You are on page 1of 4

Ormoc City: The City of Beautiful People

Isa sa mga panmalakihang kompetisyon na ipinapatupad ng Kagawaran ng Edukasyon ay


ang Athletic meets. Sinasalihan ito ng mga estudyanteng entusyalistiko sa palakasan. Mula sa
school level kung saan kinukuha ang mga estudyanteng idadayo sa kanilang partikular na sport,
dadaan ang mga atletang mag-aaral sa napakaraming antas ng athletic meet hanggang maabot ang
rurok ng paghihirap-ang Palarong Pambansa.

Isa ako sa mga atletang represanti ng Catarman National High School sa nakalipas na
limang taon. Sa kadahilanang ako ay payat at masasaktin, ipinakilala sa akin ng tiyuhin ko ang
larong ahedres at diyan patuloy na umiikot ang kalahati ng mundo ko. Mula sa aking ikapitong
baiting hanggang sa ngayon ay patuloy kong hinahawakan ang titulo bilang Chess champion ng
mataas na paaralan ng Catarman. Dinayo ko ang mga athletic meets sa iba’t bang antas ng
Probinsiya at sa awa ng May-kapal, ako ang palaging nagwawagi. Sa kasamaang palad, sa EVRAA
o Eastern Visayas Regional Athletic Association meet lang ako nakatuntun. Ngunit kahit umuwing
luhaan, dala ko ang masasayang karanasan na di kalianma’y malilimutan.

Noong nakaraang taon, school year 2018-


2019, isa ako sa mga taga Catarman National High
School na nag-uwi ng mga medalya sa palarong
panlalawigan. Tradiyon na ng mga wagi ang pagdalo
sa isang buwan na training bago isabak sa EVRAA
meet. Pagud at tuwang tuwa, pagkatapos ng
napakahabang training, nilisan ko kasama ang aking
coach na si ginoong Troy Niño Somoray at board 2
na si Mario Gil Lutao ang bayan ng Pambujan-
ginanap ang isang buwang insayo- para pumunta sa
lugar ng kaganapan ng EVRAA meet, ang siyudad ng
Ormoc, noong ikalawang araw ng Abril sa nakalipas
na taon. Mula sa kanan: Ako; Mario Gil Lutao; at Troy Niño Somoray
Puyat, napuntahan naming lahat ang
siyudad ng Ormoc mga oras ng madaling araw
na noong Abril 2, limang araw bago ang
pagbubukas ng kompetisyon. Upang makasulit
na rin sa pagud at mga karanasan, nilibot
naming ang Ormoc bago ang pagbubukas.
Pumunta kami sa Sm, Robinsons mal, at iba pa.
Kasama naming ang coach ng Elementary girls
na si ginoong Albert Salazar. Mula sa kanan: Troy; Mario; Albert; at Ako

Makalipas ang ilang araw, araw na ng pagbubukas ng kompetisyon. Kasama ang lahat na
Dibisyon ng Region 8, nilibot naming ang sentro ng Ormoc sa paraan ng parade. Bagamat
napakainit, bawi narin kami sa saya at karanasan habang nakikita naming ang mga masasayang
stranghero na mga tgaa-Ormoc. Idagdag pa ang huling parte ng pagbubukas noong narrating na
naming ang Ormoc Superdome na kung saan ay nag-umpisa ang seremonya.

Bilang tradisyon, pagdating namin sa venue, sinayaw naming ang EVRAA dance meet at
pagkatapos ay nagsiupoan ang lahat sa gilid ng field. Labis ang pagkawili naming sa mga pasabog
ng pagbubukas. Mayroong mga taong nakaparachute na nagsky diving, mga personalidad na
kumanta katulad ni Rigie Turtugo, at higit sa lahat mga fireworks. Pagkatapos ng kaganapan,
opisyal nan gang nagsimula ang kompetisyon kinabukasan.

Sa ikatlong larawan, mula kanan; Kenneth Cris Alican Donoga; Mario Gil Lutao; Ako; At Albert Salazar
Kinabukasan, nagsimula ang Chess competition. Tumagal ang kompetisyon ng tatlong
araw. Ang unang araw ay para sa Blitz rounds at ang pangalawa at pangatlong araw naman ay para
sa standard, kung saan kukunin ang dalawang magrerepresenta sa chess sa Palarong Pambansa. Sa
Blitz, ako ay nakasungkit ng pilak at wala sa standard. Pangalawa ako sa Blitz at pang-apat naman
sa standard.

Mula kanan: TM Samuel Porlage; Leyte, Prince Mella; At ako

Mula Kanan: Troy; Ako; Baybay City, Remegio Galenzoga; At Catbalogan, Vinz Lapora

Umuwi man na hindi bitbit ang kampeonato, punong puno naman ang aking mga nalaman
at karanasan. Sa bayan ng Ormoc, bagamat kunti lang ang aking naobserba, napansin kong iba ang
kanilang lenggwahe kumpara sa atin-Bisaya. Nakita ko kung gaano kaunlad ang kanilang lugar.
Mura ang mga bilihin, naaayon ang pamasahe sa tricycle sa kung anu ang sinasaad ng gobyerno,
mababait ang mga tao, at higit sa lahat, maayos ang pamamalakad ng kanilang gobyerno at kalakip
nito ang respeto at disiplina ng mga naninirahan.
Lakbay
Sanaysay

Ipinasa ni:

Franco Raphael Tido

Ipinasa kay:

Analiza Castello

You might also like