You are on page 1of 4

TO: REV. FR.

EDUARDO VILLANUEVA, SDB


Youth Director- Don Bosco Youth Center- Tondo
C.P. Garcia St., Bo. Magsaysay, Tondo, Manila

FROM: DBYC COUNCIL AND ANIMATORS


Don Bosco Youth Center- Tondo

Fr. Ed:

Pagbati sa ngalan ni San Juan Bosco!

Kami, ang mga kabataang namumuno sa Don Bosco Youth Center- Tondo, ay nais ipabatid sa
iyo ang aming mga saloobin at karanasan sa mga nakalipas na buwan ukol sa iyong pamamalakad bilang
aming Youth Director. Narito ang mga sumusunod:

1. December 24, 2020- Hindi naging maayos ang koordinasyon ng bagong pamunuan ng konseho
ng mga kabataan at Youth Director sa pagdiriwang ng Misa de Gallo at Rito ng Pagtatalaga ng
bagong konseho.
2. December 19, 2020- Ang gift giving ng Knights of the Altar ay hindi nasuportahan ng Youth
Director.
3. January 2021-
a. Hindi naging maayos ang koordinasyon ng PYC at ng Youth Director sa buong
pagdiriwang ng fiesta (Singing Contest, Dance Contest, Poster Making, Tiktok,
Photography, etc.)
b. Bukod dito, ang liquidation report ng nasabing gawain ay hindi naipasa sa Parish Office
dahil ito ay nawala ng Youth Director.
c. Ang budget request ng Drum and Lyre Band para sa kanilang kagamitan ay pinirmahan
nang walang kaukulang pag-uusisa. Ang Youth Director ay nagtanong ukol sa nasabing
budget request pagkatapos niya ito pirmahan.
d. Sa pamimili ng Drum and Lyre kasama ang Youth Director, ang Youth Director ay may
mga sinasabi tungkol sa grupo gaya ng “Kapag nasira ang mga nabiling gamit ay wala
siyang pakialam kung matatanggal ang grupo sa sentro.”
e. Ang perang natira para sa nasabing budget request ay hindi nakuha sa loob ng apat na
buwan na nagreresulta ng delay sa pamimili ng iba pang mga gamit ng Drum and Lyre.
f. Ang animator ng Auxilium Sodality at Knights of the Altar na sina John Clifford
Landagora at Sean Andrei Ordona ay pinaghintay ng mahigit dalawang oras para sa
interview. Ngunit ang Youth Director ay hindi dumalo sa nasabing interview sa
kadahilanang nakalimutan niyang sabihin sa Youth Coordinator na hindi maganda ang
kanyang kalagayan.
g. Ang request para sa supplies, cleaning material at personal computer ay hindi naasikaso
ng Youth Director. Bagkus ang mga nasabing request ay iyong nawala.
h. Ang pagtatalaga at pagpapanibago ng pangako ng Animators and Leaders ng DBYC ay
hindi naantala.

4. February 2021-
a. Ang cash prize para sa fiesta activities ay naantala ng ilang araw at pinaghintay ang mga
nanalo sa mga patimpalak.
b. Ang kaso laban kay Christopher “Tophee” Fortades ay hindi nabigyan ng karampatang
resolusyon na naaayon sa ating revised By Laws.
c. Ang sulat ng Drum and Lyre at Knights of the Altar ay delayed dahil hindi napirmahan
ng Youth Director.

5. March 2021-
a. Hindi naramdaman ang presensya ng youth director sa mga gawain ng sentro sa pagbisita
ng Nuestra Senora de Guia at Archdiocesan Youth Cross.
b. Ang liturhiya para sa pagdating ng De Guia at Youth Cross ay ipinabago isang gabi bago
ang pagdiriwang.
c. Ang planning ng PYC at mga association ay inantala ng Youth Director.

