You are on page 1of 3

OLPS INTRAMURALS 2017 – “ORA! STUDE! et LABORA!

Oktubre 17, 2017 ng sinimulan ng mga seminarista ng Our Lady of Peñafrancia, ang taon-taon

nilang ipinagdiriwang na Intramurals. Kung saan sa pagkakataong ito, nailalabas nila ang kani-kanilang

ganap na mga talento, maging sa mga pisikal na laro, intilektwal at maging sa pagawit at pagsayaw. Ito

din ang panahon na kung saan, nakapagpapahinga at nakakapag “relax” at tigil muna sa trabaho, ang

bawat miyembro ng komunidad sa mga akedemikong gawain sa loob ng seminaryo.

At sa Intramurals mas lalong lumalalim, gumaganda, at nagiging masaya ang pakikitungo ng

bawat isa sa kaniyang kapwa seminarista, ito’y dahil nahuhubog nila ang halaga na isportsmanship at

kamaraderi.

Ang intramurals 2017, ay pinangungunahan at inorganiza ng mga masisipag na miyembro ng

komisyon on ispots, na sina, Sem. Gary John Fontelar - Komisyoner, Sem. David Din at Sem. Leonren

Anthony Buenviaje at sa lahat din ng mga komisyon na kasapi sa komunidad ng OLPS.

Sa simula palamang ay suot-suot na ang mga makukulay na unipormeng ipinatahi ng bawat

lider ng kupunan. At makikita na din dito ang pagpapahalaga ng espiritwalidad ng bawat isang

seminarista, dahil bago sinimulan ang mga tagisan ng galing, ay inialay muna ng bawat isa ang kanilang

sinserong mga panalangin tulad ng matagumpay na Intramurals sa loob ng Banal na Misa, na

pinangunahan ni Fr. Raner O. Lucila.


“Ora, Stude et Labora” ang ipinangalan sa bawat isang kupunan ng Intramurals ngayong taon.

Ito ay kinuha sa Latin na mga salita na ang ibig sabihin ay, (Ora – Panalangin – Pray) (Stude – Aral –

Study) at (Labora – Gawa o Trabaho – Work). Giit ni Komisyoner ng Isports na si Bro. Gary John, ipinili

niya ang ganintong tema ng mga pangalan ng bawat kupunan, dahil sa ito’y naaayon mula sa mga halige

ng pormasyon ng bawat isang seminarsta. At sa tatlong ito, dito umiikot ang buhay ng isang seminarista,

at kanya pang ipansya na ang bawat isa ay dapat pantay-pantay na pinapahalagahan upang magkaroon

ng matibay, maganda at matatatag na pundasyon ang isang bokasyon.

Sa limang araw ng Intramurals na nagsimula noong Oktubre 17, at nagtapos noong oktubre 21

2017. Dito nangyari ang iba’t-ibang mga kumpetisyon. Mayroon ng Basketbol, Volleyball, Badminton at

“track and field” at iba pa. para sa mga panlabas na laro. At Chess, Dama, Iskrabol, at Table tennis

naman para sa mga panloob na laro. Ang mga puntos ay ibanase mula sa indibidwal na panalo, na

mayroon ng 30 pts., 15 pts., at 5 pts. At sa kupunang pagbase naman ay mayroong 50 pts., 30 pts., at 10

pts,. Kasama na din sa pag bilang ng mga puntos ay nanggaling di lamang sa mga palarong nabanggit

subalit kasama na din ang “team spirit”, search para sa Mr. Intrams, at patimpalak sa sabayang pag-awit.

Naganap ang mga laro tulad ng Volleyball at track and field, sa dalawang institusyon ng

Seminaryo de Peñafrancia. At nakigamit din ng Basya auditorium sa Ponco, Bacon, at Ayo Basketball

court sa Brgy. Capuy, Sorsogon City naman para sa mga Semis at Championship games ng Basketbol.

Ang search para sa tatanghalin na Mr. Intrams ay gaganapin sana sa temporaring itinayo na

malaking tent sa labas ng seminaryo. Subalit sa kasamaang palad hindi nakisama ang panahon at nauwi
ito sa panandaliang pagaayos sa Immaculate heart of Mary School, na kung saan doon kinoronahan na

Mr. Intrams si Sem. Joban Janapin, at doon din naitanghal ang kupunan ng “Labora” bilang kampeon ng

intrmurals 2017, na mayroong kabuuan na puntos na, 412.5, kasunod ang “Ora” na may 325, at “Stude”

na may 242.5 na puntos.

Ang mga kagamitan at mga pangangailan sa pangyayaring ito ay isinuporta at ipinagbigay handa

ng mga kaparian ng Our Lady of Peñafrancia Seminary na sina: Fr. Rektor, o Renee G. Piñero Ph.D -

Rector., Fr. Raner O. Lucila – Procurator, Fr. Randy G. Gimeno – Prefect of discipline at Fr. Rondel John S.

Sioson – Spiritual Director.

At ang makaubos hiningang mga laro, at pakikipaglaban ay nauwi rin sa kainan at kasiyahan. At

sa hindi pag putol ng tradisyon, sa taong ito ang outing para sa Intramurals ay ginanap sa Caricaran,

Bacon Sorsogon City. Sa kabuuan lahat naman ay nagsaya at nakapag labas ng kanilang mga galing at

talento. Sa kabutihang palad, wala namang nasaktan o nakapagtamo ng anumang sakit sa kasagsagan ng

mga pangyayari.

You might also like