You are on page 1of 30

Konsepto ng

KOMUNIDAD
Araling Panlipunan 2
Matataas na gusali maraming tao ilog
Sakahan mga puno kalabaw
Mga sasakyan mga isda sa ilog tren
Mga bahay gubat sementadong kalsada
MGA TANONG:
1 Ano ang iyong nakikita sa larawan?
Ano-ano ang bumubuo sa isang
2
komunidad?
Ganito rin ba ang makikita sa iyong
3
komunidad?
Magkakapareho ba ang mga komunidad?
4
Paano sila nagkakapareho o nagkakaiba?
KOMUNIDAD
Ang komunidad ay binubuo ng pangkat ng mga
tao na naninirahan sa isang pook na magkatulad
ang kapaligiran at pisikal na kalagayan. Ang
komunidad ay binubuo ng pamilya, paaralan,
pamahalaan, simbahan, sentrong pangkalusugan,
pook-libangan, at pamilihan.
KOMUNIDAD

Maaring matagpuan sa tabing-


dagat, ilog, kapatagan,
kabundukan, lungsod o bayan
ang isang komunidad.
KOMUNIDAD
NA URBAN

Ang komunidad na urban ay


matatagpuan sa mga lungsod.
Gayundin sa iba pang mauunlad
na bayan at mga pamayanan.
KOMUNIDAD
NA RURAL
Ang komunidad na rural ay karaniwang
makikita sa mga pamayanan na may
lupang sakahan o taniman. Gayundin sa
mga pamayanan malapit sa ilog o tabing-
dagat.
PAMILYA
Ang pamilya ay binubuo ng ama, ina
at mga anak. Ito rin ay lipon ng
dalawa o higit pa sa dalawang taong
magkaugnay sa dugo, sa bisa ng
sakramento ng kasal o sa
pamamagitan ng pag-aampon o
paninirahan sa isang tirahan.
PAARALAN

Sa paaralan naman
hinuhubog ang kaalaman
ng mga bata. Ito ang daan
tungo sa magandang
kinabukasan.
PAMAHALAAN

Pamahalaan ang
gumagabay sa estado at
mga namumuno; ito ay may
isang sistema ng
pamamahala.
SIMBAHAN

Sa simbahan o sambahan
nagtutungo upang
manalangin at
magpasalamat sa
Maykapal.
OSPITAL

Ospital naman ang lugar


kung saan nagtutungo ang
mayroong masamang
karamdaman at nais ng
lunas.
POOK-LIBANGAN

Pook–libangan ang lugar


kung saan namamasyal ang
buong pamilya upang
maglibang at magpalipas ng
oras.
PAMILIHAN

Pamilihan ang lugar kung


saan bumibili ng mga
pagkain tulad ng gulay,
prutas, karne, at lamang-
dagat.
Lagyan ng tsek ang loob ng
kahon kung ang pahayag ay
naglalarawan sa isang
komunidad.

1.Ang komunidad ay binubuo ng


mga pamilya.
Lagyan ng tsek ang loob ng
kahon kung ang pahayag ay
naglalarawan sa isang
komunidad.

2. Ang komunidad ay
matatagpuan lamang sa lungsod.
Lagyan ng tsek ang loob ng
kahon kung ang pahayag ay
naglalarawan sa isang
komunidad.

3. Ang komunidad ay may


makikitang estruktura o gusali.
Lagyan ng tsek ang loob ng
kahon kung ang pahayag ay
naglalarawan sa isang
komunidad.

4. Ang komunidad ay may mga tao na


naghahanapbuhay batay sa kapaligiran na
mayroon sila.
Lagyan ng tsek ang loob ng
kahon kung ang pahayag ay
naglalarawan sa isang
komunidad.

5. Ang komunidad ay makikita sa


iba’t ibang lugar.
TANONG:
Ano ang kahalagahan ng komunidad
sa iyong buhay?
Mahalaga ang komunidad sa paghubog ng
pagkakaisa, pagtutulungan, kapayapaan,
pagkakaunawaan at pag-uugnayan ng bawat
kasapi nito tungo sa pagsulong at pag-
unlad.
TANONG:
1. Ano ang mga halimbawa ng
komunidad?
2. Saan maaaring matagpuan ang isang
komunidad? Ilarawan mo ito.
3. Anong komunidad ang kinabibilangan
mo?
4. Magkakatulad ba ang mga komunidad?
Bakit mo nasabi?
PAGTATAYA
Piliin ang titik ng
wastong sagot. Isulat
ang mga sagot sa
sagutang papel.
PAGTATAYA
1. Ang komunidad ay binubuo
ng pangkat ng mga _____na
namumuhay at naninirahan sa
iisang lugar o pook.
A. hayop C. halaman
B. Tao D. bansa
PAGTATAYA
2. Ang komunidad ay
maaaring makita sa _____.
A. kapatagan C. urban
B. tabing-dagat D. lahat ng
nabanggit
PAGTATAYA
3. Saan ang kinaroroonan ng
komunidad na maraming
matataas na gusali?
A. kapatagan B. sakahan
C. urban D. rural
PAGTATAYA
4. Maraming puno, mga hayop at
matataas na bundok ang
kinarororonan ng komunidad na
ito. Ano ito?
A. kabundukan C. urban
B. sakahan D. kapatagan
PAGTATAYA
5. Ano ang komunidad?
A. Lugar na sama-samang naninirahan ang
mga tao.
B. Lugar kung saan nagtutulungan ang mga
tao.
C. Lugar kung saan makikita ang iba’t ibang
estruktura.
D. Lahat ng nabanggit.
TAKDANG-ARALIN
TAKDANG-ARALIN

You might also like