You are on page 1of 2

KATITIKAN NG UNANG PULONG NG

SPCBA SENIOR HIGH SCHOOL ORGANIZATION

Ika-25 ng oktubre, 2022


Ika-1:30 – 1:40 ng hapon
Sa Google Meet

Dumalo:
Valera, Shane Ian - Presidente
Desalesa, Ronian - Bise Presidente
Cueva,. Cristine Jane - Kalihim
Ortega, Elisha Margarette - Ingat-Yaman
Ricamara, Jerick. - Tagasuri
Ticsay, Eishen Kaye - Opisyal ng Pampublikon Impormasyon
Ramos, Sharu - Kinatawan ng STEM
Abogado, Mike Johnson - Kinatawan ng ABM

PANUKALANG ADYENDA
Paghahanda para sa Foundation Day ng Senior High School

Ang pagpupulong ay sinumulan sa pagbati ng Presidente ng Paaralan na si Ginoong Shane Ian Valera na
nagtayo ng pagpupulong, sa ganap na ika-1:30 ng hapon.

Nagkaroon ng pagtatalaga para sa pambungad na panalangin, pag awit ng Lupang Hinirapang at sa


Himno ng SPCBA. Magkakaroon ng pagpapakitang gilas ng mga mag-aaral sa bawat seksyon sa ika-11 at
ika-12 baitang. Maari silang kumanta, sumayaw, umarte at magpakita ng iba nilang talento at ang
magiging hurado dito ay ang mga guro sa assignaturang Physical Education and Health. Pag katapos nito,
ay may magaganap na pageant at maaaring sumali ng dalawang pares sa kada section. Ito ay mahahati
sa tatlong bahagi, ayon kay Ginoong Valera.

Napagkasunduan na ang susuotin ng mga dadalo sa umaga ay iisang disenyo lamang ng t-shirt na
magiging opisyal na t-shirt sa Foundation Day. Pagdating sa hapon naka base sa mga akademikong
strand at baitang ang kanilang susuotin.Sa STEM ay pula ang susuotin ng ika-11 baitang habang ang ika-
12 naman ay berde. Sa ABM naman ay asul ang susuotin ng ika-11 baitang habang ang ika-12 baitang
naman ay dilaw.

Itinalakay naman namin ni binibining Ramos ang posibleng pangkatuwaang aktibidad sa hapon. Ito ay
ang booths at mga palaro. Kabilang sa boohts ay ang jail booth, marriage booth, mivie booth at disco
booth. Sa palaro naman ay ang basketball, halibol at ang badminton.

Ang tungkol naman sa badyet para sa materales ay napagkasunduan na ang kalahati nito ay mamumula
sa punong guro at ang kalahati naman ay mag mumula sa mga opisyal. Ang badyet naman para sa
premyo ng mananalo sa pagpapakitang gilas, pageant ay sa mga palaro ay magmumula sa punong guro.
At ang badyet naman para sa mananalo ng raffle ay magmumula sa mga ticket na binili ng mga
studyateng nais sumali.
Ang “Foundation Day” ay magaganap sa Ika-18 ng Nobyembre, 2022 mula ika-7 ng umaga hagang ika-6
ng gabi.

Natapos ang pagpupulong sa sa pangwakas na pananalita ni Ginoong Valera sa ganap na ika-1:40 ng


hapon.

Kumuha ng katitikan ng pulong:

Mike Johnson Abogado

You might also like