You are on page 1of 63

Pahina |1

KABANATA I:
ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO
Introduksyon
Sinabi ni Gavino (2012) na ang Baybayin ay ang sinaunang pamamaraan
ng pagsulat ng mga katutubong Pilipino. Isa itong uri ng syllabary, hindi alpabeto.
Ang kaibahan ng alpabeto at syllabary ay sa pagbuo ng mga salita sa pagsulat.
Sa alpabeto, ang mga simbolo ay kumakatawan ng mga tunog. Pinagsasama
ang mga tunong para makabuo ng pantig. Pinagsasama ang mga pantig para
makabuo ng salita. Sa syllabary, ang mga simbolo ay kumakatawan na mga
pantig na mayroon sa ating wika. Pinagsasama ang mga pantig sa pagbubuo ng
salita (Gavino, 2012).

Ayon sa ilang lokal at banyagang pag-aaral ng sinaunang pagsulat dito sa


Pilipinas, tinatayang higit isang daang taon nang ginagamit ang baybayin sa iba't
ibang pulo ng Pilipinas bago pa man dumating ang mga Kastila noong 1521
(National Museum of The Philippines). Noong panahon ng mga Kastila, unti-
unting nawala ang kakayahan at interes ng mga katutubong Pilipino sa pagsulat
ng Baybayin. Ang mga posibleng dahilan ay; (1) mas praktikal matutong
magsulat sa paraang Kastila; (2) dahil Espanyol na ang pangunahing wika ng
pamahalaan at ng mga mayayaman; (3) wala nang oras maturo ang katutubong
kultura sa susunod na henerasyon dahil sa dami ng buwis na ipinapataw.
Nagkaroon ng bagong interes sa baybayin ang mga Pilipino at makikita ito sa
larangan ng sining tulad ng pagpipinta, tattoo, graffiti, at iba pa (Gavino, 2012).

Ang pangunahing dahilan para sa panukalang ito ay malaman ang mga


opinyon ng mga mag-aaral sa pagtuturo at pagmumungkahi sa baybayin bilang
ang bagong sistema ng pagsulat ng Filipinas. Ang nais ng pananaliksik na ito ay
mabigay deskripsyon sa mga pananaw ng mga respondente. Ang paksang ito ay
mahalaga dahil sa panahon ngayon, ang mga Pilipino ay naniniwala na may mas
mahalaga ang mga bagay na gawa ng mga banyaga. Uso na ang globalisasyon
ngunit nakakalimutan na natin ang sariling atin.

Ikaapat na pangkat/ STEM-11/ Ikalawang Semester/ T.P. 2016 – 2017


Pahina |2

Isa sa mga layunin ng panukalang ito ay ang pagbibigay kahalagahan sa


kulturang Pilipino at paano natin ito pangangalagaan. Karamihan ng mga Pilipino
ngayon ay hindi alam ang pinagkaiba ng Baybayin mula sa Alibata. "Bayang
walang budhi; bansang walang Kalayaan; ang lahat ng taglay ninyo'y pawang
hiram, sampu ng iyong kasiraan" (Rizal, 1997). Matatawag pa ba tayong tunay
na malaya kung hindi tayo makatakas mula sa lilim ng anino ng ating
mananakop?

Iniisip ng mga Pilipino na sa pagsasalita ng matatas na Ingles, sila ay


nabibigyan ng imahe ng isang mayaman at edukadong tao. Paano nga naman
hindi nila iisipin iyon kung binibigyan pansin ng mga paaralan ang
komprehemsibong pagbasa at pagsulat ng Ingles at ang paggamit nito sa araw-
araw na sitwasyon. Ang sistema ng pagsulat natin mismo ay hindi sumasalamin
sa wikang ating kinaginasnan. Tinukoy ni Tanauan (2012) na sa Baybayin,
pareho ang simbolo para sa ra at da. Kaya makikita sa mga salitang Filipino na
pareho ang kahulugan ng marami at madami, rinig o dinig. Ang sariwa ay
magiging sadiwa.

Ang katumbas ng salitang diwa sa Ingles ay spirit o soul. Maraming


kahulugan ang diwa sa wikang Filipino, at madalas katumbas siya ng kamalayan
ay buhay. Ang panlaping sa- ay maaaring maging pang-ukol, alin man ng
pinagmumulan, kasama, o patungo. Samakatuwid, may bagong pagtanaw sa
salitang sariwa. Anuman ang kanyang ilarawan, makikitang ito ay "sariwa mula
sa diwa". Ngunit mahihinuha mo ba ito kung ang salita ay nakasulat sa alpabeto?
Ang paggamit ng baybayin ay nagbibigay ng lalim at pag-unawa sa wikang
Filipino na hindi makikita sa alpabeto. Ang pananaliksik na ito ay naglalayon
upang malaman ang pananaw ng mga mag-aaral hinggil sa Baybayin bilang
isang sistema ng pagsulat sa Pilipinas (Gavino, 2012).

Ikaapat na pangkat/ STEM-11/ Ikalawang Semester/ T.P. 2016 – 2017


Pahina |3

Layunin ng Pag-aaral
Ang bansang may sariling Sistema ng pagsulat ay mayaman, sapagkat ito
ay may sariling pagkakakilanlan at nakikita sa sistemang ito ang kultura ng isang
bansa. Karamihan sa mga bansang sakop ng Timog-Silangang Asya ay mayroon
nang sariling Sistema ng pagsulat kagaya ng Japan, Tsina at ibang karatig
bansa nito. Ang mga mananaliksik ay nais malaman kung ano nga ba ang mga
tumatakbo sa isip ng napiling populasyon kapag pinag-usapan na ang baybayin.
Handa nga ba silang aralin ito upang madagdagan ang kaalaman nila at
matutong magsulat gamit ang baybayin na ginagamit noong bago pa lamang
tayo sakupin ng mga Kastila. Sa pagsasagawa ng pananaliksik na ito
maipapakita kung gaano parin pinapahalagahan ng mga millenials ang kultura ng
ating bansa.

Kung bibigyan ng pagkakataon, mahalagang isama ito sa bagong


kurikulum na K-12 na iniimplementa pa rin ng DepEd sapagkat hindi pa huli
upang idagdag ito dahil hindi pa tapos. Ang mga mag-aaral ng ika-7 baitang o
unang baitang sa mataas na paaralan ay magkakaroon ng dagdag na asignatura
sa kanilang paaralan at ang subject na ito ay tungkol lamang lahat sa baybayin,
simula sa elementaryang aralin ng baybayin hanggang sa pinaka-adbans na
parte ng pag-aaral ng baybayin at ito ay maaaral din pagtungtong nila ng ika-12
na baitang. Sa pamamaraan na ito, madadagdagan ang kaalaman ng mga
Pilipinong estudyante sa Sistema ng pagsulat ng bansa at hindi lamang ang
pagsulat ng alpabetong Ingles.

1. Ano ang magiging ambag ng baybayin sa edukasyon ng mga Pilipino?


2. Ano ang posibleng epekto nito sa mga mag-aaral?
3. Pabor ba ang mga mag-aaral sa ipapatupad na idagdag ang baybayin sa
sistema ng pagsulat ng Filipinas?
4. Sapat ba ang oras na iuukol sa pagtutuo ng baybayin upang mahasa ang
mag-aaral sa paggamit nito?
5. Sapat ba ang lawak ng isip ng mga mag-aaral upang magdagdag pa ng
kaalaman sa baybayin?

