You are on page 1of 5

Youth Entreprenuership Summit

Ni: Rose Marie C. Latorino

(2nd Draft)

Isang Youth Entreprenuership Summit ang naganap sa Navotas Sports Complex


na dinaluhan ng mga mag-aaral mula sa iba’t-ibang paaralan sa lungsod ng Navotas na
kinabibilangan ng mga mag-aaral sa Navotas Polytechnic College ganap na ika-8 ng
umaga hanggang ika-3 ng hapon Nobyembre 17 taong 2018.

Ang nasabing summit ay dinaluhan ng mga panauhing pandangal na naging


matagumapay sa larangan ng pagnenegosyo. Kaakibat nito ang kanilang pagbabahagi
ng kanilang mga karanasan patungkol sa matagumpay nilang negosyo upang
magsilbing inspirasyon sa mga kabataan na dumalo sa pagpupulong. Ang mga
panuhing pandangal ay sina Vice Mayor Clint Geronomo, konsehal Dondon De
Guzman, Jace Dela Cruz na siyang may-ari ng Ellah’s Cafe’, Eli’s Foodhouse at Ellah’s
Xyber Play. Kabilang rin dito si ginoong Jefferson Valencia na siyang may-ari ng
Ebenezer Farm.

Matapos ang bawat makabuluhang segundo ng pagsasalita ng mga panauhin ,


isang natatanging bilang ang inihandong ng mga Navotas Art Scholars na si Christin
Angela Frias na naghandong ng isang madamdaming pag-awit at ang mga Navotas Art
Scholar dancers na naghandog ng makapukaw damdamin na pagsasayaw.

Upang mapanatiling gisinga ang diwa ng bawat dumalong mag-aral, naghandog


ng mga awitin ang mga mag-aral ng Navotas Polytechnic College. Namutawi ang
sigawan at kantahan sa Navotas Sport Complex. Kasunod nito ay ang pagsasagawa ng
“demo” patungkol sa mga lutuing maaaring gawing negosyo tulad ng pagluluto ng
pancake, waffle, at polvoron na pinangunahan ng mga kawani ng lungsod ng Navotas.

Ang pagpupulong sa napagkasunduang programa ay pinasimulan sa


pamamagitan ng isang awit na handog ng Npc Choral na sinundan namn ng
panalangin.
Youth Entreprenuership Summit

By: Rose Marie C. Latorino

(1st Draft)

Youth Entrepreneurship Summit has been conducted at the Navotas Sports


Complex attended by the students came from different schools which the students of
Navotas Polytechnic College are included at 8 am to 3 pm November 17, 2018.

The summit was attended by guests who have been involved in the business
field. They inspired students through sharing their successful journey in the field of
business. The special guests are Vice Mayor Clint Geronomo, councilor Dondon De
Guzman, Jace Dela Cruz, owner of Ellah's Cafe ', Eli's Foodhouse and Ellah's Xyber
Play. It also includes Mr. Jefferson Valencia, the owner of Ebenezer Farm.

After the significant messages of the guests’ speakers, the Navotas Art Scholar
Christin Angela Frias gave a intermission number which is singing and the Navotas Art
Scholar dancers performed a dance number..

To make the crowd a live, the students of the Navotas Polytechnic College had
their singing intermission number followed by the demonstration of business-oriented
cuisine such as pancake, waffle, and polvoron cooked by Navotas city staff.

The conference started by song offerd by the Navotas Polytechnic Choral


followed by the prayer led by one of the employee of Navoas City.
KATIG Staff Artrist, Nagkampyon

Ni: Rose Marie c. Latorino

(2nd Draft)

Nakamit ang rurok ng tagumapay sa larangan ng pagpinta ang isang Katig staff
na si Almario Demin Tangalin (4-C BSBA Marketing) nang siya ay magwaging kampyon
sa katatapos na patimpalak ng Shell National Student Artist Comepetition na may
temang “ Perspective” noong ika-12 Nobyembre taong 2018 sa Ayala Museum.

Tunay na kahanga-hanga ang pinakitang talento ng isang NPCian. “Minsan kasi


naranasan ko ng ma-judge, so pinakita ko sa painting yung mismong ako, doon ko
nailalabas ang lahat ng emosyon ko, kumabaga sa society kasi ngayon big deal kasi
yung kapag tinignan ka ng isang tao, minsan doon sila nagbe-base sa pisikal minsan di
nila alam yung difference ng stories nato”,ilan lamang iyan sa mga rason sa likod ng
kanyang obra maestra. Isang bagay ang kanyang natutunan sa kanyang pagpipinta “
Dapat wag nating iju-judge yung tao, hindi naman natin alam yung story nito”.

