You are on page 1of 2

SANGGUNIANG KABATAAN, SALVACION, MAWAB DDO

SANGGUNIANG KABATAAN
COUNCIL MONTHLY MEETING
ENERO 12, 2023
SALVACION BARANGAY HALL

Layunin ng Pulong: Pagpaplano sa Linggo ng Kabataan 2023


Oras: 7:00 pm
Petsa: Enero 12, 2023
Facilitator: SK Chmn. Mateo Smith Flores

Mga Dumalo
G. Mateo Smith Flores - SK Chairman
Bb. Levanah Wilf Onia - Kalihim ng SK
Bb. Freah Mae Seban Hinay - Ingat-yaman ng SK
G. Joppee Degamo Tongco - SK Kagawad
Bb. Josephine Delalamon - SK Kagawad
G. Micho Jay Rañises Hinay - SK Kagawad
Bb. Risajen D. Vicente - SK Kagawad

Mga Hindi Dumalo


Bb. Gecyl Cain Ocon

Ang SK Chairman, Mateo Smith Flores ay nagpatawag ng pagpupulong na ginanap sa


tanggapan ng baranggay ng Salvacion noong ika- 12 ng Enero, 7:00 ng gabi. Nagsimula ang
pagpupulong sa isang panalangin na pinangunahan ni Bb. Risajen Vicente. Na siyang binuksan
naman ni G. Flores. Agad na sumunod ang roll call at pagpapahayag ni G. Flores ng
pagkakaroon ng buwanang pagpupulong. Pagkatapos ipinahayag ni G. Flores ang pagtalakay sa
Agenda para sa buwanang pagpupulong ng SK officials sa baranggay
Dumako ang lahat sa pagtalakay sa Agenda ng pulong. Una, ang pagtalakay sa
paghahanda sa Linggo ng Kabataan na gaganapin ngayong ika- 23 hanggang 28 ng Enero,
Kabilang sa pagtatalakay ang pagbibigay suhestiyon sa mga aktibidad na gagawin sa Linggo ng

1
Kabataan. Ipinamalas ng mga kagawad ng SK ang kanilang mga kaalaman at mahuhusay na
suhestiyon. Ilan sa mga napag-usapan at napagkasunduang suhestiyon ay ang nasa ibaba.

Linggo ng Kabataan Activities:


 Bike Racing
 Basketball League
 Ms. Fake Gay
 Table Tennis
 Volleyball

Tinalakay din ang badyet na gagamitin para sa mga premyo at snacks na


ibabahagi sa mga dadalong manlalahok sa Linggo ng Kabataaan activities. Sa pulong ay
napagkasunduan ng mga kasapi ang pahayag ni G. Flores sa kabuuang gagastusin para sa
event, ang pundong kakailanganin para sa espesyal na kaganapan ay bibigyang tugon ng
puno ng barangay, Kapitan Jiovanni Amodia. Pagkaraan ay nagtalaga si G. Flores ng mga
tungkulin bawat isa sa mga kagawad ng SK.
Matapos maliwanagan ang lahat, napagkasunduan nila ang pinal na petsa ng
gaganaping aktibidad at mga bagay na kinakailangang aasikasuhin para sa kaganapan.
Natapos ang pulong sa oras na 9:30 ng gabi sa mungkahi na rin ng bawat miyembro.

Iskedyul ng susunod na Pulong:


Pebrero 10, 2023 sa Salvacion Brngy. Hall sa ganap na ika-10:00 ng umaga

Inihanda ni:
Bb. Levanah Wilf Onia
Kalihim ng SK

Pinapatunayang totoo:
G. Mateo Smith Flores
SK Chairman

You might also like