You are on page 1of 1

PALARONG PANG SEKTOR

Ang palarong pang-sektor ay isa sa mga aktibidad na kailangan ang lakas ng katawan at talento
ng bawat isa para makipagtunggali sa mga kapwa manlalaro at maipakita ang kanilang galing sa larangan
ng palakasan.

Upang maging handa ang mga manlalaro kailangan nila ang ibayong pagsasanay. Isa sa mga
nilahukan ng Mababang Paaralan ng Malaguico ay ang palarong pang-sektor kung saan ang mga
manlalaro ay nakikipagtunggali sa kanilang mga kapwa manlalaro at ipinapakita nila ang kanilang talento
sa bawat larong kanilang kinabibilangan. Hindi lamang ipinapakita ang camaraderie sa bawat miyembro
pati na rin ang lakas ng pangangatawan at talas ng isip.

Ang unang bahagi ng programa ay ang parada na kung saan ito ay nilahukan ng mga manlalaro,
officials at mga taga sanay mula sa iba’t-ibang paaralan na nasasakupan ng ikalawang sector.

Pagkatapos ng maikling parada na ginanap sa Barangay Awayan, Sipocot, Camarines Sur ang
sumunod ay ang Pambungad na Programa. Ang pambansang awit ay pinangunahan ni Bb. Louinda
Gabriel sinundan ito ng panalangin ni Gng. Cyrill R. Abay. Ang punong guro ng Mababang Paaralan ng
Manggapo na si Ginoong Terry Oya ay nagbigay ng pampasiglang mensahe para sa mga kalahok.

Bilang suporta sa kanilang paaralan nandon din ang ilan sa kanilang PTA officers. Isa-isang
tinawag ang mga ulong guro upang ipakilala ang kanilang kuponan at magbigay ng maikling yell. Ang
mga ulong guro din at mga sports school coordinator ng bawat paaralan na kalahok ang nanguna sa
pagtaas ng kani-kanilang banner.

Ang ipinagmamalaki ng Malaguico Elementary School na si Nicole A. Alcala ang nanguna sa


panunumpa ng mga manlalaro.

At ang pinakahihintay ng lahat ay ang hudyat ng pag-uumpisa ng palaro. Ilan sa mga magagaling
na manlalaro ay galing sa MES. Ang mga laro na nilahukan namin ay ang basketball, athletics, chess at
gymnastics. Nagpakita ng kanilang kanya kanyang galing ang mga manlalaro. Sa unang laban ng
basketball inilampaso ng MES ang Tara Elementary School. Nagtapos ang laro sa score na 17 at 5.
Bagaman hindi pinalad ang mga manlalarong lalaki sa athletics ay panalo naman ang lahat ng mga
babae. Ang mga gymnasts nman ay masaya sapagkat wala silang katunggali. Ang mga manlalaro ng
Chess naman ay nakarating sa ikalawang puwesto Flordeliza S. Belleza at Benn Seiphfred P. Mayor
samantalang sina Ezra Faith R. Abay at Kim Cyrus L. Principe sa ikatlong puwesto.

Tulad nga ng kasabihan ng mga matatanda, “Kung may tiyaga may nilaga.” Tagumpay ang bunga
ng pagtatambal ng talento at pagsisikap. Ang mga medalya at tropeo na ating nakukuha ay mula sa
disiplina at puspusang dedikasyon bilang isang magaling na manlalaro.

You might also like