Josaphat tungkol sa Kristiyanismo paglalang sa mundo (Creation) pagkahulog sa kasalanan
ng una nating magulang (Original Sin) ang pagkakatawang-tao at pagtubos sa tao (Hesus)
kung paano maiiwasan ang parusa pagkatapos ng kamatayan : Pagbabalik-loob (Repentance)
9. 9. Kabanata XI hanggang Kabanata XX ipinagpatuloy ang pagpapaliwanag tungkol sa
Kristiyanismo ipinaliwanag ang parabulang Ang Anak na Alibugha (The Prodigal Son)
isinalaysay ang buhay at pagpapasakit ng mga martir ipinaliwanag ang walang hanggang
kaparusahan sa impyerno ipinaliwanag ang pagtigil natin sa paggawa ng kabanalan para sa

mga hiling ng laman ipinaliwanag ang iba pang aral-Kristiyano at ang Misa bininyagan si
Josaphat sa isang bukal sa halamanan ng palasyo
10. 10. Kabanata XXI hanggang Kabanata XXX Zardan kabalyerong
inutusan ng hari na mag-ingat na huwag makakarinig si Josaphat ng anuman tungkol sa
Kristityanismo naghinala sa malimit na pagdalaw ni Barlaan kay Josaphat ipinaliwanag ni
Zardan na siya ang malilintikan kapag nalaman ng hari ang nangyayari tiniyak ni Josaphat kay
Zardan na walang masama sa kanilang ginagawa inanyayahan niya si Zardan na makinig sa
susunod na pagdalaw ni Barlaan naniwala si Zardan sa mga turo ni Barlaan nakiusap si
Josaphat na huwag ibunyag sa hari ang kanilang ginagawa nagpaalam si Barlaan kay Josaphat
nagsakit-sakitan si Zardan at umuwi sa kaniyang bahay pinapunta ni haring Abenir ang
kanyang manggamot sa bahay ni Zardan sinabi ng manggamot na walang sakit si Zardan
umamin na si Zardan sa mga ginagawa nina Barlaan at Josaphat sumangguni ang hari sa
kanyang pinakatapat niyang tagapayo : Araquez balak ni Araquez na ipadakip si Barlaan at
dustahin sa isang debate laban sa mga pantas ng kaharian para mawala ang pananalig ni
Josaphat sa mga aral nito
11. 11. hindi nahanap ng mga kawal si Barlaan sa Senaar ipinadakip ang isang
bantog na astrologo : Nacor pumayag si Nacor na magkunwaring Barlaan nalungkot si Josaphat
nang malaman niyang nadakip si Barlaan (Nacor) sinabi na ni Josaphat sa kanyang ama ang
lahat sinabi ng hari kay Josaphat na kailangan nitong sumunod sa kanya dahil siya ang ama
niya ipinaliwanag ni Josaphat na magiging kasalanan ang pagsunod sa magulang kung ito'y
magiging paglabag sa banal na kalooban ng Diyos nagdaos ang hari ng isang debate sa
pagitan ng mga Kristyano at pagano alam talaga ni Josaphat na manlilinlang lamang si Nacor
kinausap ni Josaphat si Nacor nang parang ito ay si Barlaan at sinabi niya na kapag natalo ang
panig ng mga Kristiyano, siya mismo ang papatay sa kanya dahil ang ibig sabihin lang nito ay
impostor si Barlaan
