You are on page 1of 8

Arellano University

Andres Bonifacio Campus


Grade School Department

Detalyadong Banghay- Aralin sa Araling Panlipunan 2

l. Mga Layunin

Sa loob ng 50 minutong aralin sa Araling Panlipunan 2, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. nakatutukoy ng mga pinuno sa komunidad;


b. nakapagpapaliwanag ng mga tungkulin ng mga pinuno sa komunidad; at
c. nakakapag-uugnay-ugnay ang mga tungkulin ng bawat pinuno sa komunidad.

ll. Paksang Aralin

● Paksa : Mga Namumuno sa Aking Komunidad


● Sanggunian : Araling Panlipunan 2 - DLP, Video Lesson
● Kagamitan : Laptop , PowerPoint, Google meet, Genially

lll. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral


A. Panimulang Gawain

1. Panalangin

Tayo po ay mananalangin na!


• Opo sir (sa ngalan ng ama, ng anak, at
espiritu santo,
Amen………

2. Pagbati
• Magandang umaga rin po sir!
Magandang umaga mga bata!
3. Pagtala ng Liban

(Tatawagin ng guro ang pangalan ng mga


estudyante)

B. Panlinang ng Gawain

1. Pagganyak

Bago tayo tumungo sa ating paksang pag-


aaralan ngayon araw, ay mayroon muna
akong ipapakitang larawan at sabihin niyo
kung ano ang nakikita ninyo sa larawan.

(Ang guro ay magpapakita ng isang larawan ng


bahay)

G- Ano ang inyong nakikita sa larawan?

G- Magaling! Sino ba ang namumuno sa isang


bahay?

G- Tama, magulang ang namumuno sa ating


bahay, ano naman ang inyong nakikita sa S- Bahay po!
sunod na larawan?
S - Mga magulang po.
(Ang guro ay nagpakita ng larawan ng isang
eskwelahan)

G- Tama! Sino naman ang namumuno sa


eskwelahan?

G- Magaling, Punong-guro o ang ating S - School po./Eskwelahan po!


Principal ang namumuno sa ating eskwelahan
pati nadin ang ating mga guro o teacher.
S - Teacher po./Guro/Punong-guro

2. Paglalahad ng Paksa

Ang paksang tatalakayin natin sa araw na to


ay:

“Mga Namumuno sa Aking Komunidad”


3. Pagtatalakay
Lahat tayo nagnanais ng isang
mapayapa at maunlad na
komunidad.

G- Para sainyo, ano ba ang isang


Lider?

S - Ang Lider po ang ating pinapakinggan o ang


G- Magaling! Ang mga Lider ang ating sinusunod, sila din po ang nag bibigay sa
nagsisilbing tagapagpatupad ng atin ng mga bagay na makakabuti para sa atin.
mithiin ng mga tao para sa kanilang
komunidad.

G - Ano ang inyong nakikita sa


Larawan?

S - Barangay po/ Barangay Hall

G- Tama, Ito ay isang barangay hall.

Ang Barangay ay pinamumunuan ng


isang kapitan at ng mga kagawad.
Ang Barangay ang pinakamaliit na
yunit ng pamahalaang lokal sa
bansa.
Ang Barangay ay bahagi ng isang
bayan o lungsod.
Ang mga namumuno naman dito ay
tinatawag na Alkalde o Mayor, Bise-
alkalde o Vice Mayor at mga
konsehal.
Hanggang tatlong taon sila maaaring
manilbihan sa ating bayan o lungsod.

Silang lahat ay may tatlong termino.


Ang ibig-sabihin nito ay tatlong beses
sila maaaring mahalal sa posisyon na
ito. Ang kanilang tanggapan ay
tinatawag na munisipyo sa mga
bayan at city hall naman sa mga
lungsod.

Tungkulin ng mga Pinuno sa


Komunidad
- Kapitan at kagawad -
tungkuling panatilihin ang
kaayusan ng kanilang
nasasakupan. Sila ang
nangunguna sa mga
programang magpapabuti
ng kanilang barangay.
- Sangguniang Kabataan (SK) -
katulong ng kapitan sa
paggawa ng mga proyekto
na makatutulong sa kanilang
nasasakupan.
- Barangay Tanod - Mga
boluntaryong mamamayan
na katulong ng kapitan sa
pagkakaroon ng seguridad
at kapayapaan sa bawat
nasasakupan.
- Alkalde o Mayor - Ang lokal
na pamahalaan ay
nagpapatupad ng mga
programang nagtataguyod
ng edukasyon. Halimbawa
nito ay nag pagtatayo ng
gusali at pagbibigay ng mga
kagamitan tulad ng silya at
mga lamesa. Binibigyang -
pansin din nila ang
kalusugan ng kanilang
nasasakupan. Sila ay
nagpapatayo ng mga
hospital at nagbibigay ng
mga libreng gamot sa mga
health center. Sila ay
nakikipag - ugnayan sa mga
pulis upang mapanatili ang
kaayusan sa buong bayan o
lungsod.
- Pagpapatupad ng mga
batas at ordinansa.

Pagpili ng mga Pinuno

- Ang mga pinuno ng


barangay at ng mga bayan
at lungsod ay pinipili sa
pamamagitan ng halalan o
eleksiyon.
- Ang eleksiyon sa lokal na
pamahalaan ay nagaganap
tuwing buwan ng Mayo
kada tatlong taon.
- Ang mga rehistradong
botante ay nagkakaroon ng
pagkakataon na pumili ng
mga lider sa lokal na
pamahalaan. Tuwing
ikatlong taon din ang
halalan para sa pinuno ng
barangay. Ito naman ay
isinasagawa tuwing buwan
ng Oktubre.
- Commission on Elections
( COMELEC ), ang
ahensyang nangangasiwa
sa halalan sa ating bansa.
Sila din ang mag dedesisyon
kung ang tatakbong bilang
lider ay karapat dapat na
mangampanya o hindi.

4.Paglalahat

Ang mga Pinuno ay ang tagapagpatupad ng


mga mithiin ng tao, kapayapaan, seguridad at
kalusugan ng bawat nasasakupan nito.

Lalaki man o babae, bata man o matanda ay


pwede maging isang lider.

lV. Pagtataya (Evaluation)


(Ang Guro ay magpapalaro sa mga estudyante sa pamamagitan ng isang Online Game)

You might also like