You are on page 1of 2

Edukasyon sa Pagpapakatao

Baitang 7

Aralin 2: Angking Mga Talento, Biyayang


Pauunlarin Ko

Pangalan:
Grade & Section:

Gawain 1: Talento Mo, Paunlarin Mo


A. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:
1. Bakit mahalagang tuklasin at paunlarin kung ano ang talino mong taglay?

2. Paano ito makatutulong sa iyong pagpili ng Senior High School Track?

3. Paano mo ito magiging gabay sa pagpili ng magiging kurso o trabahong nais mong pasukan sa
hinaharap?

B. Basahin mo at unawain ang aral na mapupulot mo sa kuwento ng buhay ng isang Pilipinang atleta na
namayagpag sa larangan ng long jump ng ilang dekada.

Si Elma Muros ay isinilang sa Magdiwang, Romblon noong Enero 14,


1967. Pang-anim siya sa siyam na magkakapatid. Nag-aral siya ng
sekondarya sa Roosevelt College sa Rizal sa pamamagitan ng kaloob na
scholarship ng noo’y gobernardor ng Rizal na si Isidro Rodriguez.
Kalunan ay binigyan din siya ng scholarship sa University of Baguio at di
nagtagal ay lumipat siya sa Far Eastern University.
Miyembro si Elma ng Philippine Track
and Field National Team at kinikillala bilang “Long Jump Queen” ng
Philippine Sports. Nakipagtagisan din siya ng galing sa 1000m and 400m
hurdles, 100m, 200m, and 400m sprint kasabayan ang kinikilalang "Sprint
Queen" ng Pilipinas na kapwa niya alamat sa larangan ng isport na PARAAN
KUNG PAANO KO MAPAUUNLAD ANG AKING TALENTO Hal. Pagsasanay
araw-aaraw 22 si Lydia de Vega. Ang talentong naging susi sa kanyang
tinatamasang tagumpay sa buhay ay sa larangan ng track and field lalong
higit ang kanyang husay sa long jump.
Sa edad na 14 ay sumasali na siya at ipinanlalaban ng kanilang paaralan sa
iba’t-ibang kompetisyon hanggang sa matuklasan ang kanyang galing sa Southern
Tagalog Regional Athletics Association sporting meet. Dito na dahan-dahang
umangat ang kanyang pangalan sa mga kompetisyong kanyang nilahukan.
Ayon sa kanya, hindi siya tulad ng ibang nagdadalaga na ginugol ang panahon
sa pag-eenjoy kasama ang mga kabarkada, sa halip ibinuhos niya ang kanyang
buong panahon sa pagsasanay at pagpapaunlad ng talentong kaloob sa kanya ng
Diyos. Ang kanyang pagsisikap ay nasuklian ng mga medalyang kanyang inaasam.
Sa edad na 16 ay nanalo si Elma ng walong titulo sa South East Asian Games. Sa
kabuuan nagkamit siya ng 15 gintong medalya sa Southeast Asian Games.
Nakamit din niya ang bronze medal sa long jump sa 1994 Asian Games at bronze
medal din sa 400 meter-hurdles noong 1990. Napagwagian niya ang apat na medalya, silver medals noong
1993 at 1992 at bronze medals noong 1993 at 1995. Hawak niya ang iba’t-ibang records sa kanyang
larangan.
Edukasyon sa Pagpapakatao
Baitang 7

Sa isang panayam ibinahagi ni Elma Muros-Posadas kung gaano katagal ang pagsasanay na ginagawa
niya upang mapaghusay ang kanyang talento. Binanggit din niya kung gaano kalaki ang impluwensya ng
sports sa kanyang buhay mula sa kanyang pagdadalaga hanggang sa kasalukuyan na may pamilya na siya.
Aniya, ang sports ang nagbigay sa kanya ng magagandang pagkakataon sa buhay mula sa kanyang
kabataan hanggang sa siya ay magpamilya na. Hindi man sila mayaman ay naitaguyod niya ang kanyang
pag-aaral dahil sa mga scholarship programs na nakuha niya bilang atleta. Nakarating siya sa iba’t-ibang
bansa dahil sa mga kompetisyong kanyang sinalihan. Nang panahong siya ay magretiro, naging coach siya
sa isang ekslusibong paaralan, ang Brent International School Manila, kung saan siya ang nagtuturo at
gumagabay sa mga bagong sibol na kabataang nagnanais ding maging katulad niya. Sa pamamagitan ng
pagiging coach ay napag-aral niya ng libre ang kanyang mga anak na naging mga atleta rin ng paaralan.
Masaya si Elma sa piling ng kanyang asawa na si George “Jojo” Posadas na dati ring atleta at coach.
Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel (worksheet).

1. Anong uri ng talino ang ipinagkaloob kay Elma?

2. Paano niya gigugol ang panahon ng kanyang pagdadalaga? Ano sa palagay mo ang dahilan niya dito?

3. Paano niya pinaunlad ang talino niya sa larangan ng isports?

You might also like