You are on page 1of 31

MGA

KARAPATAN
SA
KOMUNIDAD
WEEK 3
QUARTER 4
LAYUNIN
Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. maipaliliwanag na bawat kasapi ng komunidad
ay may karapatan
2. maibibigay ang mga karapatan ng bata
3. maipaliliwanag na ang mga karapatang
tinatamasa ay may katumbas na tungkulin bilang
kasapi ng komunidad.
BALITAAN
BALIK-ARAL
Sa nakaraang aralin ay natutunan mo ang iba’t
ibang taong naglilingkod at nagbibigay serbisyo sa
komunidad.
SAGUTIN
NATIN!
Sabihin kung sinong tao sa komunidad
ang gumagawa ng paglilingkod/serbisyo
na ipinakikita sa mga larawan.
Pagkatapos ay sagutin ang tanong.
1

b u mb e r o
Bakit mahalaga sila
sa ating komunidad?
2

b a su r e r o
Ano ang mangyayari sa
ating komunidad kung
wala sila?
Ano ang 3
ibinibigay nila
sa ating
komunidad?

Bakit sila dapat


bigyang

m a g s a sa k a
halaga sa
komunidad?
BALIK-ARAL
Ang bawat
paglilingkod na ito
ay tumutugon sa
mga karapatan ng
bawat mamamayan
sa komunidad.
ARALIN

MGA
KARAPATAN SA
KOMUNIDAD
BAWAT KARAPATAN, MAY
PANANAGUTAN
Mahalagang malaman natin ang ating mga
karapatan.

Ano ang karapatan?

Ang karapatan ay mga pangangailangang


dapat mayroon ang isang tao upang
makapamuhay siya nang maayos.
Ano-ano ang ating mga
karapatan?
Tinatamasa mo ba ito sa iyong
komunidad?
KARAPATANG MAISILANG
AT MABIGYAN NG PANGALAN
Ako ay isinilang na
malusog. Binigyan ng
pangalan at
ipinarehistro sa
komunidad.
KARAPATANG MAGKAROON NG
PAMILYANG MAG-AARUGA
Maliit lang ang aming
tahanan subalit may
pagmamahalan ang
bawat isa sa aming
pamilya. Inaalagaan
kaming mabuti ng aking
mga magulang.
KARAPATANG MABIGYAN NG
SAPAT NA EDUKASYON
Masaya akong
pumapasok ka sa
aming paaralan.
Nakapag-aaral ako
nang walang bayad.
Sinusuportahan ito ng
aming komunidad.
KARAPATANG MAPAUNLAD
ANG KASANAYAN

Napagyayaman ko ang
aking mga kakayahan.
KARAPATANG MAKAPAGLARO AT
MAKAPAGLIBANG
Malaya akong
nakakapaglaro sa
plasa ng aming
komunidad. Ligtas at
maraming palaruan
ang aming
komunidad.
KARAPATANG MANIRAHAN SA TAHIMIK
AT PAYAPANG LUGAR
Malinis at
tahimik ang
aking
komunidad. Alam
kong ligtas akong
manirahan dito.
KARAPATANG MAGKAROON NG
MALUSOG AT MALAKAS NA
PANGANGATAWAN
Nakakakain ako ng mga
masustansyang pagkain
gaya ng prutas, gulay, at
gatas. Nag-eehersisyo rin
ako upang maging
malakas ang aking
katawan.
TANDAAN
Mahalagang matamo ng bawat bata ang kanyang
mga karapatan upang lumaki siyang maayos, kapaki-
pakinabang sa kanyang sarili, pamilya, at komunidad.
Dapat ding pahalagahan ang ginagawang
pangangalaga at pagpapatupad ng komunidad sa
karapatan ng bawat tao.

Bilang kasapi ng komunidad, ang bawat karapatan


na ting tinatamasa ay may katumbas na tungkulin.
GAWIN NATIN!
Tukuyin ang karapatang tinataglay ng
mga bata sa bawat pahayag. Piliin ng letra
ng iyong sagot sa loob ng kahon.
A. Karapatang maisilang at mabigyan ng
pangalan
B. Karapatang magkaroon ng pamilyang mag-
aaruga
C. Karapatang mabigyan ng edukasyon
D. Karapatang mapaunlad ang kasanayan
1 Ako si Steph. Nasa ikalawang
baitang na ako. Nag-aaral
ako sa Buhay na Tubig
Elementary School nang libre.

A. Karapatang maisilang at mabigyan ng pangalan


B. Karapatang magkaroon ng pamilyang mag-aaruga
C. Karapatang mabigyan ng edukasyon
D. Karapatang mapaunlad ang kasanayan
E. Karapatang manirahan sa tahimik at payapang lugar
2 Ako si Marco. Hilig ko ang
pagsasayaw. Sumasali ako sa
mga paligsahan ng pagsayaw
sa aming Barangay.

A. Karapatang maisilang at mabigyan ng pangalan


B. Karapatang magkaroon ng pamilyang mag-aaruga
C. Karapatang mabigyan ng edukasyon
D. Karapatang mapaunlad ang kasanayan
E. Karapatang manirahan sa tahimik at payapang lugar
3 Ako si Will. Malaki man ang
aming pamilya ay
naibibigay pa rin ng aming
mga magula ang mga
pangangailangan namin.
A. Karapatang maisilang at mabigyan ng pangalan
B. Karapatang magkaroon ng pamilyang mag-
aaruga
C. Karapatang mabigyan ng edukasyon
D. Karapatang mapaunlad ang kasanayan
E. Karapatang manirahan sa tahimik at payapang
Ako si Sam. Malaya akong
4
nakapaglalaro sa labas ng
aming bahay dahil nakatira
ako sa isang komunidad na
walang kaguluhan.

A. Karapatang maisilang at mabigyan ng pangalan


B. Karapatang magkaroon ng pamilyang mag-aaruga
C. Karapatang mabigyan ng edukasyon
D. Karapatang mapaunlad ang kasanayan
E. Karapatang manirahan sa tahimik at payapang lugar
5 Ako si Mona. Ang mga
magulang ko ang
nagbigay sa akin ng
magandang pangalang
ito. Ipinarehistro rin nila
ako sa munisipyo.
A. Karapatang maisilang at mabigyan ng pangalan
B. Karapatang magkaroon ng pamilyang mag-aaruga
C. Karapatang mabigyan ng edukasyon
D. Karapatang mapaunlad ang kasanayan
E. Karapatang manirahan sa tahimik at payapang lugar
GAWIN NATIN!

Iguhit ang kung ang


karapatan ay tinatamasa ayon sa pahayag
at
kung hindi.
1. Ang pamilya ni Dulce ay
masayang naninirahan sa
kanilang komunidad.

2. Hindi nag-aaral si Carlo dahil sa


kahirapan.
3. Maganda ang plasa ng
aming komunidad.
Maraming mga bata ang
ligtas na naglalaro rito
tuwing walang pasok sa
paaralan.
4. Sa ilalim ng tulay
naninirahan ang
pamilya ni Mark. Yari ito
sa pinagtagpi-tagping
kahon at plastik.
5. Maraming mga bata ang may
angking kakayahan sa pagguhit,
pag-awit at pagsayaw sa aming
komunidad. May proyekto ang
aming kapitan na paligsahang
pangkultural upang mas lalo pang
gumaling sa mga kakayahang ito.
SALAMAT SA
PAKIKINIG!

You might also like