12. 12. pinagtanggol ni Nacor ang panig ng mga Kristiyano umamin si Josaphat na alam niyang
manlilinlang si Nacor at nagpasalamat siya sa pagtatanggol ni Nacor sa panig ng mga
Kristiyano itinuro ni Josaphat ang mga aral ng Kristiyanismo kay Nacor nanirahan si Nacor
sa isang monasteryo upang mabinyagan at mamuhay para kay Kristo nagkaroon ng pista
para sa mga diyus-diyosan tinulungan ng hari si Theudas para sa ipagtatagumpay ng pista
para sumigla naman ang mga tao pinangakuan ni Theudas ang hari ng paraan para
mapabalik si Josaphat sa pagsamba sa mga diyus-diyosan balak ni Theudas : ang mga
utusan sa palasyo ay papalitan ng mga babaeng utusan na sanay umakit sa mga lalaki
nanganib si Josaphat na mahulog sa kasalanan hiniling ni Josaphat sa kanyang ama na siya'y
payagang lumabas para hanapin si Barlaan
13. 13. Kabanata XXXI hanggang Kabanata XXXL pangalawang balak ni Theudas : magtalo si
haring Abenir at si Josaphat resulta ng pagtatalo: tinanggap ni Theudas ang aral ng
Kristiyanismo at napoot ang hari dahil dito payo ni Araquez : hatiin ng hari sa dalawa ang
kanyang kaharian at ibigay kay Josaphat ang kalahati upang pamunuan at mamuhay sa
relihiyong kanyang ibig sinabi ng hari sa kanyang mga tagapaglingkod na malaya silang
sumama kay Josaphat at huwag silang mag-alala na baka silay parusahan unang ginawa ni
Josaphat sa kanyang paghahari : magtayo ng simbahan sa ngalan ni Kristo umunlad ang
sakop ni Josaphat nangaunti ang sakop ni Abenir nakilala ni Abenir ang kanyang
pagkakamali
14. 14. hiniling niya kay Josaphat na turuan siya tungkol sa mga aral ng Kristiyanismo nang
mamatay ang hari, umalis si Josaphat sa kanyang kaharian upang mamuhay sa gubat bilang
ermitanyo iniwan niya kay Barachias ang kaharian naglakbay si Josaphat ng dalawang taon
para hanapin si Barlaan nagkita sila ni Barlaan at namuhay sila nang magkasama nang
kamamatay lamang ni Barlaan, nagkaroon ng panaginip si Josaphat mayroong dalawang
putong (korona) na makikinang and dalawang iyon ay para sa kanya at sa kanyang ama
nalungkot siya dahil naisip niya kung bakit magiging karapat-dapat ang ama niya na hindi
nagtiis ng maraming kahirapan tulad niya nagpakita sa sandaling iyon si Barlaan at siyay
pinagalitan tumangis si Josaphat at nagsisi
15. 15. nang mamatay si Josaphat, inilibing siya sa pinaglibingan ni Barlaan inibig ng Diyos na
mag-anyong matanda si Josaphat at pumunta ng Indiya pumasok ang matanda sa silid ni
Hari Barachias isinalaysay niya kay Barachias ang nangyari kay Josaphat hinanap ni
Barachias ang bangkay ni Josaphat nang makita nila ito, ang dalawang bangkay ni Barlaan at
Josaphat ang nakita ng mga tao silay nagtaka dahil hindi nabubulok ang mga bangkay

