You are on page 1of 3

MGA PANANAW SA PAGBABALIK NG SISTEMA NG BAYBAYIN SA PAG-AARAL NG MGA

ESTUDYANTE

Rasyunal

Ang mga bansa sa mundo ay may kanya - kanyang kultura, lugar, pagkakakilanlan. May sariling
pamamaraan ng pamumuhay sa araw - araw, paniniwala, paraan sa pagkatuto at may sariling paraan ng
pagbasa at pagsulat. Biyaya ng kultra at ng kasaysayan ang linggwahe at paraan ng pagsulat. Pero sa
paglipas ng panahon, dahil sa kolonisasyon at pagiging moderno, unti - unting nawawala ang mga
biyayang ito sa atin at napapaltan na ng kulturang popular. Ang baybayin ang pinaniniwalaang lumang
sistemang panulat ng mga Pilipino hindi lamang para makipag komunikasyon sa isa't isa kundi makita rin
nila ang kanilang mga paniniwala sa ng pagbaybay ng mga salita. Ito ay silabiko kung baybayin. Ginamit
ang baybayin sa Luzon, Palawan, Mindoro, Pangasinan sa hilaga, Ilocos, Panay, Leyte at Iloilo. Walang
matibay na batayan na umabot ang baybayin sa dakong Mindanao. Ayon din sa ilang artifacts na nakita sa
bansa, ang Manunggul Jars, Angono Petroglyphs at Laguna Copperplate Inscription ay nais nitong
suportahan na ang Baybayin ay likas sa ating bansa.

Napapansin ngayon sa social media, sa internet ang pagbabalik ng baybayin sa ating panahon ng
teknolohiya. Karamihan ay may mga Baybayin Keyboards at Baybayin Tattoos at ano pang bagay na nag
uugnay sa Baybayin. Mayroon ding mga websites na layuning manatili sa atin ang pagpapahalaga ng
Baybayin. Dahil madalas gumamit ang mga Pilipino ng makabagong teknolohiya, malaking hakbang na
maisama sa modernong imbensyon upang maipakita ang kultura ng Pilipinas sa mundo (Wenke,
2019).Dapat lamang pag - aralan mga mag - aaral ang ganitong klase ng pagsulat. Hindi lamang sa oras
kundi upang magkaroon tayo ng damdaming pagka Pilipino at pagpapahalaga sa ating kasaysayan at
kultura.

Pangunahing Layunin

Ang pangkalahatang layunin ay malaman ang mga pananaw sa pagbabalik ng sistema ng baybayin sa
pagaaral ng mga estudyante.

Mga tiyak na Layunin ay:

1. Malaman ang mga tiyak na pananaw ng mga estudyante sa paggamit ng baybayin;


2. Ang magiging epekto nito sa pagaaral at mga hakbang na gagawin upang matutunan ito;
3. Upang malaman ang magiging problema na kakaharapin at upang magbigayan ito ng solusyon.
Paglalarawan sa Metodolohiya ng Pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay gagamit ng deskriptibong o palarawang pamamaraan sa pagsuri ng


datos at impormasyon na makakalap. Ang mga mananaliksik ay gumawa ng mga talatanungan o "survey
form" na gagamitin sa pagbuo ng disenyo ng pananaliksik, at sasagutan ng mga napiling respondents.
Dito nakasaad ang mga ilang tanong patungkol sa kanilang mga pananaw sa napiling paksa. Ang mga
respondents ay mga mag-aaral na nasa unang taon ng kursong Engineering sa Laguna State Polytechnic
University-San Pablo City Campus. Ang mga mananaliksik ay gagamit ng random sampling sa pagpili ng
Limangpu (50) na magiging respondents na kakatawan sa pagaaral na ito.

Mga Kaugnay na Literatura

Ayon kay Vaz (2018), ang baybayin ang magbibigay pagkakakilanlan sa ating bansa. Kung ang
ibang mga bansa ay may kanya kanyang paraan ng pagsulat, nararapat lamang na pati ang mga Pilipino
ay mayroon din. Kung natatangkilik nating mga Pilipino ang "K-pop" at "K-drama" ng Korea bakit hindi
rin natin tangkilikin ang baybayin na sariling atin.

