You are on page 1of 12

Araling Panlipunan 2

Unang Markahan
Unang Linggo

“Konsepto ng Komunidad”
“Batay sa 2020 Most Essential Learning Competencies (MELC) para sa
New Normal”
Layunin:
• Maipapaliwanag ang konsepto ng komunidad.

• Matukoy ang mga bumubuo ng komunidad;

• Masasabi ang kinaroroon ng komunidad.


Pagkilala sa Konsepto ng Komunidad
Ang KOMUNIDAD ay kilala rin sa tawag na
pamayanan. Ito ay tumutukoy sa isang yunit sa
lipunan o pangkat ng tao na naninirahan sa
iisang lugar na may iisang layunin o mithiin.

Ang mga komunidad ay may iba’t-ibang pisikal


na katangian. May mga komunidad na dikit-dikit
ang mga tahanan, matatagpuan sa mga
naglalakihang mga gusali, at maraming uri ng
transportasyon tulad ng kotse, dyip, at tren.
Mayroon ding matatagpuan sa mga
kabundukan, maraming mga hayop at malalayo
ang mga kabahayan sa isa’t isa.
Ang mga komunidad ay maaari ring matagpuan sa
iba’t-ibang anyong lupa at anyong-tubig.
Anyong Lupa

Kabundukan Kapatagan

Lambak Talampas
Anyong-Tubig

Tabing Dagat Tabing Ilog

Tabing Lawa
Uri ng Komunidad
May dalawang uri ang komunidad: URBAN at RURAL.

Ang Komunidad na Urban ay karaniwang makakikitaan ng mga


matataas na gusali at modernong kabahayan.
Maunlad rin ang pamayanan at mabilis ang
transportasyon. May mga iba’t-ibang uri ng sasakyan na
makikita dito tulad ng kotse, dyip, bus at tren. Ang mga
pasilidad at kagamitan sa mga ospital, paaralan at pamilihan
ay makabago. Karaniwan ang mga tao ay nagtatrabaho sa
mga opisina.
Sa Komunidad na Rural makikita ang
mas payak na pamumuhay ng mga tao.
Karaniwang makikita ito sa mga
malalawak na lupain at napaliligiran ng
mga kabundukan.

Maaari rin itong matagpuan sa mga lupaing sakahan at taniman. Pag-

aalaga ng hayop, pasasaka, pagtatanim, pangingisda, paghahabi, at paggawa

ng palayok at mga banga ang ikinabubuhay ng mga tao.


Ang kabuhayan ng tao sa mga
komunidad ay naaayon sa
katangian pisikal na kanilang
tinitirahan. Karawaniwang
pangingisda ang pangunahing
hanap-buhay ng mga tao sa
komunidad na matatagpuan sa
tabing ilog, dagat at lawa.
Samantala, pagsasaka, pagtatanim, at pag-aalaga ng hayop
naman ang karaniwang kabuhayan ng mga tao na
matatagpuan sa kabundukan, kapatagan, at talampas.
Kahalagahan ng Komunidad
Ang komunidad ay may layunin na
paunlarin ang kanilang pook. Ang mga
layuning ito ay nakabatay ayon sa kanilang
tradisyon at nakasanayang pamumuhay. Dahil
dito, nabubuo sa mga kasapi ang diwa ng
pagkakaisa at pagtutulungan na siyang
nagbubuklod sa komunidad.

Ang bawat isa ay may mahalagang ginagampanan na makatutulong


upang umunlad at mapanatili ang kaayusan at kalinisan ng lugar.

You might also like