You are on page 1of 1

Magandang Buhay Pilipinas

Buhay ko at Buhay Mo
Isama na natin ang buhay niya para buhay na nating lahat
Magiging isa pa sa pananampalatayang Pilipino.

Ronald Borromeo po maghahatid ng impormasyon mula sa KAAKIBAT CACHET NEWS CAST

Narito ang trending na usapan ngayon.

EDUKASYON AT KRISTIYANISMO MAS PINAG-IBAYO NG MGA DOMINIKANO

Sa pagdating ng mga dominikano sa ating bansa noong 1587 ay nakapag-ambag upang mas
mapaunlad ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa ating bayan.

Katulad ng ibang mga Prayle, sila rin ay nagtatag ng iba’t ibang paaralan upang malinang ang
kasanayan ng mga mag-aaral.

Sa primarya, ang mga aralin ay nakasentro sa pagbasa, pagbasa, pagsulat, pagbilang, musika, mga
kasanayang nauukol sa pamamahay at pamumuhay, kagandahang asal, Doctrina Christiana at higit
sa lahat ay ang relihiyong Kristiyanismo.

Tunay naman na ang mga paaralan ay isang mahusay na daan sa pagpapalaganan ng kanilang layunin
dahil dito naituturo ang mga aral at asignatura na may kaugnayan dito.

Kaya naman, nagtatag pa ng ibang Pamantasan ang mga Dominiko upang dumami ang mga
Pilipinong Edukado na mag-iimpluwensiya at magpapalaganap ng mga kaalamang Kristiyano.

Ilan sa mga kolehiyo at unibersidad ay ang San Felipe sa Cebu na tumagal hanggang 1766,
Unibersidad ng San Felipe na hanggang 1766 ang itinagal at ang pinaka-epic? Alam niyo ba? Ang
Unibesrsidad na buhay na buhay pa, matatag na nakatayo, nagsisilbi at pinakikinabangan pa ng
maraming Pilipino ngayon???
Ang Nuestra Señora del Rosario na kilalang kilala natin bilang Unibersidad ng Sto. Tomas.
Hanggang sa panahong ito, maraming mag-aaral ang nangangarap at nagnanais na dito ay mag-aral.

Tunay naman, na ang Edukasyon at Relihiyon ay lagging magkaugnay at malabong mapaghiwalay.

Halimbawa ito na totoong may forever.

Sa kabila nito lagi nating isapuso at isaisip

“Mabuting aral
Makikita sa asal
Hatid ay dangal”

Kaya naman sama sama nating gamitin at isigaw ang


#Sulong Edukasyon, Ipagpatuloy ang Kristiyanismo

Kasama ang KAAKIBAT CACHET NEWS CAST


RONALD BORROMEO
Buong pusong naghahatid ng impormasyong totoo.
Salamat at Magandang Buhay

You might also like