You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Province of Cavite
Municipality of Noveleta
Barangay San Antonio I

OFFICE OF THE SANGGUNIANG KABATAAN

Katitikan ng session sa buwan ng Setyembre sa Brgy. Hall ng San Antonio I, Noveleta, Cavite noong
SEPTEMBER 16, 2020 (LINGGO):

MGA DUMALO:
Hon. Janine Vince H. De Guzman - SK Chairperson
Hon. Kristel Joyce B. Talusik - SK Member
Hon. Lorein Andrea S. Briones - SK Member
Hon. Jem S. Concepcion - SK Member
Hon. Maria Kayla C. Almanzar - SK Member
Hon. Nicole F. Javinal - SK Member
Hon. John Edwin A. Ibañez - SK Member
Hon. Mikko N. Nardo - SK Member

IBA PANG DUMALO:


Pheyleene S. Palustre - SK Secretary
Erica Edlyn A. Ibañez - SK Treasurer

PAGTAWAG SA KAAYUSAN
Ang karaniwang pulong ay tinawag sa kaayusan, ganap na alas 6 ng hapon sa pangunguna ni SK
Chairperson Janine Vince H. De Guzman na sinundan ng pambungad na panalangin, sa pangunguna
ni SK Member Nicole F. Javinal

A. PAGTAWAG SA MGA PANGALAN AT PAGHAHAYAG NG QUORUM


Nagsagawa ng pagtawag sa mga pangalanang kalihim, at napag alamang wala ang lumiban.
Pagkatapos niyon ay idineklara ng Tagapangulo ang pagkakaroon ng ‘’quorum’’

B. PAGBASA, PAGWAWASTO AT PAGPAPATIBAY NG KATITIKAN NG NAKARAANG SESYON


Binasa ng kalihim ang katitikan ng nakaraang sesyon sa pangunguna ni SK Chairperson Janine
Vince H. De Guzman ang katitikan ng nakaraan sesyon ay pinagtibay tulad sa binasa.

C. SUCCESSFUL LINGGO NG KABATAAN


Naidaos ng matagumpay ang kauna-unahang LINGGO NG KABATAAN a Quarantivity Event
dinaluhan ito ng mga ilang SK CHAIRPERSONS na mula sa iba’t ibang Brgy. Ng Noveleta isa na
dito si SK Chairperson Janine Vince H. De Guzman upang iulat ang mga ilang nagawa ng SK ng
Brgy. San Antonio 1 simula January to August 2020.

D. SCHOOL SUPPLIES FOR THE STUDENT OF BRGY. SAN ANTONIO 1


Nireport ni SK Chairperson Janine Vince H. De Guzman ang kabuang pagpapasya nya na
magkaroon ng pamamahagi ng mga school supplies sa mga Kabataan sa brgy. San Antonio 1 ito
ay para magsilbing tulong sa mga Kabataan na pumapasok sa eskwela mapa-online at mapa-
module

E. COMMITTEE ON ENVIRONMENT
Nakaschedule pa din ang mga paglilinis kasama ang buong SK Council, ngunit pinag desisyunan ni SK
Chairperson Janine Vince H. De Guzman na magkaroon ng per group sa paglilinis.

F. MGA GAWAIN/BAGAY PARA NGAYONG ARAW:


Wala

G. PAGPIPINID NG PULONG: dahil sa wala pag-usapan pang iba, ay iminungkahi ni SK Member


John Edwin A. Ibañez na isara na ang pag-pupulong sa ganap na ika 7 ng gabi at ito ay
pinangalawahan ng buong SK council.

X----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------x
PAGPAPATUNAY NG KALIHIM

AKO ANG NAGPAPATUNAY sa kawastuhan ng nasasad ng Katitikan ng Karaniwang pulong ng


Sangguniang Kabataan na ginanap noong ika-16 ng September 2020, sa Brgy. Hall ng Barangay San
Antonio 1, Noveleta, Cavite.

JANINE VINCE H. DE GUZMAN


SK Chairperson

PHEYLEENE S. PALUSTRE
SK Secretary

You might also like