You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Region V
Division of Camarines Sur
MUNICIPALITY OF SAGÑAY
BARANGAY STO. NIÑO
OFFICE OF THE SANGGUNIANG BARANGAY

Katitikan ng Pulong ng SK Pangalawang Sesyon


Petsa: January 2, 2024
Oras: 1:00 PM
Lugar: Barangay Hall
Bilang ng dumalo: 9
Bilang ng hindi dumalo: 1

Agenda:
• Badyet para sa 2024

Nagsimula ang pulong sa pamamagitan ng panalangin na pinangunahan ni SK


Chairperson, Antonette Mababao, ganap na 1:00 ng hapon. Siyam na miyembro ang dumalo,
may isang absent.

Bago sinimulan ni SK Chairperson ang pagsusuri ng agenda na tatalakayin sa pulong,


ipinakilala at pinasalamatan muna niya ang lahat ng dumalo sa pulong. Nagbigay rin siya ng
update tungkol sa kanilang koordinasyon ni SK Treasurer hinggil sa paglabas ng pondo para sa
badyet ng SK Council. Pagkatapos nito, binasa niya ang budgeting na ginawa ng nakaraang SK
Council.

Matapos ang budget presentation, tinanong ni SK Chairperson ang mga kagawad kung
ano ang kanilang nais na gawing mga aktibidad at proyekto para sa taong ito. Si Kgwd. Clydel
Kate B. Seres ang nauna na nagbanggit ng planong bumili ng printer, mouse, at extensions, pati
na rin ang mga office supplies. Nagbigay rin ng suhestiyon si SK Secretary na magkaroon ng
collaboration ang SK Council sa pagdiriwang ng National Reading Month sa mga guro sa
elementarya ng barangay. Nais ni Kgwd. Clydel Kate B. Seres na ipagpatuloy ang pagsasagawa
ng seminars para sa mga kabataan hinggil sa iba't-ibang programa. Inirekomenda rin ang pag-
organize ng Coastal Clean Up kasama ang mga kabataan. Binanggit naman ni Kgwd. Jelly C.
Potenciano Jr. ang pagkakaroon ng dalawang bakal na basurahan. Isinabay ito ni Kgwd. Sherwin
Roy B. Celestial sa rekomendasyon na magkaruon ng mga kabataang assigned na mag-ayos ng
basura bago ito i-collect ng garbage collector para sa Youth and Development Livelihood.

Pagkatapos ng diskusyon sa mga proyekto, napag-usapan ang mga kaganapan para sa


Fiesta ngayong taon. Napagkasunduan ng council na ituloy ang paligsahan sa basketball sa
barangay. Inirekomenda ni Kgwd. Sherwin Roy B. Celestial na magkaruon ng parade ang mga
LGBTQIA+ community kasabay ng mga basketball players para sa paliga.

Ang pulong ay nagtapos ng 3:00 ng hapon.

Inihanda ni:

JULIANA FAITH B. CONMIGO


SK Secretary

ANTONETTE B. MABABAO
President Officer/ SK Chairperson
CLYDEL KATE B. SERES JOHN ERICK C.
BUENAFE
SK Kagawad SK Kagawad

JUSTINE EARL C. CARBONEL JOHN JULIUS G. TABACO


SK Kagawad SK Kagawad

SHERWIN ROY B. CELESTIAL JELLY C. POTENCIANO JR.


SK Kagawad SK Kagawad

EDDIE B. FERNANDEZ JR. NIÑA T. VILLANO


SK Kagawad SK Treasurer

You might also like