You are on page 1of 24

2

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 2:
Pagbabago ng Sariling Komunidad
sa Iba’t ibang Aspeto

CO_Q2_AP 2_ Module 2
Araling Panlipunan – Ikalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 2: Pagbabago ng Sariling Komunidad sa Iba’t ibang
Aspeto
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Anibay F. Santos

Editor: Lamberto F. Gamurot

Tagasuri: Bobby P. Caoagdan, Allan T. Manalo

Tagaguhit: Hersa F. Huet, Diane V. Facun

Tagalapat: Hersa F. Huet, Anibay F. Santos

Tagapamahala: Nicolas T. Capulong, Librada M. Rubio, Ma. Editha R. Caparas

Nestor P. Nuesca, Angelica M. Burayag, Paulino D. De Pano,

Bobby P. Caoagdan, Helen R. Bose

Inilimbag sa Pilipinas ng _________________________

Department of Education – Region III

Office Address: Address: Diosdado Macapagal Government Center, Maimpis, City of


San Fernando, (P)
Telefax: (045) 598-8580
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
2

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 2:
Pagbabago ng Sariling Komunidad
sa Iba’t ibang Aspeto
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na
inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa
tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila
upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayangitinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa
Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong
o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang
gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat
ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang
aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong
mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa
bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang
natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o
mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan
namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang


SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan.
Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng
modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad
sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-
unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating
mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-
aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang


makapaglalahad ng mga pagbabago sa sariling
komunidad gaya ng pagbabago sa heograpiya, politika,
ekonomiya at sosyo-kultural.

Ngayon

CO_Q2_AP 2_MODULE 2
1
Subukin

Panuto: Isulat sa sagutang papel ang Ngayon o Noon


ayon sa sinasabi ng bawat kalagayang nagaganap sa
isang komunidad.

1. Sipa, patintero at luksong tinik ang libangan ng mga


bata.

2. Bus at dyip ang kanilang sinasakyan.

3. Baro at saya ang damit na isinusuot ng mga


Kababaihan.

4. Tinayuan ng mga gusali ang mga bundok.

5. Nalaman ang mga putaheng banyaga gaya ng


spaghetti at hamburger.

CO_Q2_AP 2_MODULE 2
2
Aralin
Pagbabago ng Sariling Komunidad
1 sa Iba’t ibang Aspeto

Mula sa pagkakatatag ng isang komunidad ay may


iba pang mga pagbabago na nangyayari. Tulad ng
pagbabago sa mga istruktura, pananamit,
transportasyon, pangalan ng mga kalye pagkain,
libangan at iba pa.

Balikan
Panuto: Iguhitang puso sa iyong sagutang papel kung
ito ay karaniwang batayan ng pangalan ng isang
komunidad at ekis kung hindi.

Mga batayan sa pagbibigay ng pangalan sa komunidad

batay sa puno

mula sa pangalan ng halaman

batay sa paborito ng nanunungkulan

mula sa pangalan ng hayop

ipinangalan sa isang bagay

CO_Q2_AP 2_MODULE 2
3
Kasama sa kasaysayan ng isang komunidad ang
pinagmulan nito. Sa paglipas ng panahon, maraming
pagbabago ang nangyari sa komunidad. Ang
pagbabagong ito ay dahil sa pagtugon ng mga tao sa
kanilang paligid at mga pangangailangan.

May mga pagbabagong naganap sa isang


komunidad gaya ng: pagbabago sa katangiang pisikal,
pamahalaaan, ekonomiya at sosyo- kultural.

CO_Q2_AP 2_MODULE 2
4
Tuklasin

Ano-
anong
pagbabago
ang iyong
nakikita sa
inyong
komunidad?

Ngayon

Noon

CO_Q2_AP 2_MODULE 2
5
Suriin

Narito ang mga halimbawa ng pagbabagong


naganap sa isang komunidad.

Pagbabago sa Katangiang Pisikal

Ang kapaligiran ng komunidad sa ngayon ay ibang-


iba sa hitsura nito noon. Marami sa mga anyong lupa at
anyong tubig sa kapaligiran ay nagbago. Ito ay dahil sa
patuloy na pagdami ng pangangailangan ng mga
mamamayan.
Kasabay nang paglaki ng populasyon ay ang
paglaki din ng pangangailangan ng tao sa espayo.
Bilang pagtugon, patuloy na ginagawang lugar-
panirahan o panghanapbuhayan ang ilang mga
anyong lupa at mga anyong tubig.
Halimbawa nito ang mga
anyong lupa gaya ng
kabundukan na pinatag
at tinatayuan ng mga
gusali at mga kabahayan
,dating ilog na
tinambakan at ginawang
panahanan at iba pa.

Isa namang masamang pagbabago sa kapaligiran


ay ang patuloy na pagdumi nito na sanhi ng iba’t ibang
polusyon.

