You are on page 1of 14

ARALING

PANLIPUNAN
2
WEEK 1 -
ARALIN 1
2

Talaan ng nilalaman
KABANATA 1 – Ang Aking Komunidad

ARALIN 1 - BAWAT BATA AY KABILANG SA ISANG


KOMUNIDAD
Layunin
Konsepto
Diskusyon
Pagsasanay
3

MGA LAYUNIN
• Maunawaan ang konsepto ng komunidad
• Masabi ang payak na kahulugan ng komunidad
• Masabi ang mga halimbawa ng komunidad
4

komunidad
 Binubuo ng pangkat ng tao na naninirahan sa isang pook na
magkatulad ang kapaligiran at pisikal na kalagayan, tinatawag
din itong pamayanan
 Malaki ang ginagampanan ng komunidad. Dahil dito
nahuhubog o nabubuo ang pagkatao ng isang batang tulad mo.
Malalaman mo kung sa anong komunidad ka mabibilang base
sa mga makikita mo dito. Maganda na habang bata pa lamang
ay alam mo na kung ano ang mga nakapaloob sa iyong
komunidad.
MGA URI NG 5

KOMUNIDAD
May pagkakaiba ang mga komunidad maaaring ito ay malaki at
pwede rin naman na maliit, meron din itong pinagkakaiba sa
hanap buhay at gawain

1. URBAN
 Lugar kung saan makikita ang mga nagtataasan na gusali,
bahay, opisina at mga negosyo. Sa lugar na ito hindi na
gaanong sariwa ang hangin. Marami ring mga sasakyan
dito gaya ng dyip, bus at tren
6
7
MGA URI NG 8

KOMUNIDAD
1. URBAN
 Maraming oportunidad at hanapbuhay ang makikita sa lugar
na ito. Kabilang sa komunidad na urban ang mga komunidad
na komersiyal at industriyal. Sa komersiyal makikita ng
paaralan, bangko, sinehan, pamilihan at iba pa. habang sa
industriyal naman makikita ang mga pagawaan ng mga
produkto o mga gamit na kailangan ng mga tao
9
MGA URI NG 10

KOMUNIDAD
2. RURAL
 Lugar kung saan may malawak na lupain. Maraming puno at
halaman kaya mas sariwa ang hangin dito kumpara sa urban.
Pagsasaka at pangingisda ang pangunahing hanap buhay dito
 Kung ikukumpara mo ito sa urban, mas konting tao lamang
ang makikita mo dito sa mga lugar na rural. Sa rural din
makikita ang mga nagtataasan na bundok, kapatagan, ilog at
dagat. Kadalasan maliliit at malalayo ang mga tindahan,
paaralan sambahan sa mga rural na lugar
11
12

PAGLALAPAT
1. Ano ang komunidad?
2. Ano ano ang mga makikita sa ating komunidad?
3. Mahalaga ba ang mga nakikita natin sa komunidad?
4. Saan nabibilang ang iyong komunidad na tinitirhan?
5. Gamit ang venn diagram tukuyin kung ano ang pinagkaiba ng urban
at rural
13

KASANAYAN
1. Iguhit ang komunidad na iyong kinabibilangan.
2. Sagutan ang sumusunod na pahina pp. 8-10
14

You might also like