You are on page 1of 1

PAGPAPAKILALA SA PANAUHING TAGAPAGSALITA

Sa ating minamahal na PSDS, Ginoong Henry Alunday, sa ating panauhing


tagapagsalita, , sa ating masipag na punong-guro Ginoong Danmax Cortez, sa aking
mga kapwa guro, isang mapagpalang umaga po sa inyong lahat.
Isang malaking karangalan ang maatasan na magpakilala sa inyo ng ating panauhing
tagapagsalita sa pagdiriwang natin ng Buwan ng Wika.
Tunay siyang isang inspirasyon sa bawat kaguruan ng Dibisyon ng tabuk.
Ipinanganak siya sa Bulanao, Tabuk , Kalinga noong Mayo dalawampu’t apat isang
libo siyam na raan at pitumpu’t isa (May 24, 1971.)
Nagtapos siya sa kursong Bachelor of Secondary Education major in Filipino.
Nagpakadalubhasa sa pag-aaral at nagtapos ng Master of Arts major in Filipino,
minor in Araling Panlipunan at MAPEH.
Naging MASTER TEACHER 11 sa Kalinga National High School at tumanggap ng iba’t
ibang mga parangal. Tulad ng Woodbadge Holder sa GSP, Panrehiyong Natatanging
Guro sa Filipino 2013, PAMBANSANG ulirang Guro 2014 , Natatanging Guro ng
Kapisanan ng mga Supervisor at Guro sa Filipino(KASUGUFIL 2014).
Naging School Paper Adviser din siya mula 2009 sa KNHS at lumahok sa iba’t ibang
kumpetisyon tulad ng balagtasan, Informance , tula, Talumpati,sayawit, jingle at iba
pa.
Humakot ng mga parangal at umabot sa National ng ilang beses sa NSPC at NFOT.
Dahil din sa kanyang angking kahusayan, mula sa pagiging simpleng gymnast
simula nung siya ay nasa Grade 3 pa lamang, nahubog siya at naging trainer
hanggang sa naging coach at katagalan ay naging hurado sa iba’t ibang kumpetisyon
kung saan siya ay Kinukuhang maging hurado sa iba’t ibang mga paaralan, sa
komunidad at maging sa labas ng rehiyon.
Datapwat sa kanyang angking galing, husay, at katalinuhan, na dinagdagan ng
kanyang kagandahang panloob at panlabas, at sa kanyang mga natanggap na
parangal at mga pagkilala mula sa iba’t ibang kumpetisyong kanyang sinalihan, ang
naghatid sa kanya sa tamis ng tagumpay at ngayo’y kilala siyang EPS sa Filipino ng
Dibisyon ng Tabuk.
Malugod ko pong ipinapakilala sa inyo ang ating panauhing tagapagsalita Ginang
ADELAIDA CANASA IGNACIO. Atin po siyang salubungin ng masigabong palakpakan.

You might also like