You are on page 1of 1

Mother Goose Special School System, Inc.

HEKASI 5 ORGANISASYONG PANLIPUNAN FIRST TIMESTER


NOON

Pamahalaang Barangay
• Barangay- hango sa salitang balangay na nangangahulugang “Bangka”.
Ito ang batayang yunit ng pamahalaan ng ating mga ninuno.
• Datu- tawag sa pinuno ng barangay
• Konseho ng mga matatanda- pangkat ng matatandang katu-katulong
ng datu sa pagpapasya at paggawa ng batas sa barangay.
• Sanduguan- isang ritwal na ginagawa ng dalawang datu sa isang
lugar kasama ang kanilang mga nasasakupan
Pamahalaang Sultanato
• Sultanato- Uri ng pamahalaang itinatag ng mga Muslim sa Mindanao.
Ito ay binubuo ng sampu hangang labindalawang nayon.
• Sultan- ang tawag sa pinuno ng pamahalaang sultanato.
• Ruma Bichara- Konseho na katu-katulong ng sultan sa pamamahala
• Quadi- ang gumagabay sa sultan upang magampanan ang mga gawaing
pang-relihiyon.
• Panglima- ang kumakatawan sa sultan sa malalayong lugar.
Batas
• Di Nakasulat- kabilang dito ang mga kasabihan, kaugalian, gawi at asal na taglay ng mga tao.
• Nakasulat na mga batas- sinasabing ang sumulat ng pinakamatandang batas ay si Datu
Sumakwel. Nakilala ito na Batas ni Kalantiaw.
• Umalahokan- tagapagbalita ng barangay.
Antas o Katayuan sa Lipunan
• Maharlika- Pinkamataas na antas. Binubuo ito ng mga kaanak ng
Datu na maaring tawaging Lakan o Gat.
• Timawa- binubuo ng mga malayang tao.
• Alipin- pinakamababang uri ng tao sa lipunan.
1. Aliping Saguiguilid- walang anumang ari-arian
at itinuturing na pag-aari ng kanyang mga panginoon.
2. Aliping Namamahay- mas mataas na uri kaysa aliping
saguiguilid na may sariling pamamahay at ari-arian.

Prepared by: Social Studies Teachers


MGSSSI : School Year 2022-2023

You might also like