You are on page 1of 12

2

Ikatlong Markahan – IKAPITONG


Linggo

ANG MGA NAMUMUNO AT


MGA MAMAMAYANG NAG-
AAMBAG SA KAUNLARAN
NG KOMUNIDAD
 May iba pang pangangailangan ang bawat
pamilya sa pamayan upang magkaroon sila
ng maayos, ligtas, at payapang pamumuhay.
 Ang pamahalaan ay isang organisasyon o
samahan. Ito ay binubuo ng mga taong
namumuno na may tungkuling gumawa at
magpatupad ng batas sa kanilang
nasasakupan.
 Ang mga pinuno ng pamhalaan ay inihalal kaya
marapat lamang na sila ay maglingkod nang tapat,
maging masipag, maging matalino sa
pagdedesisyon, magmalasakit sa kapwa, at
magkaroon ng takot sa Diyos.
ALAM MO BA?
Ang datu bilang pinuno ng Barangay noong
Unang Panahon
Noong unang panahon ng ating mga
ninuno, ang kapuluan ay nahahati sa
mga barangay.
Ang bawat barangay ay pinamumunuan ng
datu. Ang kapangyarihan ng datu bilang
pinuno ng barangay ay nakaatang lamang sa
Ang datu ay kailangan matapang,
matikas, at maimpluwensiya upang
sundin ang kaniyang mga
nasasakupan.
Ang kapangyarihan ng datu ay
maaring ipamana sa kanyang anak na
lalaki.
Maaring humingi ng tulong ang datu sa
ibang barangay sa oras ng
pangangailangan tulad ng labanan o
giyera sa mga kalaban.
TANDAAN!
Pinamamahalaan ng mga pinuno ng
pamahalaan ang pagtugon sa pangangailangan
ng mga mamamayan sa komunidad tulad nga
pangangailangan pang-edukasyon, kalusugan,
hanapbuhay, kapayapaan, kaayusan, kaunlaran
ng komunidad.
TANDAAN!
Mahalaga ang pagkakaisa at pagtutulungan ng
mga pinuno at mga mamamayan sa komunidad
sa pagtugon ng mga pangangailangan ng mga
mamamayan at pagsulong ng bansa.
Takdang Gawain!

“WORKSHEET 40 SA ARALING PANLIPUNAN 2”

You might also like