You are on page 1of 1

Ric Laurence R.

Mata
Grade 10-Adelda Talumpati sa Filipino
Sa muling pagbubukas ng mga paaralan noong Agosto 2022, magsisilbing panibago na
namang karanasan para sa mga mag-aaral. Bagamat nakasanayan natin ang modular at online
class dulot ng dalawang taon na pandemyang ating sinapit, sa wakas ay muli tayong babalik sa
ating silid-aralan kung saan tayo'y sama-samang matututo. Eksayted ang lahat. Nasasabik na
makitang muli ang mga kamag-aral, magsuot ng uniforme na tila bang hindi napagtanto, na sa
pagdaan ng dalawang taon, hindi lubos maisip na kailangan nang bumili ng bago dahil naliitan
na. Bagong bag, bagong gamit sa eskuwela. Sa wakas magkakabaon na.
Ngunit kalakip ng pananabik ay ang pag-alala, hindi lamang para sa mga mag-aaral at
mga guro, kundi para rin sa mga magulang. Nandyan pa rin ang sakit na COVID-19, at kahit na
mayroon na tayong bakuna, hindi pa rin natin masisiguro ang ating isang daang porsyentong
kaligtasan mula sa sakit na ito lalo na't marami tayong makakasalamuhang ibang tao sa ating
eskuwelahan. Mabuti na lamang, nandyaan ang ating mga guro at iba pang mga school personnel
na pinapanatiling malinis at ligtas ang mga pasilidad sa ating paraalan, at sinisigurong lahat ng
mga papasok sa eskuwelahan ay sumusunod sa protocols.
Isa pang inaalala ay ang pag-aadjust ng mga mag-aaral. Kung noong online class ay
pwede magpuyat at gumising kahit anong oras, sa face to face ay kailangan nang baguhin ang
nakasanayang kaugalian na iyon. Gigising na ng maaga para makabiyahe papasok sa school, at
matututong gastusin ng maayos ang baon. Kailangan nang maging mas alerto at gising sa klase,
laging handa para magrecite dahil hindi na katulad noon na pwedeng mag multitask dahil naka
off-cam at mute naman sa Google Meet.
At syempre, nandyan din ang pakikisama at pakikiisa sa mga kaklase at guro. Dito tayo
mas mapapalapit sa kanila at talagang makikilala ang kanilang pagkatao, at kasabay nito ay ang
kanilang pagkilala rin sa atin.
Sa kabila ng pag-aalala, nawa'y manaig pa rin sa ating mga puso ang tuwa at pasasalamat
sapagkat napakalaking pribiliheyo ang makapasok sa eskuwelahan at makapag-aral. Nawa'y tayo
ay laging maging ligtas, maalahanin, matalino, at may takot sa Panginoong Maykapal.

You might also like