You are on page 1of 3

SIPI MULA SA KATITIKAN NG PAGPUPULONG NG BARANGAY NUTRITION

COUNCIL NG BARANGAY MAHARLIKA WEST NA GINANAP NOONG IKA-6 NG ENERO


2021 SA BAHAY PULUNGAN.

MGA DUMALO:

Hon. Pablo Luna BNC Chairman


Hon. Marilou B. Mabansag BNC Co - Chairman
Hon. Marina D. Mendoza BNC Member
Hon. Christopher L. Añago BNC Member
Hon. Nilo G. Luna BNC Member
Hon. Nestor G. Biscayda BNC Member
Hon. Myrna A. Bay BNC Member
Hon. Michael P. Sarraga BNC Member
Hon. Raymond L. Miranda BNC Member
Rosemarie M. Bay BNC Secretary
Jane May V. Mustaza BNC Treasurer
Aiza Ungriano BNS
Zhien M. Marquez BHW
Jo Ritzelle Sim BHN
Gladys de Villa BVHW
Arnel Empeo BVHW
Peñafrancia Atazar BVHW
Jenine Luna BVHW
Lorena Barlongay BVHW
Lilibeth Peñero Child Development Worker
Ruel Luna Chief Tanod
Helen Luna CSO – KKKT Representative
Maryshiel Estopin Focal Head PWD
Elizabeth Alcaraz Senior Citizens President

BNC RESOLUSYON BLG. 2021-02

ISANG KAPASYAHAN NG KOMITE NG BNC NA NAGLALAYONG HILINGIN SA


SANGGUNIANG BARANGAY NA PAGTIBAYIN ANG PAGBALANGKAS NG BARANGAY
NUTRITION ACTION PLAN PARA SA TAONG 2023.

Sapagkat, layunin ng kapasyahang ito na mapagtibay ng Sangguniang Barangay


ang pagbalangkas ng Barangay Nutrition Action Plan.

Sapagkat, layunin ng kapasyahang ito na makabuo ng isang makatotohanang plano


para sa mga programa at aktibidad ng komite.

Sapagkat, sa pananaw ng komite ay napakahalaga ang pagkakaroon ng isang


konkreto at masusing pagpaplano para sa mga programang may kinalaman sa
pagsusulong ng wastong nutrisyon para sa mga residente ng barangay lalong na ng mga
bata, buntis at nagpapasusong nanay.
Sapagkat, kalakip ng pagpaplano ay ang pagtatalaga ng mga kaukulang pondo para
sa pagpapatupad ng ng mga programang nakapaloob dito.

Kung kaya't sa mungkahi ni Kag. Marina Mendoza na pinangalawahan ni Kag.


Marilou Mabansag, at sinang-ayunan ng lahat, ang Kapasyahang ito ay pinagtibay.

Pinagtibay ngayong ika-6 ng Enero 2021.

Inihanda ni:

ROSEMARIE M. BAY
BNC Secretary

Pinagtibay ni:

KGG. PABLO B. LUNA


BNC Chairman
BNC RESOLUSYON BLG. 2021-03

ISANG KAPASYAHAN NG KOMITE NG BNC NA NAGLALAYONG HILINGIN SA


SANGGUNIANG BARANGAY NA PAGTIBAYIN ANG PAGPAPATUPAD NG ITINATADHANA NG ra
11148 O ANG KALUSUGAN AT NUTRISYON NG MAGNANAY ACT.

Sapagkat, layunin ng kapasyahang ito na mapagtibay ng Sangguniang Barangay ang


pagpapatupad ng batas tungkol sa tama at wastong kalusugan ng nanay at ng kaniyang sanggol
Sapagkat, layunin ng kapasyahang ito na maisagawa ang itinatadhana ng batas at gawing basehan ito
para sa pagsusulong mga programa para sa mag-nanay.

Sapagkat, sa pananaw ng komite ay napakahalaga na tutukan at bigyan ng pansin ang


kalusugan ng isang nanay bago at matapos niyang magsilang ng kaniyang sanggol.

Sapagkat, isa sa naging hadlang sa isang maayos at ligtas na pagbubuntis ay ang kakulangan
sa bitamina at sustansyang kailangan ng isang nanay.

Kung kaya't sa mungkahi ni Kag. Marilou Mabansag na pinangalawahan ni Kag. Myrna Bay, at
sinang-ayunan ng lahat, ang Kapasyahang ito ay pinagtibay.

Pinagtibay ngayong ika-6 ng Enero 2021.

BNC RESOLUSYON BLG. 2021-04

ISANG KAPASYAHAN NG KOMITE NG BNC NA NAGLALAYONG


HILINGIN PAGTIBAYIN ANG SA SANGGUNIANG BARANGAY NA PAGPAPATUPAD NG
ITINATADHANA NG RA 10028 O ANG PAGTATALAGA NG BREASTFEEDING AREA SA MGA
ESTABLISYEMENTO

Sapagkat, layunin ng kapasyahang ito na mapagtibay ng Sangguniang Barangay ang pagpapatupad ng


batas tungkol sa pagtatalaga ng bawat establisyemento ng mga lugar para sa mga nagpapasusong
nanay.
Sapagkat, layunin ng kapasyahang ito na matiyak kung may maayos at malinis na lugar na nakalaan sa
mga nagpapasusong nanay kung saan maari nila itong gamitin sa oras na kakailanganin nila.
Sapagkat, sa pananaw ng komite ay kailangang maprotektahan at suportahan ang kaugaliang
pagpapasuso sa isang ligtas at maayos na lugar.
1

You might also like