You are on page 1of 52

YUNIT 4

Panitikan sa Panahon
ng Kastila

HIGINO D. CHAVEZ, MAEd


CAS - LLD
Panitikan sa Panahon ng Kastila
 Dumating ang mga Kastila sa bansa na
ang pangunahing layunin ay ihasik ang
Kristiyanismo, maghanap ng ginto at
upang lalong mapabantog sa
pamamagitan ng pagdaragdag ng
kanilang nasasakupan.

 Dahil sa layunin nila na


pagpapalaganap ng Kristiyanismo,
sinunog nila ang mga nakasulat na
panitikan ng mga katutubo sa dahilang
ang mga iyon daw ay likha ng
demonyo. Pinalaganap nila ang tungkol
sa pananampalataya nila.
NAHATI ANG PANITIKAN SA DALAWA SA
PANAHONG ITO:

Pamaksang pananampalataya at
1 kabutihang-asal

2 Panitikang Rebolusyonaryo at Sedisyoso


MGA AKDANG PANRELIHIYON AT PANGKAGANDAHANG ASAL

Doctrina Christiana

Ang Pasyon

Urbana at Feliza

Nuestra Señora del Rosario

Barlaan at Josaphat
1. DOCTRINA CHRISTIANA

 Ang Doctrína Christiána en lengua española


y tagala ang kauna-unahang limbag na aklat
sa Pilipinas. Isinulat ito sa wikang Kastila ni
Padre Domingo Nieva at salin sa Tagalog ni
Padre Juan de Plasencia.
 Inilathala ito noong 1593 sa imprenta ng
mga Dominiko sa Maynila at malinaw ang
layunin na maging kasangkapan sa
pagtuturo ng mga pangunahing doktrinang
en.wikipedia.org
Kristiyano.
1. DOCTRINA CHRISTIANA

Nilalaman nito ang mga dasal at aral na:


o Ang Ama Namin;
o Ang Aba Ginoong Maria;
o Ang Sumasampalataya;
o Ang Aba Po;
o Ang Sampung Utos;
o Ang Utos ng Santa Iglesya;
o Ang Pitong Sakramento;
o Ang Pitong Punong Kasalanan at kaukulang
en.wikipedia.org
Pakikinabang;at
o Ang “Tanungan” para sa pangungumpisal.
2. ANG PASYON

 Pinaniniwalaang nagsimula pa noong 16


siglo ang "Pabasa" o "Pasyon" na
naririnig tuwing Semana Santa dahil na
rin sa impluwensiya ng mga mananakop
na Kastila.Ang sinasabing kauna-unahang
bersyon sa tagalog ng pasyon ay ginawa
ng isang Batangeño, at sinundan naman
en.wikipedia.org
ng isang paring Bulakeño.
2. ANG PASYON

 Dahil karaniwang nasa Latin ang misa


noon ng mga paring Kastila, narinig
umano ng mga Pilipino ang kuwento
ng buhay ni Hesukristo sa wikang
Tagalog nang magawa ang unang
Pasyon sa Tagalog na isinulat ni
en.wikipedia.org
Gaspar Aquino de Belen noong 1704.
2. ANG PASYON

 Si De Belen ay isang Batangeno, manunula, at


naging tagasalin o translator ng mga paring
Heswita. Ang pasyon na isinulat ni De Belen
ay may titulong, “Mahal na Passion ni Jesu
Christong Panginoon Natin na Tola.“
 Taong 1814 naman nang gawin ng
Bulakeñong pari na si Mariano Pilapil ang
en.wikipedia.org kaniyang bersiyon ng Pasyon na, “Pasyong
Mahal ng Panginoong Hesukristo,” na kilala
rin sa tawag na “Pasyong Pilapil.”
2. ANG PASYON

 Bilang isang tula, ang anyo ng saknong


ng pasyon ay binubuo ng limang
taludtod, katulad ng quintilla ng mga
Espanyol, ngunit may isahang tugma at
bawat taludtod ay may sukat na
wawaluhin. Nakabatay sa pasyon ang
en.wikipedia.org
dulang senákuló na itinatanghal din
kung Mahal na Araw.
3. URBANA AT FELIZA