dinala nila ang mga bangkay sa unang simbahang ipinatayo ni Josaphat maraming himala
ang nangyari sa harap ng mga banal na bangkay
16. 16. BUOD TUNGGALIAN: Nalaman ng hari na naging Kristiyano ang kaniyang anak na si
Josaphat. Nagalit ang hari at ipinahanap niya si Barlaan sa kaniyang mga alagad upang ito ay
dakpin. Nadakip nila ang inaakala nilang si Barlaan ngunit ang totoo ay isa lamang itong
astrologo na nagngangalang Nacaor. Hindi nila ito alam. Hinamon ng hari na makipag-debate
sa kaniya si Barlaan (na si Nacor pala) at kapag nanalo ito ay magpapabinyag siya at pati narin
ang mga alagad nito ngunit kapag natalo ito ay papatayin niya si Barlaan. Natuklasan ito ni
Josaphat at nalaman niyang hindi ito ang totoong Barlaan. Nang dumating ang araw ng
pagtatalo ay tila biniyayaan ng hiwagang karunungan si Nacor. Nakasagot siya ng mabuti sa
ginawa nilang pagdedebate at sa huli ay nanalo si Barlaan (Nacor).
17. 17. KAKALASAN/RESOLUSYON: Ang mga tauhan ni Josaphat ay pinalitan ng hari ng mga babae
upang matukso ito. Nanalangin si Josaphat sa Diyos upang ilayo siya sa tukso. Nang mangyari
ito ay hindi natukso si Josaphat. Ipinayo ni Theudas (isa sa mga alagad ng hari) na magtalo si
Haring Abenir at Josaphat. Pumayag ito ngunit sa huli ay nanalo rin si Josaphat. Ipinayo
nanaman ni Theudas na hatiin na lamang sa dalawa ang kaharian. Nangyari ito at napunta kay
Haring Abenir ang kalahati at ang natira naman ay kay Josaphat. Ang pinaka-unang ipinatayo
na estruktura ni Josaphat ay isang simbahan at doon sa kaharian ni Josaphat ay masiglang
nanirahan ang mga Kristiyanong ayaw maparusahan sa kamay ni Haring Abenir. Doon lamang
nalaman ng hari ang kaniyang pagkakamali. Sinulatan niya ang kaniyang anak na handa na
siyang maging isang Kristiyano. Tinanggap ito ni Josaphat. Matapos ang 4 na taong pagsisisi at
paghihirap sa kasalanan, ay namatay si Haring Abenir.
18. 18. WAKAS: Hinanap ni Josaphat si Barlaan. Marami rin siyang napagdaanan bago niya
mahanap si Barlaan. Iniwan muna ni Josaphat ang kaniyang kaharian sa kamay ni Barachias.
Nang makita ni Josaphat si Barlaan ay namuhay silang magkasama habang patuloy na inuukol
nila ang kanilang panahon sa pagdadasal sa Diyos. Isang araw ay sinabi ni Barlaan na malapit
na itong mamatay. Nagkaroon sila ng misa para kay Barlaan at pagkatapos nito ay binawian na
ito ng buhay. Namuhay sa pagtitiis si Josaphat. Nang mamatay ito ay inilagay nila ang
kaniyang puntod sa tabi ng libingan ni Barlaan. Nagkaroon ng isang pangitain ang monghe at
ipinaalam nito kay Barachias ang pagkamatay ni Josaphat. Iniutos ni Barachias na hanapin si
Josaphat sa bulubundukin ng Senaar. Dalawang bangkay ang nakita at kataka-takang hindi ito
naagnas at may mahinhinghalimuyak pa ang masasamyo. Ang mga ito ay dinala sa simbahang
ipinatayo ni Josaphat at doon inilagak. Maraming himala ang nangyari kaya marami ang
nagsibalik-loob sa Diyos at nagpabinyag sa pagiging Kristiyano.
19. 19. Anong aral makukuha natin sa kwento? Unang-una, paniniwala at pananalig sa Diyos. Ang
Diyos lamang angtutulong sa atin sa lahat ng mga kahirapang nararanasan natin ngayon. Ang
mgaproblema na dumadating sa ating buhay ay mga pagsubok lamang na ikakatibay ngating
pananalig sa Diyos at ikakalakas ng ating mga sarili.Ikalawa ay ang pagiging mapagpatawad.
Kahit anong laki ng kasalanan ngibang tao sa atin ay dapat natin itong patawarin lalong-lalo na
kung ang nagkasala ayang iyong ama. Dapat magmahalan tayo sa isa't isa ay magpatawad.
Laging pairalinang kabutihan laban sa kasamaan.
20. 20. Kung titingnan natin ang ating mga sarili, anuano ang mga diyus-disyusan sa ating buhay
sa sinasamba? Kayamanan at kapangyarihan na nag-ugat sa PERA. Lahat tayo aymakasalanan.
Labis tayong sumasamba sa pera. Marami ang nagiging masama dahildito. Pumapatay,
nanlilinglang ng ibang tao, nangungurakot/ nagnanakaw at iba pa.Maraming tahanan,
pagkakaibigan, at pagsasamahan ang nasira na ng pera. Kayamasama ang labis ng
pagkahumaling sa pera. Dapat nating ipagdasal sa Diyos nanawa'y ilayo tayo sa tukso ni
satanas at hindi malulong sa kasamaan.
21. 21. Bakit kaya ganoon na lamang kainteresado sa Kristyanismo si Josaphat? Dahil may nakita
si Josaphat na kalunos-lunos ang kalagayan. Kungmalalaman na niya ang mga aral ng
Kristiyanismo ay baka malaman na rin niya angkasagutan o lunas sa kahirapan sa tinatamasa
ng kanyang mga nasasakupan. Nangmalaman na niya ang mga aral ng Kristiyanismo ay palagi
siyan nagdadasal athumihingi ng awa sa Diyos na sanay tulungan ang mga tao sa kanilang
kaharian atsana'y ihaon ang mga ito sa kahirapan.
22. 22. Paano kaya napaniwala ni Barlaan at Josaphat na tunay silang alagad ng Diyos? Ng
mamatay sila ay hindi naagnas ang kanilang mga bangkay at maraming milagro ang
nasaksihan ng mga tao kaya marami ang nagsibalik-loob sa Diyos onaging Kristiyano. Sa mga
himalang ito ay makikita na may tunay na Diyos na nag-iisa lamang. Ito ang nagkumbinse sa

