You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon I
SANGAY PAMPAARALAN LUNGSOD URDANETA
PALINA EAST NATIONAL HIGH SCHOOL
Lungsod Urdaneta, Pangasinan

LAGUMANG PAGSUSULIT
UNANG MARKAHAN
Edukasyon sa Pagpapakatao 8

Pangalan: ___________________________Baitang at Seksyon: __________Petsa:


________

Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang mga katanungan. Bilugan ang titik ng tamang
sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang una at pinakapangunahing pamantayan sa paghubog ng


isang maayos na pamilya?
a. Pagkakaroon ng mga anak
b. Pagtatanggol ng Karapatan
c. Pagsunod sa mga paatakaran
d. Pinagsama ng kasal ang magulang
2. Kadalasang sanhi ng di-pagkakaunawaan ng pamilya ang:
a. Kawalan ng pera
b. Kapabayaan ng ama
c. Kapabayaan ng ina
d. Kawalan ng komunikasyon
3. “Ang pagmamahalan ay nagpapatibay sa isang pamilya.” Anong mensahe ang
ipinahiwatig sa pahayag?
a. Ipadama ang pagmamahal sa bawat kasapi ng pamilya
b. Dito ipinapakita ang pagsasama ng buhay at pagmamahal
c. Nakapagbibigay-buhay dahil nakatakda ito sa pagkakaroon ng anak
d. Magkakaroon ng kaligayahan ang bawat kasapi ng pamilya kung may
pagmamahalan
4. Ang pagpasok sa kuwarto ng magulang o kapatid nang hindi kumakatok ay
nagpapakita ng:
a. Pagmamahal
b. Kawalang paggalang
c. Disiplina
d. Malasakit
5. Sa ating kultura, pinapahalagahan ang pagsagot ng “po” at “opo” bilang tanda ng:
a. Pagmamahal
b. Paggalang
c. Disiplina
d. Malasakit
6. “kapag sama-sama at nagtutulungan ang bawat kasapi ng pamilya ito ay magiging buo
at matatag.” Anong aral ang mapupulot sa kasabihan?
a. Ang pamilya ang pundasyon sa lipunan
b. Ang pamilya ang salamin sa lipunan
c. Kung ano ang puno, siya rin ang bunga
d. Kung matatag ang pamilya, may pakinabang sa lipunan
7. Sa kabila ng kahirapan, hindi nawawalan ng pag-asa ang ama ni Ben sa pagtaguyod sa
kanila. Alin sa mga sumusunod ang positibong impluwensyang ipinakita ng ama?
a. Pagiging matatag
b. Pagiging madasalain
c. Pagiging masayahihn
d. Pagiging disiplinado
8. Kilala ang pamiyang Pilipino sa pagkalinga sa kanilang mga anak. Alin sa mga
sumusunod ang nagpapatunay nito?
a. Hinahatid sa paaralan
b. Laging binibigyan ng pera ang anak
c. Pinapadalhan ng pagkain ang anak sa loob ng klase
d. Sinusuportahan sa gustong makamit ng anak
9. Ang sinasabing nagbibigay ng ligaya sa mga magulang ay ang _______.
a. Anak
b. Pera
c. Kotse
d. Bahay
10. Laging ipinagdiriwang ng pamilya Dela Cruz ang tagumpay ng kanilang anak. Anong
kaugalian ang maaaring tularan sa pamilya Dela Cruz?
a. Paghamon sa anak na magtagumpay
b. Pagpapakita ng interes sa kanilang larangan
c. Pagmamalaki sa tagumpay ng kasapi ng pamilya
d. Pasasalamat at suporta sa tagumpay na nakamit
11. Ang institusyong ito ang nagtuturo sa tao ng katotohanan at aral ng Diyos.
a. Paaralan
b. Pamayanan
c. Simbahan
d. Pagamutan
12. Itinuturing na pangalawang tahanan.
a. Simbahan
b. Tahanan
c. Barangay
d. Paaralan
13. Kapag pinayuhan ako ng aking magulang, ako ay ____________.
a. Nakikinig at tumatalima
b. Hindi kumikibo
c. Nagbibingi-bingihan
d. Nagagalit
14. Ang pamilyang binuklod ng isang pananampalataya ay:
a. Buo at matatag
b. Palaging alam ang tama at mali
c. Magkakapareho ang paraan ng pagsamba
d. Hindi magkakaroon ng alitan kailanman
15. Bakit mahalaga ang kaalaman ng pamilya sa mga Karapatan at tungkulin nito?
a. Maraming banta sa integridad ng pamilya sa makabagong panahon
b. Hindi maisusulong at mapoprotektahan ang mga karapatan at tungkulin ng
pamilya kung hindi nito alam kung anu-ano ang karapatan at tungkulin nito.
c. Bahagi ang mga ito ng politika
d. Maraming pamilya na Karapatan lamang ang ipinaglalaban ngunit hindi
ginagampanan ang tungkulin

Inihanda ni : Bb. Jinny Nocilo

You might also like