You are on page 1of 1

GUmigising nang may Respeto at Organisado

Eurybonn Villanueva

Siya ay isang guro!

Ang tunay na sukatan ng pagiging magaling na guro ay hindi nakabase kung ilang
sertipiko ang kaniyang natamo maging ang bilang ng medalyang ginto kung hindi sa
bilang ng estudyanteng natututo.

Kaakibat nito ay mga ilang simpleng hamon na kung pakikinggan ay madali ngunit kung
isasabuhay araw-araw, isang malaking bagay.

GUmising nang maaga at sa pagtungo nito sa tahanan ng karunungan, bitbit nila ang
Respeto para sa sarili at para sa lahat ng tao. Ang pagpasok naman nila sa silid-aralan
ay hudyat ng pagsisiwalat ng kaalaman sa pinakamaayos na paraan sa mga batang
nakaabang sa kanilang matututunan, bagay na sila ay Organisado.

Malaki ang kontribusyon nila sa paghubog ng ating kaalaman, sila rin ang nagsisilbing
tulay ng ating kinabukasan. Bitbit ng mga guro ang hangarin na makapagturo, kahit na
sila ay mapagod basta mga kabataan kanilang maitataguyod.

Hindi maiiwasan sa mga guro ang malipat ng destinasyon ng kanilang pagsisilbihan,


bilang alagad ng gobyerno at kawani ng karunungan, dala-dala ang inspirasyon na
kanilang sinumpaan, na magtuturo sila sa abot ng kanilang makakaya.

Ganito ang imahe ng mga panibagong guro na sina G. Dindo Ojeda, Bb. Normalyn
Lestino, G. Marlon Salvador at Zainudin T. Genso na lumalagablab ang mga pusong
magturo sa kanilang bagon institusyon. (please expound and give details)

Para nga sa kanila, mahirap makibagay sa bagong paligid na susuungin pero bilang
makabagong henerasyon na mga bayani, lahat susuyurin; ang hirap ay kakayanin. Ang
diwa ng pagtuturo ay upang makapaghatid ng bagong impormasyon o kasanayan sa
pamamagitan ng salita pero kinakailangan ng tagapaghatid ng salita sa sangkatauhan;
tapaghatid ng kaalaman, tagapagligtas sa henerasyong pag-asa ng bayan.

Sa bawat nilalang, may angking katalinuhan at kakaibang saloobin. Habang tayo ay nag
umuunlad, kaalinsabay nito ang pagbabago na ating hinahangad. Wala tayong
magagawa kundi sumabay sa agos nating nilalahad. Ang hirap at pag sasakripisyo ng
ating guro ay hindi lang para sa kanila kundi para rin sa ating kinabukasan. Bago man o
dati ay parehas ng hangarin na tayo ay turuan. Kayo ang nagbibigay kulay sa buhay
naming puno ng lumbay.

You might also like