You are on page 1of 1

Republika ng Pilipinas

Lalawigan ng Quezon
Bayang ng Burdeos
BARANGAY RIZAL

HALAW BUHAT SA KATITIKAN NG PULONG NG LAHAT NG SENIOR CITIZEN DITO SA


BARANGAY RIZAL, BURDEOS, QUEZON, NA GINANAP SA BAHAY NAYON NG RIZAL
NOONG IKA-3 NG ABRIL 2011.

MGA DUMALO:
LAHAT NG SENIOR CITIZEN SA BARANGAY RIZAL.

WALANG LIBAN:

KAPASIYAHAN BILANG 01
(Taong 2011)

“KAPASIYAHANG HINIHILING SA KINAUUKULAN NA IPAGKALOOB SA


SAMAHAN NG MGA SENIOR CITIZEN NG BARANGAY RIZAL ANG ISANG
PORSYENTO BUHAT SA INTERNAL REVENUE ALLOTMENT (IRA) NG
BARANGAY UPANG ANG NASABING PORSYENTO AY MAGING SIMULA
SA PAGPAPAGAWA NG ISANG SENIOR CITIZEN BARANGAY HALL.”

SAPAGKAT, kaming samahan ng mga senior citizen dito sa barangay Rizal ay nagdaraos palagi
ng buwanang pagpupulong ayon na rin sa kautusan ng aming pambayang pangulo ng samahan upang
palaging ma-monitor ang bawat kalagayan ng bawat myembro ng samahan;

SAPAGKAT, kadalasan ay sa kung saan saang lugar na lamang namin ginaganap ang
pagpupulong dahil lagi ding okupado ang Barangay Hall sa palagian ding pagpupulong ng
Sangguniang Barangay;

SAPAGKAT, ang kanais-naisan naming mga senior citizen dito sa barangay Rizal ay
magkaroon kami ng sariling bahay pulungan upang magamit namin sa anumang oras ng pagpupulong o
sa anumang okasyon;

KUNG KAYA'T DAHIL DITO AY,

IPINASIYA, tulad ng dito ay ipinasisiya, na hilingin sa kinauukulan na bigyan ng isang


porsyentong kabahagi ang samahan ng senior citizen buhat sa IRA ng barangay Rizal bawat taon
hangga't hindi natatapos ang proyekto naming SENIOR CITIZEN BARANGAY HALL;

IPINASIYA PA, na bigyan ng sipiing ito ang Sangguniang Barangay ng Rizal at Sangguniang
Bayan ng Burdeos, Quezon, para sa kanilang ikababatid, panusugan at mahalagang pagpapasiya at
pagpapatibay.

PINAGTIBAY NG LAHAT. ABRIL 3, 2011

PINATUTUNAYAN KO, ang kawastuhan at katumpakan ng kapasiyahang ito.

MARCELINA M. MORADA

(Kalihim)

PINAGTIBAY:

AVELINA V. AZAGRA
(Pangulo)

Binigyan ng sipi:
Sangguniang Barangay Rizal, Burdeos, Quezon
Sangguniang Bayan, Burdeos, Quezon

You might also like