You are on page 1of 9

Isang Masusing Banghay Aralin

sa Pagtuturo ng Filipino XI

I. Mga Layunin:
Sa loob ng isang oras na talakayan, 85% ng mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Natutukoy ang katuturan at kahalagahan ng regulatoryo bilang isa sa mga gamit ng
wika sa lipunan;
b. Nakapagbabahagi ng sariling karanasan ng mga batas o panuto na nalabag o sinunod
na nila sa loob o labas man ng paaralan
c. Nakalilikha ng isang ordinansa ang bawat pangkat batay sa iniatas na gawain ng
guro.

II. Paksang-Aralin: Gamit ng Wika sa Lipunan – Regulatoryo


Sanggunian: Nuncio, Rhoderick V. 2016. Sidhaya 11 Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Quezon
City: C&E Publshing, Inc.

III. Mga Kagamitan: Visual Aids (ppt), Laptop, at


Batayang Aklat

IV. Pamamaraan :

Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin

Magsitayo ang lahat para sa panalangin.


____________, pangunahan mo ang ating
panimulang panalangin sa araw na ito.

Opo ma’am, ( sa ngalan ng ama, ng anak, at


espirito santo, Amen…)
2. Pagbati

Magandang umaga mga mag-aaral!


Magandang umaga rin po ma’am!
3. Pagsasaayos ng silid-aralan at
Pagtala ng Liban

Bago kayo umupo pakipulot ang mga kalat


na nasa sahig at pakiayos ang inyong mga upuan.

(Magpupulot ng kalat ang mga mag-aaral at


aayusin ang kanilang mga upuan)
Maari na kayong maupo.

Mayroon bang lumiban sa klase ngayong araw?

Mabuti naman kung gayon. Wala po Bb. Macabudbud.


4. Pagbabalik-aral

Sa nakaraang tagpo tinalakay natin ang tungkol sa


Instrumental bilang gamit ng wika sa lipunan.
Ngayon sino sa inyo ang makapagbabahagi kung
ano ang instrumental?

Sige, ikaw Maria.


Ma’am ako po!

Ang wika ay Instrumental kung ang sinasalita ay


nakikiramay sa pangangailangan ng mga tao sa
paligid lalo na kung may katanungan na
Tama! Ano pa? kailangan sagutin.
Okay Mark.

Ma’am!

Ginagamit din ito upang mangyari o maganap ang


mga bagay-bagay tulad ng pag-uutos,
pagsasalaysay o pagpapahayag, pagtuturo at
pagkatuto sa karunungang kapaki-pakinabang,
pagbibigay panuto, pangangalakal, paggawa ng
liham pangalakal, at iba pa.

Magaling!

Alam kong lubos niyo ng naunawaan ang tungkol


sa instrumental bilang isa sa gamit ng wika sa
lipunan.
B. Panlinang na Gawain

1. Pagganyak

Mga mag-aaral, may mga larawan akong ipapakita


sa inyo.
Narito ang unang larawan.

Anong nakikita niyo sa larawan?


Gwardiya po Ma’am.
Tama! Bukod sa may isang guwardiya ano pa?

Tumpak! Katulad na lamang ni Maong Berting na May nakalagay po na No ID, No Entry.


mismong guwardiya ng ating paaralan.

Ano kaya ang isinasaad nito?


Opo

Kinakailangan po na magdala ng ID o dapat


laging suot ang ID kapag papasok ng paaralan
kasi ito po ang isa na patakaran ng ating
Magaling! Kinakailangan talagang sundin natin eskwelahan.
ang patakaran na ipinatutupad ng ating paaralan
dahil para rin naman sa kaligtasan natin yan.

Sa pangalawang larawan naman?

Kayo ba laging ginagawa ‘to?

Magaling! . Yong ilan pa naman sa inyo


bumabiyahe pa. Opo ma’am!

Bakit kailangan natin ‘tong gawin?


Mahusay! Kaya nilagay ang karatulang iyan sa
mga sasakyan upang magsilbing paalala sa mga Upang maging ligtas po tayo sa biyahe Ma’am.
driver at pasahero.

Ito naman.

O, Carl! Ma’am!

Isang panuto o direksyon po sa pagsusulit.


Tumpak!
Kinakailangan ba talaga na magkaroon ng panuto?

