You are on page 1of 1

Angela R.

Atienza
Grade 11 Gregorio Zara

New Normal

Sa New Normal, ano nga ba ang mga naging kalagayan ng nating


edukasyon? Paano ba tayo nag-adjust ngayon New Normal? Noong panahon ng
pandemya, maraming paaralan ang nagsarado. ang mga karaniwang mga
pagtitipon-tipon ay hindi maaaring isagawa. Ang pamahalaan ay nahirapan din
magdisisyon kung itutuloy ba virtual learning o hindi. Sa makalipas na dalawang
taon, unti-unti bumababa ang bilang ng mga taong nagkaroon ng COVID 19.
Dahil sa COVID 19 na kumakalat sa buong mundo, madaming pagbabago ang
naganap, hindi tayo maaaring lumabas ng ating mga bahay kung wala tayong
suot-suot na face mask, ang libangan lamang noong panahon ng pandemya ay
ang nanonood ng telebisyon o nakikinig ng balita sa radyo upang ating malaman
kung anong mga hahalagang balita at malaman ang nangyayari sa ating bansa
kasama ang aking pamilya sa loob ng tahanan.

Ang paaran ng ating pag-aaral noong panahon ng pandemya ay module at


online class na kung saan ang ating mga gawain ay kailangan ipasa sa google
classroon, pinakanagamit itong google classroom noong pandemya at hanggang
ngayon New Normal dahil dito noong mga panahon na blended learning pa
kaming mga mag-aaral na kung saan dalawang araw lamang ang face-to-face
classes at ang tatlong araw ay online class dito sa google classroom ipinapapasa
at pinapasa ng aming mga guro ang gawain at ang kanilang mga presentation na
tinuro. Noong panahon ng pandemya tayo ay bawal makipagyakapan o
makipagkita at makipagkamay sa ating mga kaibigan, bawal magkumpol-kumpol
o magsama-sama ang mga tao sa iisang lugar at kailangan laging magsabon at
maghugas ng kamay sa ano man bagay na ating hahawakan. Ngunit, ngayon New
Normal ipinatupad na ng ating pangulo na voluntary lamang ang pasusuot ng
face mask. Ngayon New Normal ang mga mag-aaral na tulad ko ay full blast
face-to-face na papasok sa paaralan. Marahil, ang iba na katulad ko na mag-
aaral ay nahirapan din sa pag-aadjust na kailangan gigising ng maaga para
makapasok sa paaralan.

Ngayon may mga guro na magtuturo sa atin ng mga aralin at gawain.


Ipinatupad din ng ating bise presidente Sara Duterte na ang mga mag-aaral sa
pampublikong paaralan ay hindi na kailangan na magsuot ng mga uniporme sa
paaralan para sa taong panuruan 2022-2023. Ang social media ay may malaki rin
naitulong sa atin sa gitna noong panahon ng pandemya katulad ng nakakausap
natin ang mga kaibigan o kamag-anak natin sa pamamagitan ng messenger at
dito rin tayo maaaring magtanong-tanong sa ating guro kung hindi natin
naintidihan ang gawain. Sa kabila ng naging pasubok sa ating bansa ang
edukasyon natin ay ating naipagpatuloy parin mahirap man ngunit katulad kong
kabataan ay ito'y nakayanan. Ang edukasyon ay isang susi upang ating matupad
ang ating mga pangarap sa buhay.

You might also like