Ikaapat na pangkat/ STEM-11/ Ikalawang Semester/ T.P. 2016 – 2017


Pahina |4

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay mahalaga sapagkat malalaman ng aming pangkat


ang mga pananaw ng mga mag-aaral sa mataas na paaralan na pang-agham ng
Taguig na masasabing kritikal at kapaki-pakinabang kung sakaling
mapagdesisyunang ipatupad na ang implementasyon ng baybayin bilang bagong
sistema ng pagsulat. Dahil na rin sa kadahilanang ang sistema ng pagsulat ay
isa sa mga pagkakakilanlan ng isang bansa (kasama ng lengguwahe), itunuon
ng aming pangkat ang paksa ng aming pananaliksik sa pag-aaral ng baybayin.
Ang mga maaaring makinabang sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral, mga
guro sa Filipino, ang bansang Filipinas, mga susunod pang henerasyon ng mga
Pilipino, at ang mga susunod na henerasyon ng mga mananaliksik.

Isa sa mga maaaring makinabang sa nasabing pag-aaral ay ang mga


mag-aaral dahil unang-una, matututuhan nila ang sinaunang sistema ng
pagsulat na dapat sana'y parte ng ating kultura. Bukod sa makadadagdag ito sa
kanilang batis ng kaalaman, mapayayabong din ang kanilang kaalaman sa
baybayin at makikilala nila ang mayamang kultura at kasaysayan ng Filipinas

Ang pangalawa sa maaaring makinabang ay ang mga guro sa Filipino.


Itinuturo ng ating mga guro sa Filipino ang asignatura sa pamamagitan ng mga
hiram na letra na maituturing na salungat sa mga itinuturo nila. Tayo ay mga
Pilipino at dapat tayo ay natututo sa maka-Pilipinong paraan na maaaring
mangyari sa oras na maimplementa ang baybayin bilang dagdag sa sistema ng
pagsulat. Magandang kapakinabangan din ito sa mga guro sapagkat sa mga
guro nakasalalay ang simula ng dagdag pagkakakilanlan ng mga Pilipino.

Ang isa ring maaaring makinabang nito ay walang iba kung hindi ang
sariling bansang Filipinas. Ang pagkakaroon ng sariling sistema ng pagsulat
ay masasabing simbolo ng isang maunlad na bansa at halos lahat ng ating mga
karatig-bansa sa Timog Silangang Asya ay may sariling sistema ng pagsulat.

Ikaapat na pangkat/ STEM-11/ Ikalawang Semester/ T.P. 2016 – 2017


Pahina |5

Ang wika-- pasalita man o pasulat-- ay maituturing bilang kayamanang pinamana


ng mga ninuno, at simbolo ng isang mayamang kultura, kung ito ay naalagaan at
napreserba. Tulad nga ng sinabi ni Celso Al. Carunungan, "ang kabihasnan ng
isang bansa ay nagsisimula sa abakada ng bansang yaon. Alin mang bansang
walang sariling uri ng pagsulat ay maaari nating sabihin na hindi kumpleto ang
kabihasnan” (iii). Sa pamamagitan ng pag-iimplementa ng baybayin bilang
dagdag sa sistema ng pagsulat, magkakaroon ng sariling identidad ang mga
Pilipino. Magsisilbi rin itong paalala na mayroon tayong mayamang kultura, at na
niyakap man natin ang kabihasnang dayuhan, hindi pa huli ang lahat upang
payabungin at linangin ang pagkakakilanlan.

Ang pag-aaral ay magiging kapaki-pakinabang sa mga susunod pang


henerasyon ng mga Pilipino. Tulad nga ng mga unang nabanggit, sa kanilang
pagdating ay may pagkakakilanlan na ang Pilipinas sa larangan ng sistema ng
pagsulat. Mas magiging angat at maunlad ang mga susunod na henerasyon.
Hindi na puro dayuhang pagsulat ang kahuhumalingan ng mga Pilipino dahil
mayroon ng sariling sistema ng pagsulat sa pagdating ng panahong yaon.

Panglima, ang mga susunod na henerasyon ng mga mananaliksik.


Marami pang maaaring pag-aaral ang mailunsad ng mga darating na
mananaliksik tulad ng aming grupo sa larangan na ito. Sa tingin namin ay
mapapakinabangan nila at makakatulong ang pag-aaral na ito sa kanila dahil
may mga datos silang maaaring makuha sa aming pananaliksik na magagamit
nila sa kanilang pag-aaral. Magagamit din nila ito bilang sanggunian upang
maiklaro kung mayroon mang pag-aagam-agam sa kanilang sinasaliksik.

Ikaapat na pangkat/ STEM-11/ Ikalawang Semester/ T.P. 2016 – 2017


Pahina |6

Saklaw at Limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay tumatalakay sa mga mag-aaral nasa ika-11 na


baitang at ang kanilang mga pananaw tungkol sa pagpapanukala ng
implementasyon ng baybayin bilang dagdag sa sistema ng pagsulat. Saklaw nito
ang mga maaaring maging epekto ng nasabing panukala sa mga mag-aaral at
kung pabor sila rito. Isinagawa ang pananaliksik sa loob ng Taguig Science High
School (isang iskolar na pambublikong paaralan) na matatagpuan sa Metro
Manila, Taguig City, Brgy. San Miguel. Ang hangganan ng pananaliksik ay mula
Pebrero hanggang Marso sa taong 2017. Taong panuruan 2016-2017. Ang mga
mag-aaral na nasa ika-11 na baitang ang nagsilbing respondente. Nahahati sa
dalawang strand ang buong ika-11 na baitang, ito ay ang STEM at ABM. Ang
STEM strand ay nahahati sa apat na pangkat, samantala ang ABM naman ay
nahahati sa dalawa. Kumuha ang mga mananaliksik ng mga respondente sa
isang pangkat mula sa STEM strand. Ito ay ang STEM-13. Ang mga mag-aaral
sa ika-11 na baitang ay ang mga napiling respondente, sapagkat sila ay
napapabilang sa unang batch ng K-12 at ang mga mag-aaral na ito ay may dati
nang kaalaman tungkol sa baybayin, dahil naituro ito noong ikaunang semestre.

Ang pokus ng pag-aaral ay upang malaman ang mga pananaw ng mga


magaaral na nasa ika-11 na baitang sa paggamit ng baybayin sa pagsulat. Hindi
papalitan ng baybayin ang kasalukuyang ginagamit, bagkus gagawin itong
dagdag sa ating sistema ng pagsulat. Aalamin ng mga mananaliksik kung ano-
ano ang magiging epekto nito sa isang mag-aaral pati narin ang epekto nito sa
buong Filipinas. Maisasagawa ito sa pamamagitan ng pagsasarbey sa mga
respondente ng pangkat. Hindi kasama rito ang mag-aaral na nasa ika-10
baitang at pababa. Hindi rin kasama ang mga nalalabing tatlong pangkat ng
STEM at nalalabing dalawang pangkat naman ng ABM. Ang uri ng baybayin na
isinasaad dito ay ang pangkalahatang baybayin.