kanila (sa mga tao) na may Diyos ng tunay natumutulong sa mga tao at itong si Barlaan at
Josaphat ay tunay na alagad ng Diyos.
23. 23. Kung ikaw si Josaphat, tutulad ka rin ba dito na sinuway ang ama at kinalaban pa ito?
Siyempre, hindi ako susuway sa aking ama yun lang kung siya'y nasa tama. Kung siyaay nasa
mali ay hindi ako susunod. Hindi sa lahat ng panahon ay tama sila palagi atdapat laging
sundin. Tulad sa kwento, talagang ipaglalaban ko aking paniniwala saKristiyanismo. Isa sa mga
sampung utos ng Diyos na hinding hindi maniniwala saibang Diyos. Ang pagsamba a ibang
diyos ay isang malaking kasalanan.

Buod ng ninay ni pedro paterno?


Ang Ninay ang kauna-unahang nobelang Tagalog [at Filipino], at nagtipon ng malawak na bilang ng tema at motif na
pawang humubog sa maraming tekstong pampanitikan. Ginamit ang pasiyam bilang balangkas, ang nobela'y naglahad
ng serye ng mga salaysay na bumubuo sa iba-ibang naunsiyaming pag-ibig. Unang kabiguan ang pag-iibigan ni Ninay,
na pinagdarasalan, at ni Carlos Mabagsic, na pinagbintangan ng negosyanteng Portuges na si Federico Silveyro na
namuno sa pag-aaklas. Matapos ang makulay na pakikipagsapalaran sa ibayong dagat, nagbalik si Carlos at
natuklasang pumasok sa kumbento si Ninay. Namatay sa kolera si Carlos, at namatay sa sakit si Ninay. Isa pang
kuwento ng bigong pag-ibig ang kina Loleng at Berto na pinaghiwalay ni Don Juan Silverio. Ipinaghiganti ni Berto ang
pagkamatay ni Loleng, at lumaban sa awtoridad. Si Berto rin ang nagwakas sa baluktot na gawi ni Federico.

Nnay is the first novel authored by a native Filipino. Originally written in the Spanish language
by Pedro Alejandro Paterno, when he was twenty-three years old,[1] and while living in Spain in 1885,
the novel was later translated into English in 1907, [1] and Tagalog language in 1908.[2] According to
Dominador D. Buhain in his book A History of Publishing in the Philippines, being the first Filipino
novel, Ninay marked the beginning of the awakening of national consciousness among the Filipino
intelligentsia. Being a "largely cultural" novel,[3] the narrative provides a "folkloristic tour" of the
distinctive culture of the Filipinos.[4] Composed of 262 pages, the 1908 Tagalog version of the novel
was published by the Limbagan Nang La Republika Kiotan Bilang 30 during the American
periodin Philippine history.[5]

Plot[edit]
The novel explores the life and love story of the female protagonist named Ninay, a heartbroken
young woman who died of cholera. Her heartbreak was due to her separation from her lover Carlos
Mabagsic. Ninay's misfortune became harder to bear because of the loss of her parents. A pasiam,
the novena for the dead, was being said and offered for the lifeless Ninay. Framed with this
melancholic atmosphere of nine-day prayer for the departed, the novel opens up a succession of
narratives that present "variations of unrequited love". The first condemned relationship was between
Ninay and her lover Carlos Mabagsic. When Ninay was still alive, Mabagsic was falsely accused of
being the leader of a rebellion. Mabagsic's accuser was Federico Silveyro, an entrepreneur from
Portugal. Mabagsic went abroad. Upon his return, Mabagsic found out that Ninay confined herself in a
convent. Mabagsic became a victim of cholera and died. Ninay also died of cholera. The other victims
of the wickedness of the Portuguese Federico Silveyro were the couple named Loleng and Berto.
Silveyro was the cause of Loleng's death. Berto avenged Loleng's death by killing Silveyro. [5]

Characters[edit]
The characters in Ninay is a mixture of native Filipinos (known then as indios)
and peninsulares (Spaniards born in Spain), thus - in a way - a community of mestizos (half-breeds)
with a hybrid culture. This is la filipinidad or "the Filipinoness" that Paterno showed in the novel.[1]

Ninay, the character, appeared as a specter at the latter part of the novel. The apparition of Ninay
represented the "ghostly image" or the spirit of the seemingly absent yet present Filipino image or
national identity. The national identity of the Filipinos, according to Matibag, is personified in the
traces of Ninay's presence but "contextualized" by the memory of Ninay. [1]

You might also like