 Ang sumulat ng Urbana at Feliza


ay si Padre Modesto de Castro
noong 1864. Sa pamamagitan ng
“Urbana at Feliza” ay natagurian
siyang “Ama ng Klasikong
goodreads.com
Tuluyan sa Tagalog”.
3. URBANA AT FELIZA

 Ang “Urbana at Feliza” na ang buong pamagat ay


“Pagsusulatan nang Dalawang Binibini na si Urbana
at si Feliza” ay binubuo ng palitan ng liham ng
dalawang magkapatid.
 Ang nakatatanda, si Urbana, ay nag-aaral sa isang
kolehiyo ng mga babae sa Maynila, at ang mas bata,
si Feliza, ay nagnanais na matuto mula sa kaniyang
kapatid hinggil sa kung ano ang dapat ugaliin sa iba’t
goodreads.com
ibang pagkakataon. Binabanggit niya ang mga tukso
at panganib sa landas ng kabataan at sinasabi kung
paano maiilagan ang mga ito.
3. URBANA AT FELIZA

Tagpuan
Dalawang pook ang nabanggit sa nobelang
ito. Dahil ito ay ang pagpapadala ng liham
ng dalawang magkapatid. Malayo ang pook
kung saan sila naninirahan. Si Urbana ay
nasa Maynila upang mag-aral at si Feliza
goodreads.com naman ay nasa Paombong, Bulacan.
3. URBANA AT FELIZA

Sagisag ng Pangalan ng Panauhan


 ‘Urbana’ ay sagisag ng Urbanidad o kabutihang
asal.
 ‘Feliza’ ay galing sa kastilang “feliz” (maligaya)
at ang sinasagisag ay ang kaligayahang
natatamo dahil sa pagpapakabauti at pagka-
masunurin.
goodreads.com
 ‘Honesto’ ay sagisag ng kalinisang-budhi at
karangalan.
3. URBANA AT FELIZA

Ang mga importanteng asal ayon sa sulat ni Urbana:


1. Ang kamahalan at karangalan ang dapat humanap ng
ulong puputungan, at di ang ulo ang dapat humanap
ng koronang ipuputong.
2. Ang karangalan, sa karaniwan, ay may kalangkap ng
mabigat na katungkulan.
3. Ang magnasang magkamit ng kamahalan sa bayan, sa
karaniwan ay hindi magandang nasa.
goodreads.com
4. Ang karangalan sa mundo ay para rin ng mundo na
may katapusan.
3. URBANA ATFELIZA
URBANA AT FELIZA
Ang mga importanteng asal ayon sa sulat ni
Urbana:
5. Huwag magpakita ng kalupitan sa pagnanasang
igagalang ng tao.
6. Huwag kalilimutan ang katungkulan lumingap
sa lahat, mahal man at hindi.
7. Katapatan ng loob sa kaibigan, mapag-ampon
goodreads.com
sa mababa, maawain sa mahirap at tumutupad sa
katungkulan ay pupurihin ng bayan.
 
3. URBANA AT FELIZA
Sa Piging
Ang sulat na ito ni Urbana kay Feliza ay mga bilin niya sa
kanyang dalawang nakababatang kapatid tungkol sa karapat-dapat
na asal nila kapag sila’y naanyaya sa isang piging sapagkat maaari
makasira sa imahe ang maling gawain.
Pagdating sa bahay:
 Bumati ng magandang gabi o magandang araw sa may bahay,
saka isusunod ang mga kaharap.
 Huwag magpapatuloy sa kabahayan hanggang di inaanyayahan.
 Bago lumuklok ay hintayin muna na pagsabihan at huwag pipili
ng mahal na luklukan.
goodreads.com  Iwasan ang mamintas, itago na lamang sa sarili.
3.URBANA AT FELIZA

Sa lamesa:
 Huwag makikiluklok sa matatanda.
 Sa pagkain, ay iwasan ang pag-ubo, pagsinga o pagbahing.
 Iwasan kumaing namumuno ang bibig, dalas-dalas at malalaki
ang subo.
 Masama ang mahalatang maibigan sa alak.
 Huwag magpahuli sa lahat sa pagkain at huwag namang
magpapa-una ng pagtindig.
Sa pag-alis:
 Bago umalis sa dulang ay magpasalamat sa Diyos, ang dapat
mamuno ay ang may-bahay.
goodreads.com  Magpasalamat sa may-bahay.
4. NUESTRA SEÑORA DEL ROSARIO

 Ikalawang aklat na nalimbag sa Pilipinas.


