You are on page 1of 1

Isang maganda araw po sa inyong lahat!

Taon taon po ay ginaganap ang


tinatawag na Brigada Eksuwela sa lahat ng paaralan. Ito po ay bilang paghahanda
sa pag pasok ng mga mag aaral kung saan nagkakaroon ng pag sasagawa ng mga
pagkukumpani. Tulad ng pagsasaayos ng bubong o bintana ng silid aralan, pag
pipinta ng mga pader at kisame, pag sasaayos ng mga sirang upuan, may tagas na
tubo, at marami pang iba. Katulong ang mga magulang, estudyante, alumnus,
myembro ng mga grupong sibiko, at iba pa sa komunidad. Silay dumadagsa sa
ekswelahan upang tiyaking handa na ang lahat, ligtas, at malinis ang babalikang
paaralan ng mga bata. Subalit sa taon pong ito ay sadyang kakaiba bunga ng
pandemya na ating narararanasan dulot ng COVID 19. Ganoon pa man, tuloy parin
po ang Brigida Eskwela sa Elementary school na may temang “Pag papanatili ng
bayanihan tungo sa kalidad na Edukasyon para sa kabataan.” Hindi man po kayo
makapunta sa aming paaralan bilang pag iingat at proteksyon narin sa inyong
kalusugan, maaari parin pon kayong tumulong sa pamamagitan ng pag dodonate
na kinakailangan PPE’s o personal protective equipments and safety materials
tulad ng facemask at faceshields, alcohol, chlorine, gloves, footbath, at marami pa
pong iba na sa palagay ninyo ay makatutulong upang mabigyang proteksyon ang
mga mag aaral, guro, at iba pang kawani sa loob ng paaralan. Batid po namin na
sa panahong ito ay d possible ang face to face instruction, at upang
maipagpatuloy po ng mga bata ang kanilang pag aaral sa tinatawag natin ngayong
New normal. Isa po sa paraan ng pagtuturo na maiibigay ng aming paaralan ay
ang tinatawag na Modular Distance Learning. Sa paraan pong ito ay
maipagpapatuloy ng mga bata ang kanilang pagaaral sa pamamamagitan ng
pagsagot sa mga modules na ibibigay ng mga guro. Subalit, napakalaki po ng
salapi na magugugol sa pagpapalimbag ng kopya ng mga ito. Kaya po humihingi
rin po kami ng tulong o donasyon mula sa inyo tulad ng printer o photo copier,
ink, at typewriting. Malaki po ang magagawa nito upang maipagpatuloy ng
paaralan ang layunin nitong mga paghatid kaalaman tungo sa pagkatuto ng bawat
mag aaral. Kaya po, sa ngalan ng mga guro at kawani ng aming paaralan, patuloy
po kaming kumakatok sa inyong butihin puso upang mag paabot ng inyong
napakahalagang tulong. Ngayon pa lamang po ay lubos po namin kayong
pinasasalamatan, dalangin po namin na patuloy kayong pag palaain ng ating DIyos
at ibalik sa inyo ang tulong na inyong ibibigay ng siksik, liglig, at umaapaw. Kaya,
tayo na po! At makibrigada sa aming paaralan.

You might also like