Marahil napapansin natin sa social media sa internet ang pagbabalik ng baybayin sa ating
kamalayan ng panahon ng teknolohiya. Ginagamit ito pangdisenyo sa mga t-shirts at maging caption sa
mga posts at may mga inklinasyon na tanggalin na ito bilang isang kultural na konteksto at gawing
aesthetic artifact na lamang. Nakatawag pansin naman sa mga kabataan ang inilunsad na Baybayin
Keyboard na mas nakakapagpadali ng pagtitipa ng mga titik at salita sa baybayin (Sartorio,2017).

Ayong kay Torres (2017), sa isang panayam sa Varsitarian na hindi magiging madaling ibalik ang
Baybayin sapagkat ilang siglo na ang lumipas mula noong huli itong gamitin nang malawakan. Sa
madaling salita, hindi na ito makasasabay sa daloy ng modernisasyon.

Nailatag na ang pundasyon. Noong 2016, naisumite nang muli ang House Bill 1018 ni Leopoldo
Bataoil at Senate Bill 433 ni Senator Loren Legarda (House Bill no. 4395 at Senate Bill 1899 o National
Script Act of 2011) na magtatakda na opisyal na ibalik na muli ang Baybayin. Sa aking palagay, ang
pagkakaantala sa opisina ng CCC at CEAC sa senado ay dahil na rin sa mga hindi makatotohanang
panukala na hinihiling sa Bill at kakulangan ng recomendasyon sa proseso ng pagpapatupad nito.

Dahan-dahang nabaon sa limot ang ating sariling sulat sa ilalim ng mga kastila sa loob ng halos
apat na raang taon. At ang ating salita ay nanganganib na sumunod na mawala sa paglaganap ng English
bilang pangunahing wika sa internet at patuloy na globalisasyon. Kayat bago pa tuluyang humina
hanggang sa mawala ang ating wika, halina’t buhayin natin ang gintong pamanang ito ng ating mga
ninuno (Mercene,2018)

Mga kaugnay na pananaliksik

1.Garcia,C.,Gonzales, A.,atpb (2019) Isang pag-aaral tungkol sa perspektibo ng mga estudyante (jhs) ng
pamantasan ng silangan sa pagpapatupad ng pag-aaral at paggamit ng baybayin.

2. Ballaran,J.,(2016) Katanggapan ng Baybaying PUP (Panulat ng Unang Pilipino) sa mga Guro sa


Mataas na Pampublikong Paaralan sa Lungsod ng Naga, Camarines Sur.

3. Framil,D.,Francisco,J.,Gonzales,J,.(zzzz) Pag-aaral ng mga dahilan kung bakit hindi naging Baybayin


ang panulat sa Pilipinas.

4.

5.

Sanggunian:

Villacruz,C., & Villena,S.,(2016) Konseptong Papel sa Filipino 2.Retrieved from


https://www.academia.edu/11514853/konseptong_papel

Sadia, Winowa S. (2017). Muling paggamit ng baybayin, dapat bang pag-ibayuhin? Retrieved from
https://varsitarian.net/filipino/20170831/muling-paggamit-ng- baybayin-dapat-bang-pag-
ibayuhin.

Vaz, Arvill. (2018). "Baybayin" bilang pangunahing pamamaraan ng pagsulat sa


pilipinas. Retrieved from https://steemit.com/tagalogsanaysay/@llivrazav/
baybayin-bilang-pangunahing-pamamaraan-ng-pagsulat-sa-pilipinas-orsanaysay.

Sartorio,T.,(2017). Pagkilala sa baybayin. Retrieved from https://www.philstar.com/lifestyle/young-


star/2017/08/24/1732304/pagkilala-sa baybayin?
fbclid=IwAR3A5P1xoRsS2o1RJkBqO1pA0zg63cg5pz3KKeXRbSc2jVs3n9xy0Ai60jQ

You might also like