You are on page 1of 3

SALUDO

“Isa. Dalawa. Tatlo… Humanda!”


Matuwid silang nakatayo habang nakikinig sa
tagapamuno, habang ang mga pawis ay tumutulo.
Nakakamangha ang kanilang taglay na galling at alisto.
Isang saludo sa inyo!

Muling nanumbalik ang saya sa mata ng mga estudyante


ng Libudon National High School nang malamang may
gaganaping pagsasanay tungkol sa mga estudyante na
interesadong sumali sa Senior’s Scout. Lahat ng guro sa
bawat baiting ay inihayag ang gaganaping pagsasanay.
Maraming ni rekluta ang iba pang mga mag-aaral, at ika
nila’y ito ay masaya at mapaghamon.

May 8, 2023 nang sinimulan nila ang pag-iinsayo, at ito


ay pinamumunuan ni Renan Nunez bilang isang
kumander ng mga tagamanman. Ito rin ay nasa ilalim ng
kamay ni Sir Christian Consigna, bilang isang guro at
tagapamuno ng pampa-aralang tagamanman.
Umabot ng 105 na mga estudyante ang sumubok na
sumali sa ginawang pagsasanay. Marami ang nag sabing
mahirap ito at hindi madali sa gayon marami ring nag
sabing masaya ito. Pero sa dinami-daming sumubok,
hindi lahat ay nakalagpas. Maraming sumuko dahil
napagod, marami rin ang hindi kayang tustusan ang
pambili ng uniform, at iba pa.

Noon ay mayroong 105 na mga estudyante ang nais na


sumali, subalit 77 na mga estudyante na lang ang natira
sa ngayon. Kabilang na rito ang pangalawang kumander,
platon leaders, at walong pinuno sa bawat pangkat.

Ang pagsasanay na ito ay lubos na binigyang diin ng


paaralan. Isang itong paghahanda para sa gaganaping
Jamboree sa darating na Hunyo 2023. Bago magsi-uwian
ay palaging nagsasanay ang mga tagamanman na
nanggagaling sa iba’t-ibang baitang. Mula baitang 7
hanggang baitang 12 ang kwalipikadong maging
tagamanman. Ma babae man, bakla, tomboy o lalaki.
Walang pinipiling anyo, basta’t mabait, masipag, at
marespeto ay sapat na upang maging isang tagamanman.
Hindi man madali sa kanila ang gawaing ito, tungkulin pa
rin nilang pagsilbihan at protektahan ang paaralan. Ang
mga tagamanman sa Libudon National High School ay
kilala bilang marespeto, masipag, aktibo, matulungin at
magaling. Kaya nga ang kanilang motto ay “Laging
Handa”. Palagi silang handa sa lahat ng bagay, lalo na
kapag may nangangailangan ng tulong.

Isa. Dalawa. Tatlo… Handa na!


Matuwid a ring nakatayo, maraming pawis ang tumutulo.
Pero ang pagod ngayon, alam mong pinaghirapan mo.
Hanggang ngayon, nakakamangha pa rin ang galing at
alisto. At sa wakas napatunayan mo ring handa kang
magsakripisyo para sa paaralang ito. Isang saludo sa inyo!

You might also like