Ikaapat na pangkat/ STEM-11/ Ikalawang Semester/ T.P. 2016 – 2017


Pahina |7

Konseptwal na Balangkas

Baybayin bilang Dagdag


sa Sistema ng Pagsulat
ng mga Mag-aaral

Pananaw ng mga Mag-aaral sa ika-11 na


Baitang sa STEM-13 sa Taguig Science
High School

Epekto Ambag ng Kasapa Kapasidad Panig


sa baybayin -tan ng na matuto sa
Mag- sa Oras Isyu
aaral edukasyon

Sarbey

Sang-ayon ang mga


mag-aaral sa STEM-13
sa pagdadag ng babayin
bilang isang sistema ng
pagsulat

Ikaapat na pangkat/ STEM-11/ Ikalawang Semester/ T.P. 2016 – 2017


Pahina |8

Ang pag-aaral na ito ay nakapokus sa pananaw ng mga mag-aaral sa ika-


11 na baitang sa STEM-13 sa Taguig Science High School tungkol sa
pagpapatupad ng Baybayin bilang dagdag sa sistema na pagsulat ng mga mag-
aaral. Nais din malaman ng mga mananaliksik ang pananaw ng mag-aaral
tungkol sa mga ambag na maibibigay ng baybayin sa kurikulum ng paaralan at
kung gaano kahaba dapat ang panahon ng pagturo ng baybayin. Maliban sa
kanilang mga pananaw, nais ding malaman ng mga mananaliksik kung ano-ano
ang mga epekto nito sa mga mag-aaral at sa kanilang kapasid nilang matuto.
Ang ginamit na instrumento sa paggawa ng pag-aaral ay ang pagsasarbey sa
mga mag-aaral ng STEM-13. Sa pamamagitan ng pag-aayos at pag-iinterpret sa
mga resultang nakalap ay nakabuo ng kongklusyon ang mga mananaliksik na
sumasangayon ang mga mag-aaral sa STEM-13 sa pagdadag ng baybayin
bilang isang sistema ng pagsulat.

Ikaapat na pangkat/ STEM-11/ Ikalawang Semester/ T.P. 2016 – 2017


Pahina |9

Depinisyon ng mga Terminolohiya


Ito ang gabay para sa mga mambabasa upang makatulong maintindihan ang
mga salitang nilalaman ng pananaliksik. Ang mga terminolohiyang nakapaloob
dito ay nabigyan ng kahulugan ayon sa paggamit nito sa kanilang mga
pangungusap.

 anino - ang kadiliman o kasamaan ng iisang bagay.


 batis - isang lalagyan o malaking koleksyon ng isang bagay na maaaring
patuloy nadaragdagan.
 dayuhan - nauukol sa ibang bansa kasama na rin ang mga taong nakatira
dito.
 etimolohiya - ang pag-aaral sa mga salita, ang kasaysayan ng pagkabuo
nito at kung ano ano ang iba pang ibig sabihin nito.
 globalisasyon - isang pangyayari o penomenang na tumutukoy sa
tahasang pagbabago ng ekonomiya dulot sa impluwensiya ng iba pang
sistema ng ekonomiya ng ibang bansa.
 hangad - kahilingan o ang ninanais ng isang tao.
 hugis - isang pigura o anyo na maaaring maraming gilid, o walang gilid.
 identidad - ang pagkakakilanlan ng iisang tao, bagay, o hayop.
 imahe - representasyon ng isa o marami pang kaugnay na tao o bagay.
 implementasyon – ang pagpapatupad o pagsasagawa ng isang aksyon na
umaayon sa isang plano, metodo, ideya, at iba pa.
 kabihasnan - ang kultura sa isang lugar
 kanunu-nunuan - ang pinagmulan ng isang tao o bagay na namuhay ng
matagal na panahon na.
 komprehensibo - may kinalaman sa pag-uunawa gamit ang ating isip.
 komunikasyon - ang proseso ng pagbabahagi at pagtatanggap ng
impormasyon na isinasagawa ng dalawa o higit pang tao tungo sa berbal
o di-berbal na aksyon.
 kritikal - pagkakaroon ng malaking epekto at kahalagahan ng iisang
bagay.
 kurikulum – ang pangkalahatang leksyon at mga gawain na ibabahagi sa
mga estudyante sa mga paaralan.
 mapayabong - mapabuti ang kalidad o kalagayan ng isang bagay.
 mistisismo - ang paniniwala na ang pagiging kaisa sa Diyos ay makakamit
tungo sa pagwawari o "meditation"
 paanyaya - isang imbitasyon

Ikaapat na pangkat/ STEM-11/ Ikalawang Semester/ T.P. 2016 – 2017


P a h i n a | 10

 panukala - isang proposisyon sa pagsasagawa o pagpapatupad ng isang


bagay.
 pagpapaunlak - ang pagtanggap o pagsunod sa isang kahilingan o
kagustuhan.
 pumapabor - sumasang-ayon
 silabarya - listahan ng mga titik o letra na nagsisilba bilang mga pantig sa
isang lenggwahe.
 sistema - koleksyon ng mga pamamaraan sa kung papaano gumagana at
dumadaloy ang mga bagay.
 semestre - kalahating taon ng isang taunang klase

KABANATA II:
Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Ikaapat na pangkat/ STEM-11/ Ikalawang Semester/ T.P. 2016 – 2017


P a h i n a | 11

A. Kaugnay na Dokumentaryo
Ang IWitness, na marami nang nauwing parangal mapa-lokal man o
internasyunal, ay isang dokyumentaryong palabas sa GMA na pinangungunahan
ng mga maaasahan at walang kinikilingan na mga mamamahayag na sina Kara
David, Jay Taruc, Howie Severino, Sandra Aguinaldo, at Cesar Apolinario. Ang
layunin ng palabas na ito ay ang mabigyang linaw ang mga katanungan sa isip
ng mga mamamayang Pilipino at ipakita sa mga Pilipino ang mga bagay, tao, o
pangyayari na maaaring lingid pa sa kanilang kaalaman.

Ang dokumentaryo ni Howie Severino na pinamagatang "Itinaga sa Bato"


ay umiikot sa isang malaking tipak ng bato, batong Ticao, na natagpuan sa isang
paaralan sa Monreal, Masbate na sinasabing naglalaman ng mga baybayin o
ang sinaunang sistema ng pagsulat ng mga Pilipino. Binanggit din sa
dokumentaryo ni Dr. Francisco A. Datar na maraming Pilipino na kanyang
nakapanayam ang hindi nakakaalam ng baybayin, at masasabi kong malaking
salik ito para maipatupad ang implementasyon sa aming pag-aaral.

Malaki ang epekto ng dokumentaryong ito sa pag-aaral ng mga


mananaliksik dahil nalaman dito ang mga pananaw ng ilang tao patungkol sa
baybayin. Sa bandang pagtatapos ng dokumentaryo, ipinakita ang isang seminar
kung saan itinuturo ang baybayin sa mga guro sa Quezon, pagkatapos ay
tinanong sa kanila kung ano ang kanilang pananaw – may mga ok naman sa
tingin nila ang pagtuturo ng baybayin sa mga paaralan, at may mga nagsabi
naman na makakagulo ito sa kurikulum at mahirap, at mayroon din namang
nanatiling neutral. Malaking salik din ito sapagkat napag-alaman sa interview ng
isang propesor ng Anthropology sa mga mamamayan sa Rizal ay kakaunti lang
ang nakakaalam ng baybayin. Ang pag-aaral na ito ang magsisilbing magandang
panimula upang wakasan ang kamangmangan ng mga Pilipino sa sariling
kayamanan.

B. Kaugnay na Artikulo

Ikaapat na pangkat/ STEM-11/ Ikalawang Semester/ T.P. 2016 – 2017


P a h i n a | 12

Kung papansinin natin, bakit kaya mas maunlad ang iba? Ano ba ang mga
dahilan kung bakit ito nangyayari? Gaya nga nang sabi nila, dapat pagyamanin
ang sariling atin. Hangga’t hindi natin nagagamit ang sari-sariling kakayahang
mayroon tayo, hindi natin maipapakita ang pinakapotensyal natin gawin ang
isang bagay. Bawat tao ay may kani-kanilang espesyal na kakayahan, dahil hindi
lahat ng tao ay pare-parehas. Kapag natuklasan niya ang kakayahang ito, ito ay
magsisilbing susi upang mabuksan ang pintuan para sa iba’t iba pang
posibilidad.