Akda ito ni Padre Blancas de San Jose noong
1602 at nalimbag sa imprenta ng Pamantasan
ng Sto. Tomas sa tulong ni Juan de Vera, isang
mestisong Intsik. Naglalaman ito ng mga
talambuhay ng mga santo, nobena, at mga
tanong at sagot sa relihiyon.
slideshare.net
5. BARLAAN AT JOSAPHAT

 Ikatlong aklat na nalimbag sa Pilipinas.


Akda ito sa tagalog ni Padre Antonio de
Borja. Orihinal na nasa wikang Griyego.
 Isang panulukang bato sa larangan ng
panitikan at wikang Filipino ang Barláan
at Jósaphát na unang nalathala noong
slideshare.net
philippineculturaleducation.com 1708.
5. BARLAAN AT JOSAPHAT

 Mayroon itong 553 na pahina at 40


kabanata. Noong 2003 muli itong
nailathala kasáma ng modernisadong
bersiyon ang orihinal na Tagalog na
inedit ni Virgilio Almario sa layuning
maipaunawa ito sa kasalukuyang
slideshare.net
philippineculturaleducation.com henerasyon.
5. BARLAAN AT JOSAPHAT
 Hango ang aklat sa isang napakapopular na kuwento
ng kabanalan noong edad Midyibal sa Europa.
Maraming bersiyon ito, bagaman sinasabing
pinakamatanda ang natagpuan sa Georgia.
 Tungkol ito sa kumbersiyon ng isang prinsipe sa
India, si Josaphat, na ikinulong sa isang palasyo at
binigyan ng lahat ng layaw ng amang hari dahil sa
tákot na maganap ang hula na magiging isang
slideshare.net
philippineculturaleducation.com
Kristiyano ang anak at magiging higit na
makapangyarihan kaysa kaniya.
5. BARLAAN AT JOSAPHAT
 Ngunit nalungkot sa gitna ng mga layaw si Josaphat,
nag-isip lumabas sa palasyo, at nang makalabas ay
nakatagpo ng mga kinatawan ng paghihirap, sakit,
katandaan, at kamatayan. Lalong naguluhan ang isip
ng prinsipe.
 Sa kabilang dako, kinausap ng Langit si Barlaan,
isang ermitanyo at inatasang tulungan si Josaphat.
Sa tulong ng Langit, nakapasok sa palasyo si
Barlaan at naaralan sa Kristiyanismo si Josaphat
slideshare.net
philippineculturaleducation.com
Naganap ang hula at sa dulo’y sumuko ang hari sa
karunungan ng anak.
ANG MGA DULA SA PANAHON NG KASTILA

TATLONG Dulang Panlansangan


URI NG
Dulang Pantahanan
DULA SA
PANAHONG Dulang Pantanghalan

ITO:
DULANG
PANLANSANGAN
Dulang Panlansangan

1. Pangangaluluwa
 Pananapatan sa bisperas ng Undas o
Araw ng mga Patay ang
pangangaluluwa. Kadalasang grupo
ng mga bata o kaya’y kabataan ang
gumagawa nito.
 Tumatapat sila sa mga bahay, gaya ng
ginagawa sa harana at karoling, at sa
pamamagitan ng pag-awit ay
nagkukunwari silang mga
kaluluwang naligaw mula sa
tagaloglang.com
purgatoryo.
Dulang Panlansangan

1. Pangangaluluwa
 Ang mga napupuntahang bahay ay inaasahang mag-
aabuloy ng mga kakanin o kayâ’y maliit na halagang
mabibitbit ng mga “kaluluwa” pabalik sa mundo ng
mga patay.
 Kakambal ng pangangaluluwa ang paniniwala sa
pamahiing nabubuksan ang pintong naghihiwalay sa
mundo ng mga buháy at mga patáy kapag sumasapit
ang Todos los Santos.
 Ito ang dahilan kung bakit sinasabing nakababalik
umano sa lupa ang kaluluwa ng mga yumao tuwing
Araw ng mga Patay. Ang panandaliang pagbisita ng
mga pumanaw ay sinasalubong sa pamamagitan ng
pagluluto ng iba’t ibang uri ng kakaning gawa sa
malagkit o kayâ’y mga lamang-ugat tulad ng kamote
at ube.
tagaloglang.com
Dulang Panlansangan

