You are on page 1of 1

FILIPINO 5

Paghahanda sa Unang Araw ng Pasukan


ni: G. Renaldo D. Quirem
Araw na Lunes, sa huling linggo ng buwan ng Agosto ang unang araw ng aming pasukan. Ako ay
nasasabik sapagkat pasukan na nama’y nagbalik mula sa natigil o pansamantalang nahinto naming
pag-aaral dahil sa kinakaharap na pandaigdigang krisis o pandemya. Mula sa ilang buwan na
pananatili sa ating mga kanya-kanyang tahanan upang maiwasan o labanan ang nakakamatay na
sakit dala ng COVID-19. Kaya sa araw na ito, ako ay lubos na nasiyahan dahil tiyak marami na naman
akong bagong matutuhan mula sa aking mga mababait, matulungin, mabubuti o magagaling na mga
guro sa aming paaralan. Ako rin ay masayang-masaya dahil makikita kong muli ang aking mga kapwa
mag-aaral at kaibigan na matagal ko nang hindi nakikita. Alam kong mayroon na naman akong
bagong makikilala na mga kaibigan o kaklase mula sa iba’t-ibang seksyon o maging ito’y nanggaling
sa ibang paaralan. Ako, isang mag-aaral na nangarap din para sa aking sarili o pamilya. Hangad ko ay
maayos na kinabukasan para sa hinaharap ay hindi maghirap nang ako ay walang pinagsisihang
bukas. Araw-araw akong magsisikap ng lubos at mga pagsusulit ay hindi uurungan. Kaya sa unang
araw pa lamang ng aking pag-aaral ay ipakita ko na ang aking determinasyon at kahandaan na kahit
na magsunog ng kilay ay gagawin ko upang tagumpay ay makamit sa buhay. Sa kapwa ko mag-aaral,
‘wag ng patumpik-tumpik sa pag-aaral. Nang ating mga magulang ay hindi malungkot bagkus tayo ay
magbigay kasiyahan at karangalan sa kanila o sa ating pamilya. Huwag rin nating kalimutan
mananalangin sa ating panginoon para tayo ay pagpalain. Nawa’y gabayan tayo ng ating mahal na
ama sa ating pag-aaral upang bigyan ng malawak na kaalaman tungo sa isang magandang
kinabukasan.

Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na tanong tungkol sa tekstong binasa. Isulat
sa patlang ang titik ng wastong sagot.

1. Ano ang paksa ng tekstong nabasa?


a. Araw na Lunes b. Paghahanda sa Pagpasok
c. Paghahanda sa Unang Araw ng Pasukan d. Wala sa nabanggit

2. Paano niya pinaghandaan ang unang araw ng pasukan?


a. Natulog nang maaga b. Namamasyal sa parke
c. Namili ng bagong kagamitan at iba’t-ibang kagamitang pampaaralan d. Hindi ko alam

3. Magbigay ng karanasan na ipinakita sa nabasang teksto?


a. Pananatili sa loob ng bahay dahil sa kinakaharap b. Paghahanda sa araw ng pasukan
na pandemya ng buong mundo
c. Pagiging isang mabuting mag-aaral d. Lahat sa nabanggit

4. Bakit pansamantalang nahinto ang kanilang pag-aaral sa nakaraang mga buwan?


a. Dahil may malakas na bagyo sa bansa b. Dahil nagkaroon ng lockdown dulot ng COVID-19
c. Dahil nasunugan ang kanilang lugar d. Lahat sa nabanggit.

5. Sang-ayon ka ba sa kanyang payo para sa kapwa niya mag-aaral tungkol sa tamang pag-aaral?
Bakit?
a. Opo, dahil ito ay nakatutulong bilang isang natatanging mag-aaral.
b. Opo, para matutuwa ang aking mga magulang at mga guro.
c. Hindi po, dahil ayaw ko maging abala sa aking pag-aaral
d. Hindi ko po alam.

You might also like