You are on page 1of 1

Pangalan: Louis Beatrix D. Fiel Sulating Pormal Blg.

1
Seksyon: 7-Diwa Blg. Sa Klase: 12

Layunin:
● Nakapagtatala ng mga ginawang pag-aadjust ngayong may online class at
limited-face-to-face sa taong panuruan 2022-2023.
● Nakapagpapahalaga sa sariling damdamin, ideya at mga karanasan
● Nakasusulat ng Sulating Pormal na may wastong baybay, gamit ng salita at bantas.
● Nakbubuo ng Sulating Pormal na may tatlong o higit pang talata.

Ang Pag-Ikot ng Aking Pamumuhay: Ngayong New Normal at Noong Tayo’y Nag-aral
Online

Sa mga panahon kung saan tayo’y gumagamit ng mga plataporma online mas madali ang
pag-aaral. Lahat ng mga bagay na ating ginagawa noon ay online tulad ng ating mga takdang
aralin gayundin ang lugar kung saan tayo ay tinuturuan at natututo. Ngayong tayo’y gumagamit
ng limited-face-to-face hindi na lahat ng bagay ay magiging online. Hindi na tayo pwedeng mag
off cam ngayon at umalis ng webroom pag tayo’y tinatawag ng guro o kaya gumawa ng iba’t
ibang bagay habang na sa klase, iilan lang iyan sa mga pagbabagong ating mapagdaraanan
ngayon may face to face.

Nang tayo’y mag face to face masasabi ko na ako’y nahirapan, dalawang taon akong natuto
gamit ang ODL kaya ang pagbabalik eskwela ay nagbigay ng halo halong emosyon. Ako’y
nakaramdam ng takot dahil lumalaganap padin ang Covid 19 at hindi natin matitiyak na
maiiwasan natin ang pakikisalamuha sa isa’t isa. Nandiyan din ang kaba na di mawala-wala,
ako’y kinakabahan dahil mahirap para saakin ang pakikipagkaibigan sa iba lalo na nakakulong
lang ako sa aming tahanan noong quarantine. Ngunit, ang nakakatuwa sa face to face ay may
pagkakataon na din tayong bumalik sa ating kinagawain at maari din natin makilala ang mga tao
sa komunidad ng ating paaralan pati na ang ating mga kaklase.

Mahirap man para saakin harapin ang malaking pagbabagong ito na umikot sa aking
pamumuhay, matitiyak ko na sa mga nakaraang linggo ako’y naging masaya. Kahit ako’y
natatakot at nag-aalala padin alam kong malalagpasan ko din ang mga paghihirap na ito. Sa
tiyaga at pagpupursige ako’y makakabalik na ng eskwela na walang pag-aalala o takot na dala.
Mula sa suporta ng aking mga kaklase at kaibigan sa tingin ko na malalampasan ko na ang
takot kong humarap sa maraming tao.

You might also like