You are on page 1of 6

School Division of Caloocan City

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT


ARALING PANLIPUNAN 2
SY-2022-2023
Pangalan: _______________________________________ Pangkat: _________________
Guro: __________________________________ Petsa: _____________________________
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa inyong sagutang papel.

1. Alin sa mga sumusunod na salita ang pinaniniwalaang pinagmulan ng

pangalang Caloocan?

a. Gulod b. Look c. Lupa d. Wawa

2. Bilang isang mag-aaral, paano mo pahahalagahan ang mga

magagandang kwento tungkol sa pinagmulan ng iyong komunidad?

a. Magsasawalang kibo na lamang ako

b. Ililihim ko ang kwentong pinagmulan ng aking komunidad

c. Ipagmamalaki at ibabahagi sa iba ang kwento ng aking komunidad

d. Hahayaan na sila mismo ang makaalam tungkol sa pinagmulan ng aking

komunidad

3. Dito nagmumula ang mga puno at halaman na pinagkukunan natin ng

ating mga pangangailangan sa araw-araw.

a. Yamang lupa b. Yamang mineral c. Yamang tao d. Yamang tubig

4. Bilang isang mabuting pinuno ng komunidad, ano ang mga katangian na

dapat niyang taglayin?

a. Maganda b. Magastos c. Makasarili d. Matulungin

5. Kilala bilang "__________ capital of the Philippines" ang lungsod ng Caloocan

dahilan upang magsilbing hanap-buhay rin ito ng ilan sa mga nakatira rito.

a. Dancing b. Lantern c. Motorcycle d. Shoe

6. Ito ay isa sa mga pagdiriwang na idinaraos sa lungsod ng Caloocan .

a. Ati-Atihan Festival. c. Pamaypay Festival

b. Dinagyang Festival. d. Sinulog Festival


7. Marami ng pagbabagong naganap sa lungsod ng Caloocan kabilang na

rito ay ang mga pagbabago sa istruktura at heograpiya. Ano ang saloobin mo

tungkol sa mga pagbabagong ito?

a. Ang pagbabago ay nakakasira ng kasaysayan ng isang komunidad

b. Ang mga tao ay nahihirapan makisabay sa pagbabagong nagaganap

c. Ito ay magandang dahil nagpapakita ito ng pag-unlad ng ekonomiya.

d. Nawawala ang pagkakakilanlan ng komunidad dahil sa mga

pagbabagong ito.

8. Sa paglipas ng panahon ay nagkaroon ng maraming pagbabago sa

lungsod ng Caloocan, ang dating napapaligiran ng anyong tubig ay patag na

lupa na ngayon. Ano ang pagbabagong tinutukoy sa pahayag?

a. Ekonomiya b. Heograpiya c. Politikal d. Sosyo-kultural

9. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa dahilan ng pagbabago ng

komunidad.

a. Pagsunod sa uso. c. Pakikipagkompitensya

b. Pag-unlad. d. Panggagaya

10. Malaki ang iniunlad ng Caloocan. Nagkaroon ng mga naglalakihang gusali

na siyang nakapagpataas ng kabuhayan rito. Ano ang pagbabagong

tinutukoy sa pahayag?

a. Ekonomiya b. Heograpiya c. Politikal d. Sosyo-kultural

11. Ang mga sumusunod ay nagpapahayag ng pagpapahalaga sa mga

pagbabagong nagaganap sa komunidad, maliban sa isa. Ano ito?

a. Ipagmamalaki ko ang aking komunidad

b. Susulatan ko ang mga makasaysayang istruktura sa aking komunidad

c. Susuportahan ko ang mga proyektong isinusulong sa aking komunidad

d. Tatangkilikin ko ang mga produkto na gawa mismo sa aking komunidad

12. Ito ay sagisag na itinatayo sa isang komunidad bilang parangal sa tao,

bagay o pangyayari. Isang halimbawa nito Monumento.

a. Bantayog b. Bayani c. Istraktura d. Simbahan


13. Saan matatagpuan ang sikat na bantayog na istruktura ni Andres
Bonifacio?

a. Caloocan b. Malabon c. Manila d. Pasig

14. Paano mo binibigyang halaga ang mga natatanging istruktura na

matatagpuan sa iyong komunidad?

a. Magtatapon ako ng basura kahit saan

b. Ikakahiya ko ang mga bantayog sa aming komunidad

c. Susulatan ko ang mga pader ng mga istraktura sa aking komunidad

d. Ipapakilala ko ang mga istruktura at bantayog sa aming komunidad sa

ibang tao.