1. Pangangaluluwa
Halimbawa ng bersong binibigkas sa
Pangangaluwa:

Kaluluwa’y dumaratal
Sa tapat ng durungawan
Kampanilya’y tinatantang
Ginigising ang may buhay
 
Kung kami po’y lilimusan
Dali-daliin po lamang
Baka kami’y mapagsarhan
Ng Pinto ng Kalangitan.
tagaloglang.com
Dulang Panlansangan
2. Panunuluyan

Ang panunuluyan ay tradisyonal na dula


sa bisperas ng Pasko hinggil sa
paghahanap ng matutuluyan nina Birheng
Maria at San Jose sa Herusalem at
pagsilang kay Hesus sa isang sabsaban.
Mula ito sa kulturang Espanyol, partikular
mula sa bansang Mexico, na posadas—
isang tradisyon ng pagdiriwang sa
ginawang paghahanap ng mag-asawa ng
posada o taberna na matutuluyan.
tagaloglang.com
Dulang Panlansangan
2. Panunuluyan
Tinatayang pinasimulan ito ni San Ignacio
de Loyola noong siglo 16 nang imungkahi
niya ang pagdaraos ng isang nobena sa
Pasko na magpupugay sa paglalakbay nina
Maria at Jose.
Ang mga bahay na dadalawin ay
naghahandog ng pagkain, kakanin, at iba pa
sa mga táong nanonood. Magwawakas ito sa
isang malaking belen sa harap o altar ng
simbahan at doon isisilang ang sanggol na si
Hesus. Pagkatapos nito isinusunod ang
espesyal na misa sa Pasko. tagaloglang.com
Dulang Panlansangan
2. Panunuluyan
Tinatayang pinasimulan ito ni San Ignacio
de Loyola noong siglo 16 nang imungkahi
niya ang pagdaraos ng isang nobena sa
Pasko na magpupugay sa paglalakbay nina
Maria at Jose.
Ang mga bahay na dadalawin ay
naghahandog ng pagkain, kakanin, at iba pa
sa mga táong nanonood. Magwawakas ito sa
isang malaking belen sa harap o altar ng
simbahan at doon isisilang ang sanggol na si
Hesus. Pagkatapos nito isinusunod ang
espesyal na misa sa Pasko. tagaloglang.com
Dulang Panlansangan

3. Salubong
 Ito ay ginaganap tuwing araw ng Pagkabuhay ni
Hesukristo. Ang Salubong ay tumutukoy sa muling
pagkikita ni Birhen Maria at ni Hesukristo.
 May awitan ng mga anghel at pagpupuring tula at
awitan na sinasambit. Hanggang sa kasalukuyan
ang tradisyong ito pa rin ay buhay at ginagawa sa
Pilipinas.
Dulang Panlansangan

4. Dalit / Alay (Flores de


Mayo)
 Ang dalit gaya ng pasyon ay
inaawit din ngunit ito’y
nagsasalaysay sa buhay ni Birheng
Maria. Dahil ang Birheng Maria
ay simbolo ng kalinisan ng puri
siya ay hinahandugan tuwing
buwan ng Mayo. Ito ngayon ay
tinatawag na Flores de Mayo.
Dulang Panlansangan

4. Dalit / Alay (Flores de


Mayo)
Halimbawa ng berso na inaawit sa Flores de Mayo:

Matamis na birheng pinaghahandugan,


Kami’y nangangako naman pong mag-alay,
Ng mga girnalda bawat araw
At ang magdudulot yaring murang kamay

Tuhog na mga bulaklak sadyang salit-salit


Sa mahal mong nooy aming ikakapit,
Lubos ang pag-asa’t sa iyo’y pananalig
Na tatanggapin mo handog ng pag-ibig.
flickr.com
Dulang Panlansangan