CO_Q2_AP 2_MODULE 2
6
Pagbabago sa Pamahalaan

Bago paman dumating ang mga Kastila, may sarili ng


kultura, tradisyon at sistema ng pamamahala ang mga
Pilipino. Ang pamahalaang ito ang gumagabay sa
pang-araw-araw nilang pamumuhay.
Pinamunuan ng mga Datu
ang mga barangay noon at Raja
o Lakan naman ang namumuno
sa higit na malaking barangay.

Ngayon, kapitan ang


tawag sa namumuno sa
isang barangay. Alkalde o
Mayor naman ang tawag sa
namumuno sa isang bayan o
lungsod na binubuo ng mga
barangay.

Sa paglipas ng panahon unti-unting nadagdagan


ang mga namumuno gaya ng Gobernador, Kongresista,
Senador at Pangulo.

Pagbabago sa Ekonomiya
Sa ekonomiya noong
sinaunang panahon, ang mga tao sa isang
komunidad ay makakapamili
lamang sa limitadong produkto na
malapit sa kanya sapagkat
limitado rin ang pasilidad sa
transportasyon. Ang halimbawang
ipinapakita ng mga Mangyan,
Tasaday at katulad na tribo ang makakapagpatunay
nito.
CO_Q2_AP 2_MODULE 2
7
Habang ang ekonomiya ay tumatatag, bumubuti rin
ang transportasyon.
Noon, ang mga hayop
tulad ng kabayo, kalabaw,
at baka ay kinakabitan
lamang ng karitela, kariton
o kalesa upang magamit
ng mga tao sa kanilang
paglalakbay sa lupa.
Ang mga komunidad na
malapit sa mga anyong
tubig ay gumagamit naman ng balsa at bangka.
Dahil sa pangangailangan ng ekonomiya sa mas
mabilis na transportasyon, nagbago ang anyo ng mga
sasakyan.
Nagkaroon ng riles at tren,
at trambiya na isang uri rin
ng tren na pinatatakbo ng
koryente o enerhiya. Hindi
nagtagal nagkaroon din
ng mga barko, bus, kotse,
traysikel at dyip.
Nagkaroon na rin ng
maayos at matibay na
daan.

May mga tulay, pantalan, at modernong paliparan


na rin. Sa pamamaraang ito, ang bawat tao sa
komunidad ay nakipag-ugnayan sa ibang tao at
nakipagpalitan na ng kanya-kanyang produkto.

CO_Q2_AP 2_MODULE 2
8
Pagbabagong sosyo-kultural

Ang pananamit ng mga tao ay isa rin sa mga


nagbabago sa komunidad.
Baro at saya ang isa sa
mga isinusuot noon ng mga
kababaihan. Sa mga kalalakihan
naman ay camisa de chino at
mahabang pang- ibaba ang
isinusuot. Sa pagdaan ng panahon,
nagkaroon ng iba’t ibang uri
ng pantaas at pang-ibabang
kasuotan. Halimbawa nito ang
maong na pantalon, blusa,
gown at iba pa.
Maging ang mga pagkain sa komunidad ay marami
na ring pagbabago.
Sa ngayon, napakarami
na ng mga putahe ng
pagkain. Sa mga komunidad
sa lungsod, pangkaraniwan na
ang mga pagkaing banyaga.
Kabilang dito ang hamburger,
pizza, spaghetti, siomai, siopao,
kimchi at iba pa.

Nagbago rin ang libangan ng


mga tao sa komunidad.
Simple lamang ang laro ng mga
bata noon gaya ng piko, sipa, trumpo,
sungka, patintero at luksong tinik.

CO_Q2_AP 2_MODULE 2
9
Sa ngayon,
napakarami ng maaaring
paglibangan sa
komunidad. Nariyan ang
radyo at telebisyon,
babasahin, sine, internet at
mga electronic gadgets.

Pagyamanin

Panuto: Isulat ang tsek sa iyong sagutang papel kung


ang larawan na nagpapakita ng pagbabagong
naganap sa isang komunidad at ekis naman kung
hindi.

1.

Ngayon Noon

CO_Q2_AP 2_MODULE 2
10
2.

Ngayon Noon

3.

Ngayon Noon

CO_Q2_AP 2_MODULE 2
11
4.

Ngayon Noon

5.

Ngayon Noon

CO_Q2_AP 2_MODULE 2
12
Isaisip
Panuto: Punan ang bawat patlang. Piliin ang tamang
sagot sa kahon.

pananamit kapaligiran transportasyon


libangan pamahalaan pagkain

Ang (1) k_pal_gir__ ,(2) pa_ahal__an , mga


n
(3) tra_sp_rtas_ _n ,(4) li__ang__n ,(5) pa__ka__n

at (6) __ana__a__it sa komunidad ay nagbago dulot ng


pagpasok ng mga makabagong impluwensiya ng
teknolohiya at kulturang banyaga.