Isang artikulo na may pamagat “Bagal ng pag-unlad ibinibintang sa Wika”,


ang isinulat ng may akda na nagngangalang Jarius Bondoc, mula sa Pilipino Star
Ngayon noong ika-19 ng Agosto taong 2013. Kung mapapansin natin, karamihan
sa mga maunlad na bansa sa asya ay orihinal ang wikang ginagamit o doon
mismo nagmula. Hindi hiram na wika o nakuha sa ibang bansa. Kapag ang isang
bansa ay malaya sa anumang impluwensiya ng ibang bansa, napapanatili nito
ang sariling kultura na pinagyayaman at ginagamit upang magdulot ng tulong sa
sariling bansa. Ang artikulo na ito ay isang pahayag sa debate tungkol sa papel
na ginagampanan ng wika sa kaunlaran ng ekonomiya at lipunan. Inilinaw ni
Bondoc (2013) ang kaniyang pagpapatibay sa debate sa sumusunod:
Iwawasiwas ng panig na ito ang patuloy na paglubog ng edukasyon. Aba’y
limang pamantasan sa Filipinas na lang, kabilang ang state-run University of the
Philippines, ang napabilang sa 300 pinaka-mahusay sa Asya, sa talaan ng
Quacquarelli Symonds.” “Bukod sa U.P. Sa aking palagay, magkakamali ang
mga kontra-Filipino kung gamitin ang ratings ng QS. Ito’y dahil umangat ang
U.P., na pinaka-masugid sa pagtuturo sa wikang pambansa. Samantala,
bumagsak ang maka-Ingles na Ateneo, UST, at De La Salle. (Bondoc,
Philstar.com)

Nagdulot ng karagdagang kaalaman ang artikulong ito sa aming mga


mananaliksik. Gaya ng binanggit ko sa unang talata, ang pagpapayaman sa sarili
ay ang susi sa iba’t ibang posibilidad. Ang pag-aaral ng sariling sistema ng

Ikaapat na pangkat/ STEM-11/ Ikalawang Semester/ T.P. 2016 – 2017


P a h i n a | 13

pagsulat o baybayin ay magdudulot ng pag-unlad at paglago ng ating ekonomiya


dahil na rin sa pagtatag ng isang tiyak na sistema ng pagsulat at mabibigyang-
diin nito ang ating kultura. Ang mga bansang China, Japan, Taiwan, Korea, at iba
pang bansang may sariling sistema at hindi nakabatay sa sistemang Romano, ay
mga bansang nangunguna sa buong mundo. Kapag pinagyayaman natin ang
pag-aaral ng baybayin, mataas ang posibilidad na sa hinaharap ay
mapapabilang tayo sa mga bansang may mataas na sistema ng edukasyon at
ekonomiya.

Ikaapat na pangkat/ STEM-11/ Ikalawang Semester/ T.P. 2016 – 2017


P a h i n a | 14

C. Kaugnay na Nobela
Kalayaan. Nais makamtam ng bawat Pilipino sa Filipinas ngunit patuloy
paring ginagawa ang mga bagay na hindi kananais nais upang makamtan ang
kalayaang sinasabi. Uhaw sa paghingi ng karapatan ngunit hindi magampanan
ang napakaliit na tungkulin para sa bayan. Nawawalan ng direksyon dahil
patuloy na nagpapasakop ang kaisipan sa mga bagay na hindi naman dapat
pagtuunan pa ng pansin ngunit patuloy paring pinagtuunan at pinapairal. Tayong
mga Pilipino, alam na nga ba natin kung paano makamit ang tunay na kalayaan?
Hindi lamang ito nakukuha sa pagsasaad ng mga katagang “mahal ko ang aking
bayan” ngunit hindi nabibigyan ng sapat na aksyon upang patunayan ito. Kung
tatanungin natin ang ating mga sarili, sapat at tama na nga ba ang aking
ginagawa upang makamit ang kalayaan na matagal nang inaasam ng Filipinas?

Kaugnay dito ang nobelang ginawa ni Dr. Jose Rizal na pinamagatang “El
Filibusterismo” na karugtong ng kanyang unang nobela na Noli Me Tangere. Sa
akda na ito ay tunay na pinapakita ni Rizal ang naglalagablab na hangarin upang
makamit ang kalayaan at karapatan ng ating bayan na sinakop ng mga
Kanluranin. Mistulang naging mga alipin tayo noong dumating ang panahon na
ito at hindi mapigilan na ipahayag ni Rizal ang nararamdaman sa paggamit ng
pagsulat. Ayon kay Rizal (1997), “Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit
pa ang amoy sa mabahong isda.” ito ay isa sa mga kasabihan na ginawa ni Rizal
upang mamulat tayong lahat sa pagpapahalaga ng ating sariling wika. Hindi natin
makakamit ang tunay na kalayaan kung hindi natin sisimulan mahalin ang bayan
nating sinilangan. Kung patuloy lamang na magpapakaalipin tayo sa dayuhan,
wala na ring saysay ang bayang ito sapagkat lumalabas na lahat na lamang ay
hiram, walang budhi at walang kalayaan. Tinukoy ni Rizal (2011) na sa huling
parte ng sipi, ang sinasabi ni Simoun ay parang imbis na dagdagan at aralin ang
wikang Ingles, hindi na lamang magpokus sa wika ng sariling bayan, sa
pamamaaraan na ito ay mas lalong magkakaintindihan kaysa gumamit ng wika
na hindi naman sa atin. Ang yaman ng bansa ay hindi sa salapi nakukuha, pero

Ikaapat na pangkat/ STEM-11/ Ikalawang Semester/ T.P. 2016 – 2017


P a h i n a | 15

sa kung paano alagaan, tangkilikin, payamanin ng mga mamamayan nito. (Rizal


et al, 2011, p.62)

Ang sipi na ito mula sa nobelang El FIlibusterismo ay napakalaking


pamulat sa mga mata ng bawat Pilipino na patuloy paring bulag sa katotohanan
na nangyayari sa bayan lalo na pagdating sa wika at pagsulat. Bilang
namumuhay tayo sa taon kung saan lahat ay parating bago, pati ang kultura
natin ay naaapektuhan na at umabot na sa puntong ito ay natatabunan na. Ang
pagsasalita ba ng Ingles ay maipapakitang mayaman ang ating bansa? Hindi
ba’y parang kahiya hiya naman iyon sapagkat ang dapat lumabas sa ating mga
bibig ay ang wika na talagang sa atin nagmula. Ang pagsulat ng mga alpabeto ay
hindi ganoon kalaking aspeto sapagkat tayo ay nagkakaintindihan pa rin ngunit
naniniwala ako na kailangan ay maipahayag o maipakita pa rin natin sa ibang
bayan na kaya nating tangkilikin ang sarili nating kultura, lalo itong payamanin,
gamitin at pagtuunan ng pansin. Walang masama sa paggamit ng alpabeto
sapagkat lahat naman ng wika at sistema ng pagsulat ay ginagamitan nito. Kung
ang Filipinas ay nakagamit ng sariling sistema ng pagsulat bago pa man tayo
sakupin ng mga dayuhan, hindi rin naman imposible na manumbalik ito ngayo’t
ang bayan natin ay isa nang demokratik.

Ikaapat na pangkat/ STEM-11/ Ikalawang Semester/ T.P. 2016 – 2017


P a h i n a | 16

D. Kaugnay na Maikling Kwento


Naniniwala ang mga mananaliksik na ang kasalukuyang sistema ng
pagsulat ng Pilipinas, ang alpabeto, ay hindi wastong kumakatawan sa wikang
Filipino. Hindi rin nito pinapayaman ang kulturang Pilipino. Hindi nito ipinapalalim
ang pag-unawa ng mga mag-aaral sa salitang kanilang sinusulat at binibigkas.
Walang koneksyon ang pagkakasulat sa salita sa kahulugan mismo ng salita.