Opo ma’am, upang alam namin bilang mga mag-


Mahusay! Dahil ito ang nagsisilbing gabay ninyo aaral ang dapat gawin sa isang pagsusulit.
sa pagsagot sa mga tanong.

(May mga ipapakita pang larawan)

Magaling lahat ng inyong sagot ay tama.

2. Paglalahad

Sa tingin niyo, ano kaya ang kinalaman ng mga


nakita niyong larawan sa magiging paksa natin
ngayon?

Elijah!
Ma’am!

Sa tingin ko po ito ay may kinalaman sa mga


patakaran, batas at regulasyon na sinusunod
Magaling Elijah! Tumpak ang iyong sagot. nating mga mamamayan.
Sa araw na ito tatalakayin natin ang pangalawang
gamit ng wika sa lipunan ang Regulatoryo.

Bago ang lahat basahin muna natin ang tanong na


ito.

Lahat sabay-sabay na basahin ang pagganyak na


tanong sa pisara. Handa, basa.
Bakit mahalaga ang mga batas sa ating
lipunan at paano lubos na maipatutupad at
Salamat, sasagutin natin ‘yan pagkatapos ng ating masusunod ang mga ito sa pamamagitan ng
talakayan. mabisang komunikasyon?

3. Pagtatalakay

Ang ating lipunan ay binubuo ng mga institusyon


tulad ng pamilya, paaralan, edukasyon, simbahan,
industriya, midya, at pamahalaan. Lahat ng mga
ito’y may mga pinuno at tagapamahala at ang lahat
ng pinuno at tagapamahala’y inihalal o pinili
alinsunod sa batas, patakaran, o alituntuning
pinatutupad.

Bilang isang anak saan niyo ba unang natutunan


ang mga patakaran?

Mahusay, dahil sa bahay nagsisimula lahat. At ang


mga magulang ang nagsilbing, ano?
Sa bahay po.

Tama! Dahil sila ang una nating kinagisnan.


Magbigay nga ng mga halimbawa ng patakaran na
kinagisnan ninyo sa bahay. Unang guro.

Magaling! Tama lahat ng sinabi ninyo. Ma’am, umuwi nang maaga.


Lalo na ang umuwi nang maaga, tayong lahat Matulog nang maaga.
nagkakasundo diyan. Magpaalam kapag aalis.
Tumulong sa gawaing bahay.
Bilang isang, mag-aaral naman.
Anong mga alituntunin ang kinakailangang sundin
ninyo?

Mahusay! Tumpak na naman ang inyong mga


sagot. Magsuot po na kompletong uniporme.
Tayong lahat gawin natin ang Dionisia clap. Magsuot ng ID.
Maging magalang.
Huwang tumakbo sa hallway.

(Pagpapatuloy sa pagtalakay sa iba pang


institusyon)

Upang lubos na maunawaan sabay-sabay na 1,2,3, (pagdabog ng paa)


basahin ang kahulugan ng regulatoryo na nasa 1,2,3, ( palakpak)
pisara. Beri good, beri good, beri good!

Katulad ng mga sinagot ninyo at sa mga nakita


niyong larawan kanina na maiiuugnay sa katuturan Ang regulatoryong bisa ng wika ay nagtatakda,
ng regulatoryo bilang pangalawang gamit ng wika nag-uutos, nagbibigay-direksyon sa atin bilang
sa lipunan. kasapi o kaanib ng lahat o ng alinmang
institusyong nabanggit.
Ang wika ay regulatoryo kung mayrron ito ng
sumusunod na mga elemento:

Basahin ng sabay-sabay.

1. Batas o kautusan na nakasulat, nakikita,


nakalimbag, o inuutos nang pasalita
2. Taong may kapangyarihan o posisyon na
nagpapatupad ng kautusan o batas
3. Taong nasasaklawan ng batas na
sumusunod dito.
Ang mga elemento na ‘yan ang mga batayan ng 4. Konteksto na nagbibigay-bisa sa batas o
pagiging regulatoryo ng wika sa lipunan. kautusan tulad ng lugar, institusyon,
panahon, at taong sinasaklawan ng batas.
(Pagpapatuloy sa pagtalakay sa katuturan at
kahalagahan ng regulatoryo bilang gamit ng wika
sa lipunan.)