6. April 2021-
a. Ang Youth Director ay walang kaukulang aksyon sa kaso ni Christian Ayuban hanggang
sa kasulukuyan.

7. May 2021-
a. Ang Don Bosco Youth Center Tondo ay nabigong magkaroon ng mga summer activities
dahil hindi ito pinahintulutan ng Youth Director

8. June 2021-
a. Ang Youth Director ay hindi tumutugon sa mga chat at messages ng PYC, lalong lalo na
sa mga panahon na kailangan ang kanyang presensya at pag-apruba sa mga gawain at
proposals ng PYC.
b. Ang Youth Director ay hindi tumugon sa napag-usapang schedule para sa SPYM
Meeting at Induction. Kung kaya’t ang PYC ay sumangguni sa Kura Paroko tungkol dito.
c. Ang Youth Director ay pabago bago sa mga desisyon sa mismong araw ng pagtatalaga at
pagpapanibago ng DBYC Council, Animators at Leaders.
d. Ang Youth Director ay hindi nakiisa sa planning ng DBYC Council, Animators at
Leaders para sa buong taon.
e. Ang Youth Director ay hindi nakiisa sa pag-uusap ng PYC at Samahan ng mga Katekista
f. Ang Youth Director ay hindi nakikipag-usap sa ibang miyembro ng PYC, bagkus ang
Youth Coordinator lamang ang kinakausap nito.
9. July 2021-
a. Ang Youth Director ay di umano nasabihan tungkol sa search- in nina Chester Bulaong,
Manny Abregunda, Jr., at Sean Andrei Ordona.
b. Ang Youth Director ay di umano nasabihan tungkol sa pagpupulong ng SOCCOMM ng
parokya kasama ang SOCCOMM ng DBYC.
c. Ang Youth Director ay nag-abiso sa PYC tungkol sa alignment ng LCS at LitCom.
d. Ang Youth Director ay hindi pa naibibigay ang bodega na para sa DBYC.

Bukod sa mga ito, ang mga miyembro ng DBYC ay dumudulog sa konseho tungkol sa kawalan
ng presensya at suporta ng Youth Director sa mga kabataan. Ang mga fund raising activities at iba pang
proposals ng mga asosasyon ay kanyang pansamantalang hindi pinahihintulutan dahil umano sa
pandemya.

Ang kasulatang ito ay pinag-sang ayunang isulat ng Parish Youth Council at Animators upang
magkaroon ng payapang pag-uusap at maayos na relasyon sa Youth Director. Nawa’y iyong tugunan ang
lahat ng aming mga saloobin sa maka-Salesyanong pamamaraan sa patnubay ng ating patron- ang ama at
guro ng mga kabataan na si San Juan Bosco.

Pagpalain nawa tayo ng Poong Maykapal!


Lubos na gumagalang,

Angelo Dominic N. Aguila Romanelo E. Romano


Youth Coordinator- PYC Asst. Youth Coordinator- PYC

Abegail Catalan Laureanne G. Lopez


Secretary- PYC Treasurer- PYC

Chester B. Bulaong Dexter D.C. Cadag


Custodian & Service Minsitry Delegate- PYC Worship Ministry Delegate- PYC

John Jerome S. Gutierrez Carla Joy G. Santos


SOCCOMM & Ecology Ministry Delegate- PYC Education Ministry Delegate- PYC

John Clifford C. Landagora Winifredo S. Leal Jr.


Auxilium Sodality- Animator Drum and Lyre- Animator

Alyza Jean M. Constantino Sean Andrei C. Ordoña


Friends of Michael Rua- Animator Knights of the Altar- Animator

Cristalyn G. Anog Benedict Louise E. Dominice


Kuwerdas ni Maria- Animator Liturgical Committee- Animator
Jorielyn F. Tangpos Emily B. Ebrada
MAIN Friends Club- Animator Mickey Magone Choir- Animator

Marc Angel C. Cacal


Savio Friends Club- Animator

You might also like