Inilinaw ni Tanauan (2012) na sa Baybayin, ang simbolo para sa ra at da


ay iisa. Kaya kapag isinulat ang sariwa ay maaari itong mabasa na sadiwa.
Makikita rin ito sa mga salitang Filipino na pareho ang kahulugan ng marami at
madami, rinig o dinig. Binibigyan ng diin ng awtor ang pagbabago ng riwa
patungo sa diwa. Marami ang maaring maging kahulugan ng salitang diwa. Ito ay
pwedeng tumukoy sa kamalayan at buhay. Kapag ang panlaping sa- ay bibigyan
kahulugan sa pang-ukol na konteksto, ito ay maaring mangahulugang
pinagmumulan, kasama o patungo. Mula rito, ano man ang kanyang inilalarawan
ng salitang sariwa, ito ay nangangahulugang sariwa mula sa diwa. (Gavino,
2012).

Maganda at malaki ang epekto ng maikling kwento sa aming pag-aaral


dahil sumasang-ayon sa teoryang nabanggit ang mga impormasyon mula sa
sandigan na nahanap ng mga mananaliksik. Ang Baybayin ay nagbibigay lalim
sa mga wikang Filipino at makikita ito sa ehemplong binanggit ng awtor ng akda.
Siya ay nagbigay ng bagong kahulugan sa salitang sariwa. Napapayaman din
ang kulturang Pilipino sa paggamit ng Baybayin dahil nabibigyan ng bagong
dimension ang mga simpleng salita na kumakatawan sa mamamayang Pilipino.
Ang Baybayin din ay nagbibigay koneksyon sa mga salitang rin at din na pareho
lamang ang kahulugan.

Ikaapat na pangkat/ STEM-11/ Ikalawang Semester/ T.P. 2016 – 2017


P a h i n a | 17

E. Kaugnay na Tula
Ang tula na ito para sa akin ay patungkol sa mensaheng nais ipabatid ng
manunulat sa mga mamamayan, lalo na sa mga kabataan, tungo sa isang
mahalagang paalala na may kinalaman sa isang problemang ikinakaharap ng
ating bansa sa panahong nagdaan at maaaring sa mga panahong magdadaan
pa. Sa aking pananaw, ang layunin niya sa pagsusulat ng tulang ito ay tumulong
sa mga Pilipino upang magbigay-aksyon sa mga pagkukulang at pagkakamali
nila. Para sa manunulat, ang kahalagahan ng pagmamahal sa ating bayan at sa
ating wika ay isang bagay na nais niyang ipaalam sa lahat ng kaniyang kapwang
Pilipino. Ang kaniyang tula ay ang kaniyang alay para sa mithiing gumawa ng
pagbabagong makatutulong mismo sa ating mga Pilipino.

Ayon kay Rizal (1997), "Ang hindi magmahal sa kanyang salita, mahigit sa
hayop at malansang isda". Walang silbi ang pagmamalaki ng iyong nasyonalidad
kung ang iyong mismong wika ay ikinakahiya mo na. Hindi mo kailangang
ikahiya ang iyong tunay na pinanggalingan at ang iyong pagkamamamayan kaya
hindi mo rin kailangang ikahiya ang iyong wika. Ang ating pagiging makabansa
ay isang malaking salik sa pagkakaisa nating mga Pilipino. Huwag nating
talikuran ang ating bansa, ang ating kultura, at ang ating wika. Dapat ay taas noo
nating iwinawagayway ang ating watawat. Ipagmalaki natin ang ating pangalan
bilang isang patunay ng ating pagmamahal para sa ating bansa.

Malaking ambag ang tulang ito sa pag-aaral na kasalukuyang ginagawa


ng mga mananaliksik dahil hindi maikakaila ang kaugnayan ng tulang ito sa
konsepto ng pagpapahalaga sa ating kultura o wika o ang mga sinaunang
sistema ng ating bansa. Ang ating pagmamahal at pagpapahalaga para sa ating
sariling wika kasama na rin ang mga alpabeto at silabarya ay isang mahalagang
bagay sa pagiging isang tunay na Pilipino. Dapat ipinagmamalaki natin ang ating
sariling gawa. Ang ating kultura ay isang malaking bakas ng ating pagiging
Pilipino, kaya dapat lang natin itong isabuhay at pagyamanin. Mahalin natin ang
ating wika, dahil ito ang sumisimbolo sa ating bansa.

Ikaapat na pangkat/ STEM-11/ Ikalawang Semester/ T.P. 2016 – 2017


P a h i n a | 18

F. Kaugnay na Panayam
Ang aming napiling interbyuwi ay si Gng. Lutch M. Pili, isang guro sa
asignaturang Filipino sa Taguig Science High School. Siya ang napili naming
sapagkat, bukod sa isa siyang guro sa Filipino, siya ay itinuturing naming
relayabol, ang pinaka-abeylabol, at may malawak na kaalaman sa baybayin.
Noong kami ay nasa ika-8 na baitang pa lamang ay natatalakay na niya sa amin
ang baybayin nang pahapyaw.

Tulad ng aking isinulat sa unang talata, malawak ang kaalaman ni Gng.


Pili sa usaping baybayin at nabigyang kasagutan niya ang mga tanong na aming
kailangan upang maidagdag sa aming pag-aaral. Natalakay niya rito na ang
baybayin natin ay ang magdadala sa atin ng dagdag pagkakakilanlan. Kung ang
Hangul kapag nakikita natin ay una nating nasasabi na sa Korea ‘yun, kapag
nakita naman ng ibang lahi ang baybayin ay masasabi nilang sa Filipinas.
Nabanggit niya rin na ang baybayin ngayon ay nakikita lang sa mga barya; kung
tayo ay mga Pilipino at bilang Pilipino ay kasama iyon sa ating pagkakakilanlan,
dapat mas paramihin natin ang pinaggagamitan ng baybayin. Ipinahayag niya rin
ang kanyang pagsang-ayon sa panukalang ito matapos naming tanungin kung
ano ang kanyang panig hinggil sa isyu na ito. Isa rin sa mga sinabi niyang
dahilan kung bakit dapat ituro ang baybayin ay kasi ito nga ay bahagi ng ating
kultura at ang kultura ay hindi dapat kinakalimutan bagkus ay pinagyayaman.

Malaki ang magiging ambag ng panayam na ito sa aming pag-aaral


sapagkat ang aming interbyuwi ay isang guro sa asignaturang Filipino at dagdag
pa roon ay pabor siya sa panukalang ipatupad ang baybayin bilang dagdag sa
ating sistema ng pagsulat. Malaking salik din ang pagbanggit niya na may
naipasa ng bill sa kongreso dahil ang aming pag-aaral ay tungkol sa mga
pananaw ng mag-aaral sa pag-iimplementa ng baybayin. Base sa kanyang mga
naibahaging impormasyon sa aming mga mananaliksik, masasabi kong
magandang simula ang pag-aaral na ito upang maisakatuparan ang pag-
iimplementa ng baybayin sa ating bansa.