(Pagpapatuloy ng mga mag-aaral sa pagsagot at


pagbabahagi ng mga halimbawa mula sa kani-
4. Paglalahat kanilang mga karanasan sa buhay na maiuugnay
sa paksa.)
Balikan natin ang tanong kanina.
Bakit mahalaga ang mga batas sa ating lipunan
at paano lubos na maipatutupad at masusunod
ang mga ito sa pamamagitan ng mabisang
komunikasyon?
Sino ang may nais na magbahagi ng kanyang
sagot?

Sige Adam, ikaw.

Ma’am. Ako po!

Mahalaga po ang pagkakaroon ng batas sa


lipunan dahil ito po ang nagsisilbing gabay upang
magkaroon ng matiwasay na pamumuhay ang
mga tao.
Lubusan ko po itong ipapatupad mismo sa aking
sarili at sa aking mga mahal sa buhay. Sa
pamamagitan ng social media maaari ko pong
ipalaganap ang mga batas na dapat sundin ng mga
Mahusay Adam! mamamayan.
Bigyan natin si Adam ng Boom Clap.

1,2,3, (pagdabog ng paa)


1,2,3, ( palakpak)
Sino pa? Boooooom!!!

Okey sige, Luna. Ma’am!

Kaugnay po sa sinabi ni Adam, alam naman po


natin na nagkalat sa social media ang mga alitan
hinggil sa trapik na nauuwi sa road rage at mga
paglabag sa batas trapiko. Kaya kinakailangan na
daanin sa mabuti, maayos at matiwasay na usapan
ang pagsunod sa mga batas at pakikipagsundo at
usap sa mga nasa posisyon para maging payapa
ang lahat.

Magaling Luna!
Bigyan natin si Luna ng Rain Clap.
(Pagsasagwa ng rain clap)

Lahat ng sinabi at ibinahagi ninyo ay tama!


Kinakailangan talagang sundin natin ang mga
batas para sa ikabubuti ng lahat at kinakailangan
ding sundin natin ang mga ito sa tamang paraan at
maayos na usapan. Dahil ang pagsasagawa ng
lahat ng ito sa pamamagitan ng maayos at
kalmadaong komunikasyon sa bawat isa ang
siyang susi sa ikauunlad nating lahat.

May mga katanungan pa ba?

Nauunawaan niyo ba mga mag-aaral? Wala na po, ma’am.


Lubos po naming naunawaan ma’am!
5. Paglalapat (Pangkatang Gawain)

Panuto: Bumuo ng apat na pangkat sa klase.


Ipagpalagay na kayo ay mga Sangguniang
Panlungsod na nagpapanukala at umaakda ng
ordinansang panlungsod. Lagyan ng kapani-
paniwalang pamagat ang inyong panukalang
ordinansa. Ihapag sa plenaryo ng inyong klase
ang panukalang batas. Pakinggan ang kanilang
komento at suhestiyon. Piliin sa klase ang may
pinakamahusay na panukalang ordinansa. Dito
niyo isusulat sa ibibigay kong manila paper ang
inyong gawain. Bibigyan ko lamang kayo ng
labinlimang (15) minuto upang magawa ito.

Mga Gabay na Tanong

1. Anong city ordinance ang inyong gustong


ihain?
2. Paano nito matutugunan ang isang
pangangailanagn sa lipunan? Bakit ito
kailangan?
3. Ano-anong kaparusahan ang ipapataw
ninyo sa susuway sa ordinansa na ito?
4. Ano-anong ganansiya naman o insentibo
ang ilalatag ninyo sa batas para sa mga
tumatalima rito?
5. Sino o anong ahensiya ang magpapatupad
ng ordinansa?
6. Paano ninyo ito maipapalaganap upang
malaman, mabasa, at masunod ng mga
tao?

Nauunawaan ba?

6. Pagtataya
Panuto: Kumuha ng isang buong pirasong
papel at sagutan ang nasa pahina 105-106.

C. Takdang-Aralin Opo ma’am, nauunawaan po namin.

Panuto: Magpost ng isang status sa Facebook


tungkol sa mga batas o babala na dapat iwasan at
alalahanin ng mga tao.
#FIL11
#REGULATORYO
#Marso2021
#(Section na kinabibilangan ng mag-aaral)

Inihanda ni:

BB. RIZABETH MERCADO CUBILLAS


Teacher II

Ipinasa kay:

GNG. AMELITA P. GIVERTZ Ph.D.


DEAN

You might also like