You are on page 1of 2

Shayne Andrea P.

Salinas
BSED-Filipino IV

Ang Pagdaraos ng Ika-42 Foundation Week

Ipinagdiwang ang ika-42 na Foundation Day ng sintang paaralan ng Kolehiyo ng St. Francis of Assisi
noong Ika-5 ng Oktubre ng kasaluksuyang taon. Pinasimulan ng mga kagalang-galang na sina Dr.
Evangeline O. Orosco at Dr. Arturo Agapito Orosco. Sr. na ipalaganap ang bisyon at misyon bilang mga
Pransiskano sa iba’t ibang lugar mula Las Piñas hanggang sa lugar ng Bacoor, Alabang, Dasmariñas,
Biñan, at Los Baños na ngayon ay St. Anthony School na sinunod sa pangalan ng patron ng bayan ng Los
Baños. Ang Kolehiyo ng St. Francis of Assisi ay humuhulma ng mga holistikong mag-aaral, makikita sa
foundation week noong nakaraang linggo na hindi lamang sa akademikong larangan ang husay na kayang
ipamalas ng mga Pransiskano.

Ang Pagdiriwang ng Diwang Pransiskano


Sinimulan ang linggo sa isang misa na dinaluhan ng mga mag-aaral, mga guro at mga magulang.
Lumitaw ang pagiging talentado at malikhain ng mga mag-aaral mula sa mga inihanda ng mga
Pransiskano para sa Foundation Week sa Kampus ng Bacoor na naging katangi-tangi at tunay na hindi
malilimutang selebrasyon. Nagkaroon ng palatuntunan upang opisyal na buksan ang linggo ng
pagdiriwang. Makukulay at kapanapanabik ang mga hile-hilerang booths na nagbigay kasiyahan at oras
upang makapaglibang ang mga mag-aaral. Tila bumalik sa isa sa pinakamasayang bahagi ng alaala ng
pagkabata ang mga mag-aaral ng Kolehiyo sa masigabo at aktibong pakikilahok sa Palarong Pinoy.
Tumingkad ang kulay ng Kulturang Bayanihan upang mailunsad ang pagdiriwang mula sa pagkakabit at
paglikha ng mga disensyo at mga palamuti, pamumuno at pakikiisa sa mga palatuntunan upang maging
ganap ang pagdaraos ng pagdiriwang. Naipamalas ang husay ng mga mag-aaral sa sining-biswal at
pagsusulat sa paglahok sa Poster Making, Photo Journalism, at pagsusulat ng News Article.

Ano ang Espesyal at Natatangi sa Pagdiriwang?


Maraming natutuhan ang mga mag-aaral na Pransiskano mula sa asal, kultural, espiritwal, pisikal at sa
akademikong aspekto na siya namang layunin ng Kolehiyo ng St. Francis of Assisi. Higit nitong
napagbuklod ang komunidad ng mga Pransiskano at naipapalaganap ang mabuti at dakilang hangarin ng
mga aral na pinanghahawakan ng institusyon sa pamamagitan ng mga hindi malilimutang paraan ng
pagkatuto mula sa mga gawi, tradisyon at selebrasyong naranasan ng mga mag-aaral at mga guro. Ang
pagdiriwang na idinaos ng Kolehiyo ng St. Francis ay malaking bagay na nakakatulong hindi lamang sa
loob ng komunidad ng St. Francis kundi sa mas malaking komunidad ng ating bayan dahil matibay at buo
ang pundasyon ng pagkatuto sa lahat ng aspekto ng pagkatuto.
Iba pang mga Kaganapan sa Foundation Week
Ngayong Buwan ng Oktubre inalala ang pagdiriwang para sa mga dakilang guro. Ang tema ngayong taon
para sa pagkilala sa mga guro ay “Together4Teachers”. Naghanda ang mga mag-aaral at mga
estudyanteng pinuno sa bawat kurso ng isang palatuntunan noong ika- 5 ng Oktubre para bigyang
papugay ang ating mga minamahal na mga guro, mayroong mga mag-aaral na nagbigay ng mensahe at
umawit bilang paghahandog. Ikinalugod ng mga guro ang inalay ng mga mag-aaral at palatuntunan.
Nagkaroon din ng ilang feature posting sa bawat Facebook page ang bawat kurso tungkol sa mga paborito
at mga tinitingala nilang guro.
Konklusyon
Nananatiling buhay at mas lalong matatag ang layunin na sinimulan ng Kolehiyo ng St. Francis of Assisi,
higit sa pagdaraos ng Foundation Week at pagdiriwang ng simulain natin bilang isang ganap na
Pransiskano ay isa rin itong pagkilala at pagdanas sa ating pagpapahalaga. Ganap ang husay, at paghubog
ng magandang kultura at asal na tinataglay ng bawat Pransiskano. Hindi maitatanggi ang pagiging
holistiko ng bawat mag-aaral sa lahat ng bagay. Ang pagdiriwang ay kultura’t pagkakakakilanlan na
kadikit ng isang komunidad, ang Foundation Week ay sadyang naging makulay at kaakit-akit upang
maipagmalaki ng buong komunidad ang pagiging isang tunay na Pransiskano.

You might also like