Ikaapat na pangkat/ STEM-11/ Ikalawang Semester/ T.P. 2016 – 2017


P a h i n a | 19

KABANATA III:
DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK
A. Disenyo ng Pananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay ayon sa disenyong descriptib-analitik na
pananaliksik. Tinukoy nina Alcaraz, Jocson, at Villafuerte (2005) ang disenyong
ito bilang “isang disenyo ng pangangalap ng mga datos at impormasyon hinggil
sa mga salik o factors na kaugnay ng paksa ng pananaliksik”. Sa pag-aaral na
ito, naglalayon ang mga mananaliksik na makakuha ng mga datos at
impormasyon ukol sa Baybayin mula sa mga mag-aaral na nasa ika-11 baitang
ng Taguig Science High School. Ito ay upang makita ang imahe ng Baybayin sa
mata ng mga kabataan at matukoy kung dapat ba itong matutuhan at gawing
parte ng kurikulum.

Ikaapat na pangkat/ STEM-11/ Ikalawang Semester/ T.P. 2016 – 2017


P a h i n a | 20

B. Respondente
Upang makakalap ng datos na kinakailangan para sa pananaliksik,
nagsilbing respondente ang mga piling mag-aaral ng Taguig Science High
School. Nagmula sa ika-11 na baitang ang mga napiling respondente. Ang ika-11
na baitang ay binubuo ng dalawang strand, STEM at ABM. Ang STEM ay
nahahati sa apat na pangkat, ito ay ang Stem 11, 12, 13, at 14. Ang ABM naman
ay nahahati sa dalawang pangkat, ito ay ang Abm 11 at 12. Ang mga
respondente ay nagmula sa Stem 13, isa sa apat na pangkat ng Stem. Ang Stem
13 ay binubuo ng dalawamput-dalawang mag-aaral (22) na isa-isang binigyan ng
sarbey o kuwestyoner upang makakalap ng mga datos para sa pag-aaral. Napili
ang mga mag-aaral sa ika-11 na baitang, dahil mayroon silang kaalaman sa
baybayin at ang konsepto, sapagkat ito ay tinalakay noong ikaunang semestre.
Dagdag pa ang mga nagdaang taon kung saan natalakay din ang baybayin sa
mga asignaturang Filipino, Araling Panlipunan o Hekasi. Ang mga kasalukuyang
mag-aaral na nasa ika-11 na baitang, ay ang mga unang batch ng K-12.

Talahanayan 1 – Bahagdan ng Kasarian ng mga Respondente


Kasarian ng mga respondente Bilang ng respondente Porsyento
Lalake 10 45.45%
Babae 11 50%
Kabuuan 21 95.45%

Ikaapat na pangkat/ STEM-11/ Ikalawang Semester/ T.P. 2016 – 2017


P a h i n a | 21

C. Instrumento ng Pananaliksik
Nakatulong ang sarbey na isinigawa ng mga mananaliksik sa paraang
pagkuha ng impormasyon sa uri ng mga opinyon at sariling karanasan ng mga
respondente. Naging mabisang paraan ang sarbey sa pangunguha at
pangangalap ng mga datos na ikinakailangan sa pananaliksik na isinasagawa.
Nabigyan ng kabatiran ang mga mananaliksik sa kasalukuyang kaalaman ng
mga mag-aaral sa STEM-13 ukol sa Baybayin at ang kanilang pananaw rito.
Nalaman ng mga mananaliksik ang damdamin at pahayag ng mga respondente
bilang mga mag-aaral, ukol sa Baybayin, kung sila ba ay sumasang-ayon o hindi
sumasang-ayon sa pagpapatupad ng Baybayin sa kurikulum. Nasagot ng
maayos ang mga katanungan ng mga mananaliksik, at dahil dito, mas
nauunawaan na nila ang mga posibleng paniniwala ng mga respondente ukol sa
Baybayin, kasama na rin ang kanilang kagustuhan at ang kanilang mga
inaasahang pangyayari kung ang Baybayin man ay maipatupad. Nakatulong ito
sa pagpapaliwanag ng konsepsyon ng mga mag-aaral sa STEM-13 sa aming
paksa na magbibigay daan sa mga mananaliksik na bumuo ng konklusyon na
naaayon sa kanilang obserbasyon ng datos.

Kagaya ng sarbey, nakapagbigay rin ng tulong ang panayam na


isinagawa ng mga mananaliksik sa paraang pagbibigay ng mga personal na
kasagutan mula sa mga respondente. Mas detalyadong nailahad ang mga sagot
na nais makuha ng mga mananaliksik sa pagsasagawa ng panayam. Mas
naunawaan at naintindihan na ng mga mananaliksik ang perspektibo ng mga
mag-aaral sa paksang Baybayin. Sa mga tanong sa panayam, mas nabigyang
linaw ang opinyon ng mga kapanayam ukol sa Baybayin at sa kultura ng
Filipinas. Nagkaroon din ng kaalaman ang mga mananaliksik ukol sa pananaw
ng mga respondente sa Baybayin at kung ano ang kanilang personal na tunguhin
sa Baybayin bilang simbolo ng pagkakakilanlan ng mga tao sa Filipinas. Sa
pagsasagawa ng panayam, mas tama o accurate ang mga deskripsyong
makakalap ng interbiyuwer, katulad na lamang ng edad, kasarian, at iba pa. Mas

Ikaapat na pangkat/ STEM-11/ Ikalawang Semester/ T.P. 2016 – 2017


P a h i n a | 22

mabibigyang lalim na ang pagkakaiba sa mga sagot ng mga interbiyuwi sa


pagkukumpara ng mga deskripsyon ng mga nakapanayam ng mga mananaliksik.

Ang mga hanguang nakapaloob sa ikalawang kabanata ay naglahad ng


kabatiran at bagong kaalaman na patungkol o may kinalaman sa paksang
ginagawan ng pananaliksik sa kasalukuyan. Ginabayan nito ang mga
mananaliksik sa pagkuha ng iba pang impormasyon na magsisilbing tulong sa
kanila upang mas lalong maintindihan ang kanilang paksa. Ang mga akdang
kagaya ng nobela, tula, maikling kwento, o mga dokyumentaryo na may
kinalaman sa pananaliksik ng mga mag-aaral ay makatutulong magpaliwanag ng
mga bagay tungkol sa paksa. Katulad na lamang ng dokyumentaryo ng Iwitness
na “Itinaga Sa Bato”, ipinakita dito ang mga lehitimong pinagsulatan ng Baybayin
sa bato na iniukit ng mga sinaunang tao sa Pilipinas. Ang tanging silbi ng mga
hanguang kasama sa ikalawang kabanata ay magdagdag ng kaalaman at
impormasyon na may kahit na anong kinalaman sa pananaliksik. Mas natutunan
ng mga mananaliksik ang kanilang pag-aaral dahil sa ikalawang kabanata.

Ikaapat na pangkat/ STEM-11/ Ikalawang Semester/ T.P. 2016 – 2017


P a h i n a | 23

D. Tritment ng mga Datos


Sa aming grupo, ginamit namin ang sukatan ng gitnang pagkahilig
(measures of central tendency) para mapakita kung ano sa mga pinagpipilian
ang higit na pinipili ng mga respondante. Ang ginamit na klase ng sukatan ng
gitnang pagkahilig ay ang mode, na kung saan ang may pinakamarami na sagot
ay ang magiging mode. Ipinapakita dito kung ano mas gusto at kung saan
pumapanig ang mga respondente. Ang mga datos na nakolekta ay tinala at sinuri
ng mga mananaliksik.

Porsyento at Dalas (Mode) ang ginamit sa pagsusukat sa kasagutan mula


sa sarbey, depende sa kanilang mga pinili. Ang pormula na ginamit sa paghanap
sa porsyento ay gaya ng sumusunod:

Kung saan: 𝑥 – bilang ng responde

𝑥𝑡 – kabuuang bilang ng responde


𝑥
× 100 = porsyento ng responde
𝑥𝑡

Ang mga resulta ng sarbey ay ginamitan ng istatistikal na pakakahulugan sa


tulong ng Microsoft Excel para mabigyan diin ang kahulugan ang bawat
kasagutan.