Kahit may mga pagbabago sa paraan ng


pamumuhay ng mga tao sa isang komunidad marami
paring kaugalian at gawi ang nananatili hanggang sa
kasalukuyan.

CO_Q2_AP 2_MODULE 2
13
Isagawa

A. Panuto: Iguhit sa iyong sagutang papel ang mga


pagbabagong naganap sa iyong komunidad.
Gayahin ang unang halimbawa.

Bagay/
Ngayon Noon
Pangyayari

transportasyon

kapaligiran

kasuotan

pagkain

kalsada

CO_Q2_AP 2_MODULE 2
14
B.Panuto: Ilarawan ang mga pagbabago sa iyong
komunidad ngayon at noon. Ipakita ito gamit ang
Venn Diagram. Isulat ang sagot sa iyong sagutang
papel.

Ngayon Hindi
Noon
Nagbago
1. 1.

2. 2.

3. 3.

Tayahin

C. Panuto: Buuin ang pangungusap. Piliin ang tamang


kaisipan para sa patlang. Isulat ang letra ng tamang
sagot sa iyong sagutang papel.

1. Noon, baro at saya ang isinusuot ng mga


kababaihan. Ngayon ang kanilang isinusuot ay
_____________________.
A. blusa at pantalon
B. Camisa de chino
C. Barong tagalog
D. Kimona at Saya

CO_Q2_AP 2_MODULE 2
15
2. Noon, karaniwang nilalaro ang sipa bilang libangan
ng mga bata. Ngayon, _____________________ang
kanilang libangan.
A. paglalaro ng Sungka
B. paglalaro ng Patintero
C. panonood ng telebisyon at paglalaro ng mga
electronic gadgets
D. paglalaro ng Luksongtinik

3. Noon, datu ang namumuno sa isang barangay.


Ngayon, pinamumunuan ito ng
isang_____________________.
A. rajah
B. kapitan
C. pangulo
D. kagawad
.
4. Noon, mga putaheng Filipino ang karaniwang
iniluluto. Ngayon_____________________.
A. maaanghang na putahe ang kanilang niluluto
B. wala silang alam na putaheng banyaga
C. marami na silang alam na putaheng banyaga
D. mga kakanin lamang ang kanilang iniluluto
.
5. Noon, ang mga tao sa isang komunidad ay
makakapamili lamang sa limitadong produkto na
malapit sa kanila dahil sa limitadong transportasyon.
Ngayon ay_____________________.
A. mabagal pa rin ang transportasyon
B. mabilis at makabago na ang transportasyon
C. wala ng masakyan na transportasyon
D. mga hayop ang kanilang ginagamit sa
paglalakbay

CO_Q2_AP 2_MODULE 2
16
Karagdagang Gawain

Panuto: Mag-interbyu ng mga nakatatanda sa inyong


pamilya o komunidad. Isulat sa iyong sagutang papel
ang kanilang sagot sa mga sumusunod na mga tanong.

Mga Gabay na Tanong:

Bilang nakatatanda sa

CO_Q2_AP 2_MODULE 2
17
Subukin Balikan Pagyamanin Isaisip
1. Noon 1. / 1. 1.kapaligiran
2. Ngayon 2. / 2.pamahalaan
2.
3. Noon 3. X 3. X 3.transportasyon
4. Ngayon 4. / 4.libangan
5. Ngayon 5. / 4. 5.pagkain
5. 6.pananamit
Isagawa Tayahin Karagdagang Gawain
A. 1. A Ang sagot ay batay sa
Ang mga iguguhit ay 2. C opinyon ng nakatatanda
nababatay sa 3. B sa komunidad
pagbabagong
4. B
naganap sa
komunidad. 5. B
B.
Ang mga sagot ay
nababatay sa
pagbabagong
naganap sa
komunidad.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Admin, Guro. "Most Essential Learning Competencies (Melcs)-


Complete Files -Guro Ako". Guro Ako, 2020.
http://guroako.com/2020/06/02/most-essential-learning-
competencies-melcs-completefiles/.

Gloria Cruz. Charity Capunitan, Emelita Dela Rosa, and Leo


Arrobang. "K TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN
ARALING PANLIPUNAN". Slideshare.Net, 2013.
https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-2-
learning-material-in-araling-panlipunan.

Christopher Madrigal. Pagsulong At Pagbabago, Komunidad 2


(Edisyong K-12). Reprint, Makati City,Philippines: Diwa
Learning System Inc., 2014.

Cristobal Pagoso. "Ekonomiks". Google


Books.https://books.google.com.ph

Edna Severo. Araling Panlipunan 2 Kagamitan Ng Mag-Aaral Sa


Kapampangan.1st ed. Reprint, Pasig City, Philippines:
Department of Education- Bureau of Elementary Education,
2013.

"Sistema Ng Pamamahala Ng Sinaunang Pilipino". Authorstream,


2016.http://www.authorstream.com/Presentation/ayah48102
5-2958108-sistema-ng-pamamahala- sinaunang-pilipino/.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like