You are on page 1of 5

ISANG DETALYADONG PLANO NG ARALIN SA AP 2

Student Teacher Mentor: Ms. Mary Anne L. Luengas

Student Teacher : Jireh D. Soten

Kurso: BEED 4

I.LAYUNIN

Sa loob ng isang oras na aralin, ang mga mag- aaral ay inaasahang:

a.Malaman at mainitindihan kung sino sino ang namumuno sa komunidad.

b.Maunawaan ang kahalagahan ng mga namumuno sa komunidad.

c.Natutukoy at nailalarawan ang ibat-ibang namumuno sa komunidad.

II.

NILALAMAN

A. Paksang Aralin : Mga Namumuno sa aking komunidad

B. Sanggunian: Aklat Aralin sa Kultura, Kasaysayan, at Kabuhayan pp. 222- 240

C. Kagamitan: Visual Aids, Larawan

D.

E.

III.PAMAMARAAN

Aktibidad ng Guro Aktibidad ng Mag-aaral

A.Panimulang Gawain

1. Panalangin
2. Pagbati sa klase
3. Pagsassa-ayos ng silid aralan
4. Pampasigla
5. Pagsuri ng Attendance

B. Pagbabalik-aral sa Nakaraang Aralin

Bago tayo magsimula atin munang balikan ang


tinalakay noong nakaraan.

Ito ay tungkol sa mga Kabuhayan sa aking


Komunidad.

Ano-ano ulit ang mga kabuhayan sa ating


Komunidad? * Pagsasaka
* Pangingisda
* Pagmimina
*Pagtotroso
* Pagmamanupaktura

Magaling!

C. Kamalayan/Pagganyak

Pagmasdan ang larawan sa ibaba. Matutukoy


mo ba kung sino-sino sila at kung ano ang
kanilang mga gampanin sa komunidad?

Barangay Feeding

Barangay Health Welfare

Magaling!

D. Pagtatanghal

Ang ating tatalakayin ngayon ay tungkol sa mga


Namumuno sa aking Komunidad.

Sino- sino ang mga Pinuno sa ating Barangay?


* Punong Barangay
* Mga Konsehal ng Barangay
* Sangguniang Kabataan ( SK Chairperson )
* Ang kalihim ( Secretary )
* Ingat Yaman ( Treasurer )

 Punong Barangay – Ang Punong


Barangay ang nangunguna sa
pagpapatupad sa mga batas at patakaran
sa barangay. May kapangyarihan siyang
mamuno sa barangay. Siya ay pinipili ng
mga tao sa barangay sa pamamagitan ng
pagboto

 Mga Konsehal ng Barangay – Ang pitong


konsehal ng barangay ay ibinoto ng mga
taong nakatira sa komunidad. Tulad din ng
sa Punong barangay ang kanilang
kuwalipikasyon. Kuwalipikasyon ang tawag
sa mga katangian na dapat taglay o
mayroon ang isang kasapi ng barangay nan
ais mamuno.

 SK (SK Chairperson) – Ang Sk


Chairperson ay manunungkulan sa loob ng
tatlong taon. Siya ay inihahalal ng mga
rehistradong botante ng Sangguniang
Kabataan. Ang SK Chairperson ay
miyembro ng Sangguniang Barangay. Siya
rin ang magiging tagapamuno ng
Committee Youth and Sports Development
sa nasabing sanggunian.

 Kalihim ng Barangay – Ang kalihim ng


barangay ay hinihirang ng Punong barangay
nang may pagsang-ayon ng nakararaming
miyembro ng Sangguniang Barangay. Ang
Kalihim ay may sapat na gulang, isang
botante, at naninirahan sa barangay.

 Ingat Yaman ng Barangay – Ang


kuwalipikasyon at paghirang sa Ingat
Yaman ng barangay ay tulad din ng sa
kalihim ng barangay. Marami rin siyang
tungkulin tulad ng Pagpangalagaan ang
mga pondo at pag aari ng barangay.
Tiyaking nagagamit nang maayos at wasto
ang pondo ng barangay.

You might also like