Ikaapat na pangkat/ STEM-11/ Ikalawang Semester/ T.P. 2016 – 2017


P a h i n a | 24

Kabanata IV
PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS
Natuklasan sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na datos at impormasyon:
Sa mga nakalap na impormasyon, inalam ng mga mananaliksik ang pananaw ng
mga respondente sa bawat tanong patungkol sa baybayin.

Grap 1 - Pananaw ng mga mag-aaral kung ano ang baybayin


0%

14%

52%
33%

A B C D

Limampu’t dalawang porsyento (52%) sa mga respondent ay naniniwalang ang


baybayin ay ang sinaunang sistema ng pagsulat ng mga Pilipino. Tatlumpu’t
tatlong porsyento (33%) ang naniniwala na ito ay pagbaybay ng salita at ang
huling labing isang porsyento (11%) ay hindi alam ang baybayin. Walang
sumagot ng iba pang kasagutan sa tanong na ito.

Grap 2 - Pananaw ng mga mag-aaral kung sapat na ba ng kasalukuyang


sistema ng pagsulat
0%
5%

29%

67%

A B C D

Ikaapat na pangkat/ STEM-11/ Ikalawang Semester/ T.P. 2016 – 2017


P a h i n a | 25

Animnapu’t pitong porsyento (67%) sa mga respondente ang naniniwala na


sapat na ang pamamaraan natin ng pagsulat ngayon gamit ang alpabetong
Ingles. Dalawampu’t siyam na porsyento (29%) naman ang naniniwala na
kailangan natin ng makabagong pamamaraan ng pagsulat at limang porsyento
(5%) ang naniniwala na may kakulangan pa ito ngayon. Walang sumagot ng iba
pang kasagutan sa tanong na ito.

Grap 3 - Palagay ng mga mag-aaral sa kung ano ang pinakamahalagang


maiaambag ng baybayin sa edukasyon ng mga Pilipino

14%

5%
43%

38%

A B C D

Apatnapu’t tatlong porsyento (43%) ang naniniwala na ang pinakamahalagang


maiaambag ng baybayin sa edukasyon ng mga Pilipino ay ang pagpreserba sa
kultura at lengguwahe ng mga Pilipino. Tatlumpu’t walong porsyento (38%) ang
naniniwala na ito ay magbibigay ng natatanging pamamaraan ng pagsulat sa
ating bansa. Limang porsyento (5%) ang naniniwala na para matutunan natin
ang historya 25 gating lengguwahe at labing apat na porsyento (14%) ang
sumagot na magkaroon tayo ng adisyunal na pamamaraan ng pagsulat.

Grap 4 – Palagay ng mga mag-aaral kung sapat na ba ang mga dahilan


sa ikatlong tanong sa pagdagdag ng Baybayin sa ating mga paaralan

19%

57%

38%

A B C D

Ikaapat na pangkat/ STEM-11/ Ikalawang Semester/ T.P. 2016 – 2017


P a h i n a | 26

Limamput pitong porsyento (57%) sa mga respondente ang sumagot na sapat na


ang dahilan (na sinagot nila sa tanong blg. 3) sa pagdagdag ng baybayin sa mga
paaralan. Tatlumput walong porsyento (38%) ang sumagot na hindi pa ito sapat
at labing siyam na porsyento (19%) ang hindi alam kung sapat na ba.

Grap 5 - Palagay ng mga mag-aaral ng STEM 13 na maidadagdag ng


baybayin sa kasalukuyang kurikulum

5%
10%

19%

67%

A B C D

Animnapu’t pitong porsyento (67%) sa mga respondente ang sumagot na


magbibigay ng karagdagang pagkaunawa sa historya ng pagsulat ang
pagdagdag ng baybayin sa kasalukuyan+ na kurikulum. Labing siyam na
porsyento (19%) naman ang sumagot na karagdagan lamang ito na gawain.
Sampung porsyento (10%) ang sumagot na bagong pananaw ito sa ating
lengguwahe at limang porsyento (5%) ang sumagot na wala lamang ito.

Grap 6 - Pagkukumpara ng ibang asignatura sa paaralan at ng baybayin

5%

19%

14% 62%

A B C D

Ikaapat na pangkat/ STEM-11/ Ikalawang Semester/ T.P. 2016 – 2017


P a h i n a | 27

Animnapu’t dalawang porsyento (62%) sa mga respondente ang sumagot na


kapantay nito ang mga asignatura kung ikukumpara sa mga asignatura na
mayroon tayo sa kasulukuyang kurikulum. Labing apat na porsyento (14%) ay
nagsasabing higit pa ito sa mga asignatura, labing siyam na porsyento (19%)
ang sumagot na may kakulangan pa ito kumpara sa mga asignatura at limang
porsyento (5%) ang sumagot na hindi ito sapat na gawing asignatura.

Grap 7 - Gaano katagal ang gugugulin upang maituro ito sa paaralan

29%
43%

24%
5%

A B C D

Apatnapu’t tatlong porsyento (43%) sa mga respondente ang sumagot na isang


semester ang dapat gugulin sa pagtuturo ng baybayin sa paaralan. Dalawampu’t
siyam na porsyento (29%) naman ang sumagot na isang taong pagtuturo ang
kailangang gugulin, dalawampu’t apat na porsyento naman ang sumagot na
buong panahon sa mababa at mataas na paaralan at limang porsyento (5%)
naman ang nagsabing mas mahabang panahon pa ang kailangang gugulin
upang aralin ito.

Grap 8 - Pagsisimula ng pagtuturo ng baybayin sa paaralan

5%
24%
24%

48%

A B C D

Ikaapat na pangkat/ STEM-11/ Ikalawang Semester/ T.P. 2016 – 2017


P a h i n a | 28

Dalawampu’t apat na porsyento (24%) sa mga respondente ang sumagot na


kinder pa lamang ay kailangan na ituro ang baybayin sa mga mag-aaral.
Apatnapu’t walong porsyento (48%) naman ang sumagot ng elementary,
dalawampu’t apat na porsyento (24%) naman ang sumagot na dapat aralin na ito
sa Junior high school at limang porsyento (5%) para sa senior high school.

Grap 9 - Matutugunan ba ng mga mag-aaral ang baybayin kung ito ay


gagawing asignatura sa paaralan?
0%

10%

24%

67%

A B C D

Animnapu’t pitong porsyento (67%) sa mga respondente ang sumagot ng oo at


magiging bihasa pa sa paggamit ng baybayin kung ito ay magiging asignatura sa
paaralan. Dalawampu’t apat na porsyento (24%) naman ang sumagot na hindi
dahil marami nang asignatura sa paaralan at sampung porsyento (10%) ang
hindi alam.

Grap 10 - Pabor nga ba ang mga mag-aaral sa pagdadagdag nito sa ating


kurikulum?
0%

10%

29%

62%

A B C D

Ikaapat na pangkat/ STEM-11/ Ikalawang Semester/ T.P. 2016 – 2017


P a h i n a | 29

Animnapu’t dalawang porsyento (62%) sa mga respondente ang pabor sa


pagdagdag ng baybayin sa ating kurikulum dahil makakatulong ito sa pag-unlad
ng bansa at makakadagdag ito sa kanilang kaalaman. Dalawampu’t siyam na
porsyento (29%) naman ang hindi pabor sapagkat wala naman itong magiging
epekto at dadagdag lamang sa mga gawain at sampung porsyento (10%) ang
hindi alam kung pabor or hindi.

