You are on page 1of 1

Ilalayo sa pangamba, pero ilalapit sa pangarap.

Sama-sama tayong magkaroon ng handing isip para tayo


ay maging handa bukas!

Ano man ang ating maging sitwasyon, tuloy ang edukasyon. Ang San Juan Elementary School ay patuloy
na naghahanda at sama samang nagpaplano para harapin ang mga pagbabago sa sistema ng edukasyon,
upang matugunan ang layuning maipagpatuloy ang pagkatuto ng mga bata sa kabila ng ating
kinakaharap upang maihanda sila sa mga hamon ng bukas.

Bagama’t walang face to face o pisikal na pagpunta ng mga bata sa paaralan, natukoy ng Kagawaran ng
Edukasyon ang epektibo, ligtas, at angkop na pamamaraan upang maihatid ang ibat ibang learning
delivery modalities na akma sa bawat mag-aaral.

Ang mga guro ay nakaantabay sa kanilang mga tahanan gamit ang Facebook, Messenger, text o tawag
para sa anumang katanungan ng mga magulang, pati na rin ng mga mag aaral.

Bilang pagsunod naman sa mga programang ipinatupad ng Kagawaran, patuloy na nakikiisa ang
Paaralang Elementarya ng San Juan sa pamumuno ni Ginang Melania C. Capistrano sa pagsasagawa ng
mga paghahanda upang maging ligtas, maayos, at malinaw ang sistema ng edukasyon.

Patuloy rin na nakikiisa ang mga guro sa mga programang inilulunsad ng Kagawaran upang maging
handa sa pagbibigay ng dekalidad na edukasyon sa kabila ng pandemya.

Nakiisa rin ang paaralan sa pagsasagawa ng Nationwide Simultaneous Earthquake Drill para sa mga mag-
aaral sa kani kanilang mga tahanan kasama ang kanilang mga pamilya, dahil kung sakaling magkaroon ng
anumang sakuna, mas ligtas ang handa.

Patuloy rin ang pagbabayanihan mula sa iba’t ibang stakeholders kaya’t gumagaan ang pagbibigay ng
solusyon sa kinakaharap na hamon dahil sa pagtutulungan ng bawat isa. Buong puso po kaming
nagpapasalamat sa inyo!

Nagsagawa rin ng kauna unahang virtual PTA Orientation ang paaralan upang makapanayam ang mga
magulang at guardians sa mga hakbangin at paghahanda na dapat alamin at tandaan para sa
pagbubukas ng klase.

Patuloy rin sa paghahanda ang mga guro ng Paaralang Elementarya ng San Juan upang matiyak na ang
edukasyon ay mananatiling abot-kamay at dekalidad para sa lahat.

Sa pagtutulungan at paghahanda ng bawat isa, makasisiguro tayo na sa darating na pasukan ay walang


batang maiiwan.

Kahit sarado ang ating paaralan, sana ay panatilihin nating bukas at handa ang ating mga kaisipan!
(Handang isip, Handa bukas)

#Sa Paaralang Elementarya ng San Juan, Kalusugan at Kaligtasan ng bawat isa ang No. 1

Maraming salamat po!

You might also like