You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

Lalawigan ng Laguna
Bayan ng Majayjay
Barangay Balanak

Sinipi sa katitikan ng pulong ng Sangguniang Kabataan ng nabanggit ng bawat Barangay na


ginanap noong ika- 24 ng July 2022 sa bahay Pulungan sa ganap na ika- 5:00 ng hapon.

Mga upDumalo:
Kgg. Neil Justine M. Palentinos Sk Chairperson
Kgg. Ryan L. Breganza Sk Chairperson
Kgg. Edmark O. Palentinos Sk Chairperson
Kgg. Adrian R. Consunto Sk Chairperson
Kgg. Rocky Roceo Sk Chairperson

Panalangin: Kgg. Neil Justine M. Palentinos


Pambansang Awit: Kgg. Adrian R. Consunto

AGENDA:

Unang nag salita ay si Sk Chairperson Kgg. Ryan L. Breganza para sa opening remarks
at patungkol narin sa nasagawa niyang proyekto para sa kanyang nasasakupan at mga
proyektong naihanda para sa taong 2022.Pangalawa ay si Sk Chairperson Kgg. Neil Justine
M. Palentinos upang ihain ang mga platapormang naihanda sa kanyang budget. Pangatlo ay
si Sk Chairperson Kgg. Adrian R. Consunto na meron ding napasagawang proyekto para sa
kanyang nasasakupan at mga proyektong naihanda para sa taong 2022. Pang apat na
nagsalita ay si Kgg. Rocky Roceo na mayroong din syang naisakatuparan na proyekto para sa
kanyang nasasakupan at mga proyketong naihanda para sa taong 2022. Panglima na nag
salita ay walang iba kundi si Sk Chairperson Kgg. Edmark O. Palentinos upang ihain ang mga
platapormang naihanda sa kanyang budget. Naging bisita rin si Corpural Angela Samus na
may naibahagi sa kanyang sarili at bilang pag daan sa isang pagiging kabataan nagging bisita
rin ang President ng Pederasiyon ng Kabataan ng Majayjay, Laguna na si Kgg. David John
Jacildo naibahagi nya dito na mayroong inihanda na gaganapin na Youth week sa August 28,
29, 30, 2022 na ang nasabing mga kalahok ay simula 18 to 30 yrs old nabanggit niya ang
mga naisakatuparang mga proyekto ng Pederasyon ng Kabataan ng Majayjay, Laguna.
Pangalawa sa tinalakay ay tungkol sa nasabing ginanap na pag pupulong na ito upang
mapakinggan ang bawat isa sa kanilang mga plano upang mapa unlad, mapa usbong at
makilala pa ang bawat kanilang nasasakupan. Nabanggit din ang tungkol sa covid na
hanggang sa ngayon ay hindi parin matapos tapos na pinag iingat parin na bawat pag labas
ay mag suot ng face mask upang maiwasan ang pag kalat ng nasabing virus.

Dahil sa wala nang pag-uusapan pa, isinara ang pulong sa ganap na ika- 8:00 ng gabi
sa mungkahi ni Sk Chairperson Kgg. Adrian R. Consunto at pinangalawahan ng lahat ng
dumalo.

PINATUTUNAYAN NG BAWAT BARANGAY ANG KAWASTUHAN NG KATITIKANG ITO AYON SA


PINAG- USAPAN.

Ryan L. Breganza
Sk Chairperson of Brgy. Sta. Catalina

Neil Justine M. Palentinos


Sk Chairperson of Brgy. Balanak

Edmark O. Palentinos
Sk Chairperson of Brgy. Pook

Adrian R. Consunto
Sk Chairperson Brgy. Burol

Rocky Roceo
Sk Chairperson of Brgy. Banti

You might also like