5. Tibag

 Ang Tibag ay isang pagtatanghal kung


buwan ng Mayo na nakaugalian na sa
Bulacan, Nueva Ecija, Bataan, Rizal at
Bicol. Ito ay tungkol sa paghahanap ni
Sta. Elena sa mahal na Sta. Cruz na
kinamatayan ni Kristo.
 Ang dulang Tibag ay sinulat ni Fruto
Cruz.
kulturang-noypi.blogspot.com
Dulang Panlansangan

5. Tibag
Ang dulang ito ay nahahati sa dalawang
bahagi:

1. Pagtatagumpay ni Emperador Constantino sa


kanyang mga kalaban at ang pagkakatuklas ni
Sta. Elena sa krus na Kinamatayan ni Hesus.

2. Pagtatagumpay ng mga pinunong Kristiyano


laban sa mga hindi binyagan at ang
pagkakasauli sa mahal na Santa Cruz sa bundok
kulturang-noypi.blogspot.com ng Kalbaryo
Dulang Panlansangan

5. Tibag
 May bahaging itinatanghal sa entablado at may
bahagi na lumalakad ang mga tauhan na humahanap
sa bundok. Ito ay tatlong bundok na ginawa sa ibat-
ibang bahagi ng bayan. Karaniwan itong ginagawa sa
mga lugar na kung tawagin ay Hermano.

 Ang kumakatawan kay Sta. Elena at sa mga kawal,


kasama pati ang Haring Constantino ay lumilibot
upang hanapin ang Krus na kinamatayan. Bago tibagin
ang bundok, may mga binibigkas silang berso at mga
pagpapuri.
kulturang-noypi.blogspot.com
DULANG PANTAHANAN

tagaloglang.com
Dulang Pantahanan
1. Pamamanhikan o
dulog
 Isang matandang kaugaliang Pilipino
ang "Pamanhikan". Ito ay ang
mahusay na paghingi ng pahintulot ng
magulang ng lalaki sa magulang ng
babae sa isang pag-iisang dibdib. Ang
kasal ay sagradong bagay at ang mga
paghahanda pa lamang para sa
dakilang okasyong ito ay humahabi na
ng magaganda at makukulay na mga
steemit.com pagtitipon at pagdiriwang.
Dulang Pantahanan
1. Pamamanhikan o
dulog
 Ang pamanhikan ay galing sa
salitang panhik at kaugnay rin ng
salitang mamamanhik na may
kahulugang makikiusap. Hindi
basta't papanhik sa bahay, kundi
makikiusap pa sa mga magulang ng
dalaga upang tulutan nang
maipakasal ang kanilang anak na
steemit.com
dalaga.
Dulang Pantahanan
1. Pamamanhikan o dulog
 Dahil sa ayon din naman sa pag-uusap ng magkabilang
panig ang magiging bunga ng usapan, kaya't hindi
naman lahat ng pamanhikan ay nauuwi sa kasalan.
Kapag hindi magkasundo ang dalawang panig, gaya ng
kung hindi makakayanan o sadyang ayaw kayanin ng
partidos ng lalaki ang mga kahilingan ng partidos ng
babae tulad ng "panhik", at "bigay-kaya" hindi
natutuloy ang pamanhikan sa nilalayong kasalan.
 Ang "panhik" o "bigay-kaya" ay maaaring pera o
bagay, lupain o ari-arian, na handog ng lalaki sa
magulang ng babae. Kung minsan ito ay kusang-loob
na handog ng magulang ng lalaki, kung minsan ito ay
hinihiling ng magulang ng babae.
steemit.com
Dulang Pantahanan

2. Duplo
 Ito ay isang laro patungkol sa patay. Ang paraan ng
pananalita ng manlalaro ay patula, ngunit di kailangang
may sukat at tugma. Ang palmatorya ay isang tsinelas na
ginagamit ng hari sa pagpalo ng sinumang nahatulang
parusahan. Ang parusa ay maaaring pagpapabigkas ng
mahabang dasal para sa kaluluwa ng namatay. Tulad ng
karagatan, ginaganap kapag may lamay o parangal sa
isang namatay.
 
