You are on page 1of 3

NAME: 12 ABM

PAKSA: EDUKASYON: SOLUSYON SA KAHIRAPAN

Edukasyon ang sagot sa kahirapan ng sinumang naghahangad ng magandang kinabukasan,


sapagkat ang pagkakaroon ng sapat na edukasyon ay daan para sa maraming oportunidad at gabay ng
sinuman na nangangarap patungo sa landas na inaasam.
Alam natin na ang edukasyon ang isa sa solusyon ng kahirapan na ating dinaranas ngayon,
aminin man natin o hindi mas nakakaangat ang mga may pinag-aralan kung saan malayo ito sa
madaya’t hindi pantay na turing ng karamihan. Halimbawa, sa paghahanap ng trabaho na mas
binibigyang pansin ang mga nakapagtapos kaysa sa hindi nakapagtapos kaya karamihan sa kabataan ay
sa mababang tingin ng lipunan napupunta.
Marami rin ang mga magulang na umaasa lang sa tulong ng gobyerno, mga batang
namamalimos para may makain, mga nagpapanggap na may kapansanan para magkapera, mga taong
gumagawa ng katiwalian para makisabay sa agos ng buhay, mga iskwater na isa sa problema ng mga
nasa mataas na antas at mga kabataan na ang pag-aasawa ang nakikitang solusyon para makaiwas sa
mga pasanin at kahirapan sa buhay. Ang mga ito’y walang katapusanh problema ng ating bansa.
Totoo nga na isang kapansanan ang kahirapan lalo na kung wala kang pinag-aral sa
kadahilanang napag-iiwanan ng pagkakataon, panahon at kakayahan kaya sa lansangan ang
kinahantungan na nagiging bunga ng kababaan ng ating ekonomiya. Maging ang tingin ng iba’y
napakababa dahil sa kawalan ng pag-asa sa ating bansa.
Mga mahal kong magulang, lagi natin tatandaan na hindi dahilan ang kahirapan para hindi makapag-
aral ang inyong mga anak, lahat ng bagay ay pinaghihirapan, at lalong hindi kailanman magiging
tadhana ang kahirapan. Ang buhay ng inyong mga anak sa hinaharap ay nakasalalay sa inyong gabay,
kung ano ang inyong mga  pananaw at gusto ninyong panindigan sa buhay. Wag niyong hayaan na ang
inyong kahinaan ang maging dahilan ng inyong kasadlakan sa kadukhaan ng inyong mga pamilya, wag
ninyong payagan na maranasan nila ang buhay na hindi patas na trato dahilan ng kamangmangan dulot
ng inyong nakikita na hindi kayang ipaliwanag at naririnig na hindi maintindihan.

Sa mga kapwa kong kabataan, sisihin man ninyo ang inyong mga magulang kung bakit kayo
ipinanganak at lumaking mahirap basta’t wag ninyong ibintang sa kanila ang iyong  kasalanan kung
bakit mamamatay kang mahirap.
BALANGKAS:

Paksa: EDUKASYON: SOLUSYON SA KAHIRAPAN


I. Pambungad
ATHENA JANSSEN M. DELA TORRE
 Isinilang noong ika-anim ng Nobyembre noongtaong 1999 sa bayan ng Baler, probinsiya ng
Aurora. Siya ay nakapagtapos ng ika-labindalawang baitang sa sekondarya ng Aurora National
Science High School. At nakapag-aral ng primaryang edukasyon sa Paaralang Sentral ng
Dipaculao na kung saan siya aynakatanggap ng Ikalawang Karangalan bilang isang estudyante
ng ikaanim na baitang. Isa rinsiya sa mga napasali ng patimpalak sa Sipnayan (MTAP) at
lumahok bilang represebtatibo sarehiyonal na lebel ng nasabing
 Math Contest
noong siya ay nasa ikaanim na baitang
.
 Kasapi
rin siya sa mga lumahok ng Aurora Historical Quiz Bee noong siya’y nasa ikaapat na baitang
at nakakuha ng ikatlong karangalan sa patimpalak. Siya ay isa ring
contestant 
 ng ScienceQuiz Bee noong siya ay nasa ikaapat hanggang ikaanim na baitang na kung saan
nakamit angunang karangalan ng siya ay nasa ikaapat at ikalimang baitang, at ikatlong
karangalan namannang siya ay nasa ikaanim na baitang na lahat ay
 Division Level.
Kasalukuyang nag-aaral ngika-labindalawang baitang sa Aurora National Science High School
at naghahandang kumuhang
entrance exam
sa Unibersidad ng Pilipinas at
 Polytechnic University of the Philippines.

You might also like