You are on page 1of 1

ABSTRAK

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa epekto ng mga dayuhan sa kasalukuyang


sining ng pagtatanghal sa Cagayan de Oro. Ang pananaliksik ay nasa uring deskriptibo.
Sa pagkolekta ng mga datos, ang mga mananaliksik ay gumamit ng subjective
interview, kung saan tatanungin ang mga repondente sa kanilang opinyon batay sa
paksa ng pananaliksik na hindi nalalabag ang kanilang privacy. Ang respondente ng
pananaliksik ay ang mga mag-aaral na nasa ikalabing-isa at ikalabing-dalawang
baitang ng unang semester ng Xavier University – Ateneo de Cagayan Senior High
School, lungsod ng Cagayan de Oro, taong panuruan 2018-2019. Ang pananaliksik ay
may tatlong layunin: una, kilalanin ang pinag-kaiba ng kasalukuyang sining
pagtatanghal ng Cagayan de Oro sa nakaraan sa larangan ng sayaw, awit, at dula.
Ikalawa, malaman ang mga kontribusyon ng mga dayuhan sa mga pagbabago sa sining
pagtatanghal. Ikatlo at panghuli, malaman ang mga positibo at negatibong epekto ng
mga pagbabagong dulot ng mga dayuhan sa ating sining pagtatanghal, kultura at
pagkakakilanlan, at pambansang kaunlaran.
Natuklasan ng mga mag-aaral na karamihan sa mga respondente ang
nagsasabing malaki ang epekto ng pagbabago ng sining pagtatanghal dulot ng mga
dayuhan. Kalakip ditto ang mga pagbabago sa tema ng sayaw; ngayon ito ay
nakapokus na sa kulturang dayuhan gaya ng hiphop. Sa perspekto ng awit, unti-unti
nang nawawala ang mga gawang Pilipinong kanta sapagkat ang kantang banyaga na
ang nangingibabaw at palaging binibigyang pansin. Sa dula naman, kahit sinong babae
o lalaki ay maaring maging aktor, kahit na anong edad, basta’t nakapasok sa audition.
Marami na ring makabagong teknolohiya ang ginagamit sa pagkasatuparan ng isang
dula. Ang pananamit, estilo o tema, at lengguwaheng ginamit ay ilan lang sa mga
impluwensya ng dayuhan na na-obserbahan sa pagsasaliksik na nakakaapekto sa
sining pagtatanghal. Ang mga positibing epekto naman ng dayuhan ay ang pagtaas ng
kalidad ng sining sapagkat ito ay nakaka-angkop sa globalisasyon at mas modernisado.
Ito ay magiging dahilan na mas makilala ang sining ng Cagayan de Oro. Ito rin ay
nakatulong upang mas mahugis pa ang identidad ng lungsod. Ngunit may negatibong
epekto rin ang mga ito gaya ng pagkawala ng sariling imahe ng lungsod dahil sa labis
na pagdepende sa mga dayuhan. At huli, unti-unti na nating nakalimutan ang
pagtangkilik ng sarili nating kultura at ang pagiging orihinal ng ating kultura.
Bilang pangunahing makakapakinabang, inirerekomenda ng mga mananaliksik
sa mga pag-aaral na mas bigyang importansya ang ating sariling kultura. Hindi naman
masama ang pagpapahalaga ang ibang kultura, ngunit sana huwag kalimutan ang
sariling-atin, lalo nasa larangan ng sining pagtatanghal. Para sa mga guro ng Xavier
University, lalo na sa departamento ng Social Science and Arts, taos pusong
inirerekomenda ng mga mananaliksik ang pananaliksik na papel na ito upang gawing
basehan sa pagtuturo ng sinaunang kultura ng mga Mindanaoan patungkol sa sining ng
pagtatanghal. Para sa susunod na mananaliksik, inirerekomenda na gawing batayan
ang mga nakalap na datos para sa mas malalim pang-pagdiskubre ng mga
impluwensya ng mga dayuhan ng nakakaapekto sa ating sining pagtatanghal.

You might also like