Dulang Pantahanan

3. Karagatan
 Uri ng sinaunang panitikang larong patula na
kadalasang ginagawa sa lamayan. Ang paksa ng
karagatan ay tungkol sa isang prisesa na nawala
ang singsing sa karagatan. Nagpapasikatan ang
mga binata sa kanilang mga husay at talento (na
isinasagawa sa pamamagitan ng pagtula). Kung
sino man sa kanila ang makakakuha ng singsing ay
magiging asawa ng prinsesa.
 
Dulang Pantahanan

4. Huego de Prenda
 Ang huwégo de prénda, batay sa kahulugan ng
pinagmulan nitóng Espanyol na juego de prenda, ay “laro
ng multa.” Nilalaro ito tuwing búrol o lamayan. Walang
takdang bilang ang maaaring sumali sa laro ngunit
malimit na kabataan ang mga kalahok. Umuupô sa isang
pabilog ang mga manlalaro, magkahiwalay ang mga
babae at ang mga lalaki, at may lider o hari sa gitna.
Bawat manlalaro ay binibigyan ng pangalan. Pangalan ng
punongkahoy o bulaklak ang sa babae. Pangalan ng ibon
o numero ang sa lalaki.
Dulang Pantahanan

4. Huego de Prenda
 Laro ito ng mga kabataan, lalo na ng mga dalaga at binata, dahil
ginagamit na pagkakataón para sa pagliligawan. Malimit na
mapagbiro ang utos kapag dalaga ang naparusahan. Malimit
namang may nakahandang tula ng pagsuyo ang binata kapag
naparusahang tumula. Bago magsimula, sa pagitan ng mga parusa,
at sa pagtatapos ay umaawit ang mga kalahok ng dalít at ganito ang
koro:
Sa Diyos natin ialay
Kaluluwa ng namatay
Patawarin kaawaan
Sa nagawang kasalanan.
DULANG PANTANGHALAN

tagaloglang.com
Dulang Pantanghalan

1. Karilyo
 Ito ay itinuturing na isang laro ng
mga tau-tauhang ginagampanan
ng mga aninong ginawa mula sa
karton, na pinapanood na
gumagalaw sa likod ng isang
puting tabing at pinagagalaw
naman ng mga taong di nakikita
na siyang nagsasalita rin para sa
mga kartong gumagalaw.
kidspot.co.nz
Dulang Pantanghalan

2. Senakulo
 Ang Senakulo ay tradisyonal na pagsasadula ng mga
pangyayari hinggil sa mga dinanas ni Hesukristo
bago at pagkaraang ipako siya sa krus. Hango ang
nasabing tradisyon sa Bibliya at iba pang tekstong
apokripa. Kadalasang ginaganap ito sa lansangan o
kaya'y sa bakuran ng simbahan.
 Ang mga kasuotan ng mga gumaganap ay ginagad sa
suot ng mga kawal na Romano at iba pang
personalidad at kasaysayan at may matitingkad na
kulay. Hindi man atentibo sa panonood ang ilang tao
ay madali pa ring masundan ang takbo ng
pagsasadula sapagkat pamilyar ang bawat mga
123RF.com eksena.
Dulang Pantanghalan
3. Moro-moro/Komedya

 Ang moro-moro ay isang uri ng "komedya"


sa Pilipinas na isang adaptasyon mula sa dula
sa Europa na comedia de capa y espada. Ang
moro-moro, ay natatangi sapagkat walang
ibang bansa na nakaisip at nakapagsagawa ng
nasabing palabas na katulad nang sa
Pilipinas. Ang Pilipinas lamang ang nawili sa
paggawa ng moro-moro na ang obrang ito ay
tuluyan nang itinuring na kasama sa buhay ng
mga Pilipino sa halos dalawang siglo.
britannica.com
Dulang Pantanghalan
3. Moro-moro/Komedya

 Ang moro-moro ay pinaniniwalaang nag-


ugat mula sa sagupaan sa pagitan ng mga
Kristiyano at Pilipinong Muslim. Ang
makasaysayang laban na ito ay nagsimula
noong ika-16 na siglo nang ang mga
Kristiyanong Malay, mga Pilipino sa Luzon
at Visayas ay sumama sa pakikidigma ng
mga Kastila laban sa mga Pilipinong Muslim
na nasa Timog ng Pilipinas.
 
britannica.com
MARAMING SALAMAT!

You might also like