You are on page 1of 2

GLOBAL ACADEMY INSTITUTE TECHNOLOGY FOUNDATION INCORPORATED

Purok Santan, Poblacion, Titay, Zamboanga Sibugay


(UNANG PANA-PANAHONG PAGSUBOK)
GRADE 8 – ESP
PANGALAN: PETSA: MARKA: .

UNANG PAGSURI – (MULTIPLE CHOICE)


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap pagkatapos piliin ang titik ng tamang sagot, isulat sa
patlang ang napiling sagot.

1. Naipapakita ang hindi lamang sa salita maging sa kilos. Ang pagmamano at pagsasabi ng po at opo
kung nakikipag-usap sa mga nakatatanda ay isang halimbawa ng kilos na nagpapakita ng paggalang.
a. Pagsuporta b. Pagrespeto c. Pagsasakripisyo d. Wala sa Nabanggit
2. Ito ay kaakibat ng pagmamahal ang pagbibigay at pagpapakita ng pagtulong sa mga kasapi ng pamilya.
a. Pagsuporta b. Pagrespeto c. Bayanihan sa Gawaing Bahay d. Pagsakripsyo
3. Nakatalaga ang mga gawain sa bawat kasapi sa tahanan. Ang pagluluto ay maaring ginagawa ni ate habang
ang paghugas ng pinggan ay ginagawa ni bunso.
a. Pagsasakripisyo b. Pagrespeto c. Bayanihan sa Gawaing Bahay d. Pagsuporta
4. Napabilang itong isa sa pinakamataas na uri ng pagtulong sapagkat nagpapaubaya ang isang kasapi para sa
ikabubuti ng pamilya.
a. Pagsasakripisyo b. Pagrespeto c. Pagsuporta d. Lahat ay Nabanggit
5. Mahalaga ba ang iyong pamilya para sa isang indibidwal? o Sa lipunan?
a. Hindi, dahil may sari-sariling kaming buhay na dapat pagtuonan ng pansin.
b. Oo, dahil malaking halaga ang binibigay na baon sa akin.
c. Hindi, dahil ako lahat ang gumagawa ng gawaing bahay.
d. Oo, dahil bawat kasapi ng pamilya ay importante sa pagbuo ng lipuanan maging sa pamilya.
6. Ang ating lipunan ay binubuo ng iba’t ibang institusyon o sector. Alin sa mga institusyon sa lipunan ang
itinuturing na pinakamaliit at pangunahing yunit ng lipunan?
a. paaralan b. pamilya c. pamahalaan d. barangay
7. Alin sa sumusunod ang HINDI isa sa mga mahahalagang dahilan kung bakit ang pamilya ay isang likas na
institusyon?
a. Ang pamilya ang orihinal na paaralan ng pagmamahal.
b. May panlipunan at pampulitikal na gampanin ang pamilya.
c. Ang pamilya ay itinatag bilang isang malapit na komunidad ng buhay at pagmamahal.
d. Ang pamilya ang una at pinakamahalagang yunit ng lipunan.
8. Ang kumain nang sabay-sabay ay isa sa mga tradisyon nating mga Pilipino. Ano ang magandang dulot ng
kaugaliang ito?
a. respeto sa pamilya b. pagiging buo ng pamilya
c. pagpapahalaga sa kaugalian d. nagpapatibay ng samahan ng pamilya
9. Nagkasakit ang asawa ni Rina, wala silang trabaho kaya pansamantala silang pinatira sa bahay ng kaniyang
byanan upang maipagamot ang kaniyang asawa. Aling katangian ang ipinakita ng kaniyang byanan?
a. madasalin b. matulungin c. mapagkunwari d. mapagkumbaba
10. Tuwing kaarawan ng anak ni Gng. Yabut sila ay naghahanda ng pagkain hindi lamang sa kanilang
mahahalagang bisita kundi maging sa kanilang mga kapitbahay tanda ng kanilang pasasalamat. Anong kaugalian ang
ipinapakita ng pamilyang Yabut?
a. mababait ang pamilya Yabut b. umiiral sa kanila ang pagkamatulungin
c. may pantay-pantay na pakikitungo sa kapuwa d. likas talaga sa kanila ang pagbibigay sa kapuwa
PANGALAWANG BAHAGI NG PAGTATAYA
(PAMILYA O MALI)
Panuto: Basahin ang bawat pahayag. Isulat ang PAMILYA kung wasto ang pahayag at MALI naman kung ito ay hindi
wasto. Isulat ang sagot sa patlang.

___________1. Ang pamilya ay pamayanan ng mga tao (community of persons) na kung saan ang maayos na paraan ng
pag-iral at pamumuhay ay nakabatay sa ugnayan.

___________2. Naipapakita ang pagrespeto sa pamamagitan lamang sa salita maging sa kilos.

___________3. Nabuo ang pamilya sa pagmamahalan ng isang lalaki at babaeng nagpasiyang magpakasal at magsama
nang habambuhay.

___________4. Ang pamilya ang una at pinakamahalagang yunit ng lipunan. Ito ang pundasyon ng lipunan at patuloy na
sumusuporta rito dahil sa gampanin nitong magbigaybuhay.

___________5. Ang pamilya ang orihinal na paaralan ng pagmamahal.

___________6. Kaakibat ng pag-aaway ay ang pagbibigay at pagpapakita ng suporta sa mga kasapi ng pamilya.

___________7. Ang pamilya ay nabuo sa pagmamahal, ito ang tanging samahan na dapat piliin, ihalal, o ibuto ang mga
namumuno.

___________8. Ang pamilya ang una at hindi mapapalitang paaralan para sa panlipunang buhay (the first and
irreplaceable school of social life).

___________9. May panlipunan at pampolitikal na gampanin ang pamilya.

___________10. Mahalagang misyon ng pamilya ang pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa mabuting pagpapasiya, at
paghubog ng pananampalataya.

PANGATLONG BAHAGI NG PAGTATAYA

Panuto: Ipaliwanag ng higit sa inyong kaalaman ang mga salitang naksaad sa ibaba. (10pts each)

1. Pamilya:

2. Pagrespeto:

3. Paggalang:

4. Pagiging Matulungin:

You might also like