15. Ang mga sumusunod ay nagpapahayag ng pangangalaga at paglinang

ng mga natatanging sagisag ng kasaysayan na matatagpuan sa komunidad,

maliban sa isa. Ano ito?

a. Basahin ang kasaysayan ng komunidad

b. Ikwento sa ibang tao ang katangian ng iyong komunidad

c. Magkalat sa mga natatanging istruktura sa komunidad

d. Tumulong na mapanatiling maayos ang mga makasaysayang istraktura

16. Ang Caloocan ay kilala bilang ”Duyan ng _________” bunga ng mga


makasaysayang pangyayaring naganap sa ating lugar?

a. kagitingan b. kasiyahan c. pananalapi d. turismo


17. Tuwing Disyembre 30 ay ginugunita natin ang Araw ni Jose Rizal bilang

pagkilala sa kanyang kabayanihan, samantalang tuwing ______ ay

pinagdiriwang ang Araw ni Andres Bonifacio bilang paggunita sa kanyang

kagitingan.

a. November 30 b. Enero 30 c. Pebrero 30 d. Marso 30

18. Alin sa mga sumusunod na kaugalian ng mga Pilipino ang dapat mong
tularan at ipagmalaki?

a. Mabuting pagtanggap sa bisita c. Pagiging magalang

b. Pagiging matulungin d. Lahat ng nabanggit


19. Ito ay isa sa mga proyekto ng aking komunidad na tumutulong sa mga

kabataan na mag-aaral na bumasa.

a. Clean and Green Program c. Project Hapag


b. Feeding Program d. Project Oscar

20. Layunin ng programang ito na mabigyan ng masustansyang pagkain ang

mga batang kulang sa nutrisyon o malnourished bunga ng kahirapan ng

buhay.

a. Feeding Program c. Project Hapag


b. Job Fair d. Seminar Pangkalusugan

21. Si Mang Ambo ay nawalan ng trabaho dahil sa pagsasara ng kompanyang

kanyang pinapasukan. Anong proyekto pang komunidad ang dapat niyang

puntahan?

a. Clean and Green Program c. Job Fair


b. Feeding Program d. Project Oscar

22. Ito ay takdang oras ng pagbabawal magpagala-gala sa kalye ang mga

taong may edad 18 pababa upang maiwasan ang krimen at pangalagaan

ang kapakanan ng mga tao higit sa lahat ay ang mga kabataan.

a. Curfew b. Job Fair c. Project Hapag d. Project Oscar

23. Ang mga sumusunod ay mga paraan upang mapaunlad ang mga

proyekto o natatanging pagkakakilanlan ng komunidad maliban sa isa, alin

ito?

a. Mas mabuting huwag na lamang makialam


b. Makikiisa ako sa mga isinusulong na proyekto ng aking komunidad
c. Susunod ako sa mga tuntunin na ipinapatupad sa aking komunidad
d. Dadalo ako sa mga seminars o meeting na nangangailangan ng aking
presensya

24. Sa iyong palagay, mahalaga ba na makiisa tayo sa mga proyektong


isinusulong ng ating komunidad?

a. Marahil po, upang may gawin tayo.


b. Walang akong pakialam sa mga proyekto
c. Hindi po, dahil masasayang lamang ang oras at panahon natin dito.
d. Opo, dahil ito ay binuo upang makatulong sa mga mamamayan

25. Ang Clean and Green Program ay isinusulong ng iyong komunidad upang

mapanatili ang kalinisan ng kapaligiran. Paano mo maipapakita ang

pagpapahalaga mo sa proyektong ito?

a. Magtatanim ako ng mga puno’t halaman


b. Itatapon ko ang mga basura sa tamang tapunan
c. Makikiisa ako sa pamamagitan ng paglilinis ng kapaligiran
d. Lahat ng nababggit

26. Ito ay masayang pagdiriwang na panrelihiyon bilang parangal sa

kaarawan ng mga patron.

a. Araw ng Kalayaan b. Bagong Taon c. Pasko d. Pista

27. Ito ang araw na ipinahayag ni Heneral Emilio Aguinaldo ang

kalayaan ng mga Pilipino laban sa mga Kastila.

a. Hunyo 12 , 1898 c. Nobyembre 12, 1898

b. Hulyo 12 , 1898 d. Disyembre 12, 1898

28. Ginugunita ang araw ng pagkakatatag ng Lungsod ng Caloocan

Tuwing______ na tinatampokan ng iba’t ibang programa at pagdiriwang.

a. Enero 16 b. Pebrero 16 c. Marso 16 d. Abril 16

29. Ano ang kahalagahan ng pagsasagawa natin ng iba’t ibang pagdiriwang

sa ating komunidad?

a. Magbubunga ng pagkawatak watak ng komunidad.

b. Magkaroon ng kabuhayan ang mga tao ng isang komunidad.

c. Mapagbuklod ang mga tao tungo sa pagkakaisa at pag unlad.

d. Magbubunga ng kompetensya sa ang mga miyembro

30. Ikaw bilang bahagi ng isang komunidad, paano ka magiging bahagi ng

isang pagdiriwang ng inyong komunidad?

a. Matutulog lang ako sa buong araw para hindi mapagod

b. Magwawalang bahala lang ako sa mga gawain ukol sa pagdiriwang

c. Makikibagi ako sa pamamagitan ng pakikiisa sa mga gawain at proyekto


d. Pagtatawanan ko ang mga taong nagsasagawa ng pagdiriwang sa

aming komunidad.

You might also like