Isa sa mga naging inspirasyon ni Almario ay ang kanyang pamilya. Ang bawat
kanyang pagpinta ay may kaakibat na pagpupursige upang matulungan ang kanyang
pamilya . “Gusto ko kasi maiangat pamilya ko Lalo't hindi na kami sinusuportahan ng
aming tatay sa kadahilanan may iba na siyang kinakasamang babae sa buhay”. Bukod
pa rito, ninais nya ring maging isang magaling at sakit na pintor kung kaya’t sya ay
buong pusong nagsisikap sumali sa mga patimpalak.

Kasama ni Alamario sa paglahok sa patimpalak ang dalawang butihing guro ng


institusyon na sina Gng. Emy Corpuz at Gng. Alcantara. Sila ang gumabay sa kanya
upang makasali na nasabing patimpalak.

Siya tumanggap ng Cash prize na nagkakahalaga ng 60 libong piso at 20 libong


piso para sa institusyon, art materials na nagkakahalaga ng limang libong piso, plaque
at medalya. Isang kahanga-hangang tagumpay kung maituturin ang pagkapanalo ni
Almario sa mahigit 400 na kalahok. ”. Isa lamang itong patunay na ang mga Npcians ay
kayang makipagsabayan sa iba’t-ibang kolehiyo pribado man o pampubliko sa rehiyon.
Ginoo at Binibining NPC 2018

Ni: Rose Marie C. Latorino

(1st Draft)

Kinoronahan bilang Ginoo at Binibining NPC 2018 na sina Apple Grace Gepana
ng TORCH at Gad Ocampo ng ICS noong ika-28 taong 2018 sa bakuran ng Navotas
Polytechnic College bilang bahagu ng ika-24 na anibersaryo ng pagkakatatag ng
nasabing paaralan.

Sa nasabing patimpalak ng mga naggagandahan dilag at mga matipunong


binata sa paaralan, nagwagi bilang 1st runner up siAngelika Lubat mula sa
organisasyon mg BOSSES na siyanv nagkamit ng ilang natatanging parangal tulad ng
Best in Talent, People’s Choice Award at Best in Formal Wear.Para naman sa 1st
runner up nakamit ng binatang si John Loyd Otic ng TOtRCH . Para naman 2nd runner
up ay sina Jameson Yoshida ng TOFAS at Jamielene Rose Onato ng UBAS. Nagkamit
naman ng 3rd runners up sino Raymond Gigawin ng UBAS at Altrin Sildora ng ICS na
siyang nagkamit ng minor awards na MS. Photogenic. Nasungkit na nina Arven Tan
Orro ng BOSSES ang 4th runners up na siyang tumanggap ng mga natatanging
parangal tulad ng Best in Talent , Best in Summer Wear at People’s Choice Award.
Nagwagi din bilang 4th runners up si Jovielyn Castillano ng TOFAS na siyang nagkamit
ng Ms. Congeniality.

Bukod sa koronang natanggap ng nga hinirang na Ginoo at Binibining NpC 2018,


sila rin ay nagkamit ng mga natatanging parangal tulad ng Best in Theme Wear, Best in
Summer Wear na nakamit ni Bb. NpC 2018 na si Apple Grace Gepana ng TORCH.
Para naman sa natatanging parangal ni Ginoong NPC 2018 na siyang nagkamit ng
Best in Theme Wear, Best in Formal Wear, Best in Casual Wear , Mr. Congeniality at
Mr. Photogenic.

Tunay ngang isang tagumpag kung maituturin sa mga hinirang ang kanilang
nakamit kung kaya’t sila nag-iwan ng isang makabuluhang mensahe. “To all of my
fellow students, all of us have the capability to be a beauty queen or Ms. NPC, believe
and trust in yourself. Motivate yourself from the negative words thoughts of others
instead of destracting yourself because of them” mensahe mula sa Binibining NPC
2018. “Sa mga sasali ng ganitong klaseng contest enjoy nyo lang and be confident and
happy” mensahe mula sa Ginoong NPC 2018. Hindi hihirangin. Ang mga nagwagi kung
hindi dahik sa panahon na ginugol ng mga hurado na sina Bb. Rhiana Teodoso, G.
David Yu, G. Ernifer Cosmiano, Bb. Reygiena Serano at ang kinatawan ng NPC
Canteen. Isang ring malaking tulong kung maituturin ng nga sponsors tulad ng
Michaela, TNT-Smart, Taperware , Npc Canteen , Avon at Jollibee. Ang patinpalak ay
nagsimula sa panalangin sumunod ay ang pangbungad na salita ni——— at sinundan
ng nasyonalismong pag-awit. Ang patimapalak ay matiwasay na naidaos bilang
pagdiriwang ng anibersaryo ng institusyon.

You might also like