You are on page 1of 2

Katitikan ng Unang Pulong ng Supreme Secondary Learner Government ng Mataas na Paaralang Nasyonal ng

Jamindan Ika-23 ng Oktubre 2023, ika-2 ng Hapon Sa Opisina ng SSLG

Mga Dumalo:

Mark Leven Visto-President

Ezekiel Abela-Vice President

Jocel Dela Cruz-Secretary

Edlyn Faith Sales-Treasurer

Emy Rose Salamanca-Auditor

Anthonette Valzado – P.I.O

Judelyn Luces-P.O

Jessa Mae Mahinay-Representative

Hanna Dennielle Ricaforte-Representative

Princess Nicole Cagampang-Representative

Jeneah Mae Florentino-Representative

Hindi Dumalo:

Mj Sev Villasis-Representative

Jillan Miranda-Representative

Angelica Lopez-Representative

Panukalang Adyenda

1.Paghahanda sa gagawing Year End Party.

2. Pag-uusap tungkol sa mga gaagwing aktibidad.

3.Pagsasaayos ng mga gawain.

4.Pagtatalaga ng mga gawain sa pagdiriwang.

5. Pagkukwenta ng mga gastusin.

I. Pagsimula ng Pulong

Ang pagpupulong ay itinayo ni G. Mark Leven Visto, ang Pangulo ng organisasyon sa ganap ng ika 2:30 ng hapon at
ito ay pinasimulan sa pamamagitan ng isang panalangin ni Gng. Emy Rose Salamanca, kasunod ay roll call na
isinagawa ni Jocel Dela Cruz t matapos ipinahayag na mayroong quorum.

II. Pagpapatibay ng Panukalang Adyenda


a) Binuksan ang pagpupulong sa maikling mensahe ni G. Mark Leven Visto.

b) Nagbigay din ng kanilang mensahe ang mga opisers ng SSLG Organization.

c) Sinimulan ni G. Mark Leven Visto ang unang adyenda paghahanda sa Gawaing Year End Party

d) Ipinaalam niya sa mga opisers ng SSLG Organization ang paghahandang kanilang gagawin sa Year End Party sa
darating na Disyembre 16, 2023.

e) Pag-uusap tungkol sa gagawing aktibidad-Sumunod ay ang pagbanggit ni G. Ezekiel Abela ng mga gagawing
aktibidad sa paparating na Year End Party. Magkakaroon ng Mr. and Ms. Christmas na kung saan ay ang Iba’t ibang
Grade level ay pwedeng sumali. Mayroon ding iba’t ibang aktibidad na gagawin, meron ding palaro at pakain.

f) Pagsasaayos ng mga gawain-Sumunod naman ang pagbanggit ni G. Mark Leven Visto ang pagsasaayos ng mga
gawain sa Year End Party, Pinag-usapan dito kung paano nila maisasaayos ng mabuti ang mga gagawin sa Year End
Party.

g) Pagtatalaga ng mga gawain sa pagdiriwang-Sumunod naman ang pagbanggit ni Gng. Anthonette Valzado ang
mga itatalagang mga opiser sa bawat gawain na gagawin sa Year End Party na kung saan sila ang nakatalaga o na
assign na mag facilitate sa ganong gawain.

h) Pagkukwenta ng mga gastusin-Sumunod naman ang pagkukwenta ng mga gastusin para sa Year End Party na
kung saan umabot sa higit kumulang sa 5,000 pesos ang magagasto na pera para sa mga aktibidad na gagawin sa
Year End Party.

i)Iminungkahi naman ni G. Ezekiel Abela na sana pati ang mga guro ay makakasali.Iminungkahi niya rin na sana
lahat ng opiser ng SSLG Organization ay tumulong sa mga gawain.

j) Pupunta si G. Mark Leven Visto at G. Ezekiel Abela sa opisina ng Principal upang mag pa approve ng nasabing
aktibidad.

k) Tatawag ng sunod na meeting ang SSLG opiser kaugnay sa Year End Party kung sakaling maaprobahan na ng
Principal ang aktibidad.

III. Iskedyul ng Susunod na Pulong Wala pang Petsa


IV. Pagtatapos Ng pulong
V. Natapos ang Pulong sa ganap na 3:30 ng Hapon

Inilahad ni:

Mj Sev Villasis

Kalihim

Nagpatotoo:

Mark Leven Visto

SSLG President

You might also like