Ikaapat na pangkat/ STEM-11/ Ikalawang Semester/ T.P. 2016 – 2017


P a h i n a | 30

KABANATA V:
Lagom, Konklusyon, Rekomendasyon
Lagom
Bilang paglalagom, ang layunin ng pag-aaral na ito ay mabigyang pansin
ng mga mag-aaral ang Baybayin hinggil sa panukala ng implementasyon nito at
malaman ang kanilang katayuan sa usaping ito. Upang makamit ang layuning ito,
kinailangan na magkaroon ng mga dapat kamtin pa sa ilalim ng pinakamalalim
na layunin. Nagkaroon ang mga mananaliksik ng mas malalim na pagkilala sa
Baybayin at kung ano ba talaga ito. Inalam din kung mayroon pa itong
maitutulong sa bansang Filipinas liban sa gawing multi-lingual ang susunod na
henerasyon. Matamo ang lahat ng iyon, nakasulong ang pag-aaral. Sa
kabanatang ito, makikita ang konklusyon at rekomendasyon ng mga
mananaliksik.

Ginamit ng mga mananaliksik ang paraang deskriptib-analitik upang


makita ang quantitative na datos mula sa qualitative na impormasyon. Kinuha
ang mga mag-aaral ng STEM 13 upang maging respondente sa pananaliksik at
ipinasagot sa kanila ang sarbey-kwestyoneyr na inihanda. Ipinakita ang datos na
nakalap mula rito sa magkakaibang pie graph. Nagkaroon din ng panayam sa
isang dalubhasang guro sa Filipino ang mga mananaliksik. Dito nalaman ng mga
mananaliksik ang katayuan ng guro sa panukalang implementasyon ng Baybayin
bilang dagdag sa sistema ng pagsulat.

Matapos ang pagsasagawa ng sarbey, kinuha ang resulta nito at


kinailangan bigyan ng interpretasyon. Itinanong sa mga respondente kung ano
ang pagkaalam nila sa Baybayin, tingin nilang dapat na sistema ng pagsulat, ano
ang tingin nilang maiaambag ng Baybayin, gaano ang pagtitiwala nila sa mga
maiaambag na sinagot nila noong una, paano nila tingnan ito bilang asignatura,
at kung ano ang katayuan nila hinggil sa panukala ng implementasyon nito.
Gamit ang mga datos na nakalap, nasagot ang mga katanungang umusbong sa
mga mananaliksik sa unang bahagi ng pag-aaral.

Ikaapat na pangkat/ STEM-11/ Ikalawang Semester/ T.P. 2016 – 2017


P a h i n a | 31

Kongklusyon
Batay sa mga inilahad na datos, ang mga mananaliksik ay nahantong sa
sumusunod na konklusyon:

A. Ang mga mag-aaral sa STEM-13 ay naniniwala na sapat na ang ating


pamamaraan ng pagsulat ngayon at hindi na kailangan ng ibang
pamamaraan ng pagsulat.
B. Naniniwala ang mga mag-aaral sa STEM-13 na ang pinakamahalagang
maiaambag ng Baybayin sa edukasyon ng Pilipinas ay ang
pagprepreserba sa kultura at lengguwahe ng mga Pilipino at ang
pagbibigay nito sa ating bansa ng natatanging pamamaraan ng pagsulat.
C. Ayon sa datos na nakalap, ang mga kontribusyon ng baybayin ay sapat
na para ito ay ituro sa mga paaralan.
D. Ang pagtuturo ng baybayin ay dapat isagawa sa elementarya at sa isang
semestre lamang.
E. Ang asignaturang baybayin ay kasing halaga ng mga asignatura na
kasalukuyang itinituro ngayon at kayang bibigyang pansin tulad ng mga
asignatura na itinuturo ngayon.
F. Ang STEM-13 ay pumapabor sa pagdagdag ng baybayin sa ating
kurikulum dahil makakatulong ito sa pag-unlad ng bansa at
makakadagdag pa sa ating kaalaman.

Ikaapat na pangkat/ STEM-11/ Ikalawang Semester/ T.P. 2016 – 2017


P a h i n a | 32

Rekomendasyon
Kaugnay sa naging konklusyon ng mga mananaliksik sa pag-aaral, ang mga

bagay na sumusunod ay buong pagpapakumbabang mairerekomenda:

 Patuloy na pagsasagawa ng mga pagsusuri ukol sa panukalang


implementasyon ng Baybayin bilang dagdag na sistema ng pagsulat sa
iba pang respondente. Nakikita ng mga mananaliksik na ito ay
kakailanganin upang makapagpasya ang pamahalaan sa pagpapatupad
nito.
 Isang pagsusuri sa kung paano magiging positibo ang tingin ng mga
kabataang nasa mataas na paaralan sa panukalang implementasyon ng
mga dagdag na asignatura.
Batay sa resulta, mataas ang bahagdan ng mga mag-aaral na negatibo
ang tingin sa ispisipikong panukalang pinag-aralan kaya’t isa pa itong
misteryo na dapat pag-aralan.
 Pagsusuri sa pananaw ng mga kabataan hinggil sa malalim na mga usapin
ukol sa K-12 at iba pang panukala ng DepEd. Nakita sa pananaliksik na
ito ang lalim ng pag-iisip ng mga mag-aaral sa henerasyon na ito, maigi
lamang na lalo pa itong mahasa sa patuloy na pakikinabang ng mga
mananaliksik sa kaalamang tinataglay ng mga kabataan.
 Pagsusuri sa mga dahilan kung bakit may kakulangan ng kaalaman ang
mga mag-aaral sa mataas na paaralan ukol sa Baybayin. May iba't-ibang
dahilan kung bakit marami ang hindi nakaaalam ng Baybayin, sa pag-
aaral ng mga dahilan na ito maaaring mas mapabuti ang asignatura
upang maimplementa.
 Pagsasagawa ng isang pagsusuri sa nais na imambag ng mga mag-aaral
sa mga karagdagang panukala ng DepEd. Malawak ang pag-iisip ng
kabataan at ang mga panukala ng DepEd ay sila rin ang nakatatanggap
kaya't mahalaga na malaman kung ano ang gusto nilang matutuhan. Sa
pamamagitan nito, malalaman kung paano dapat talakayin sa mga
kabataan ng henerasyon ang isang paksa

Ikaapat na pangkat/ STEM-11/ Ikalawang Semester/ T.P. 2016 – 2017


P a h i n a | 33

Bibliyograpiya
Bondoc, Jarius. "Bagal ng pag-unlad ibinibintang sa Wika." Pilipino Star Ngayon.
The Philippine Star, 13 Aug. 2013. Web. 13 Feb. 2017.
<http://beta.philstar.com/ngayon/psn-opinyon/2013/08/19/1106451/bagal-
ng-pag-unlad-ibinibintang-sa-wika>.
Carunungan, Celso. Paunang Salita. Pinadaling Pag-aaral ng Katutubong
Abakadang Pilipino. Ni Ricardo Mendoza. Manila City: Ricardo Mendoza,
1976. iii. Nakalimbag.
Gavino, Minifred P. Mga pag-aaral at pagpapayaman ng kulturang Pilipino.
Diliman, Quezon City: WWCEA Graphic Services, 2012. Nakalimbag.
Rizal, José, and Virgilio S. Almario. El Filibusterismo. Quezon City: Adarna
House, 2011, pp. 62. Nakalimbag.
Rizal, José. “Sa Aking Mga Kabata.” Kundiman ni Rizal: an original composition
of Dr. Jose P. Rizal. Ed. Raul M. Sunico. Quezon City: Tawid Publications,
1997. Nakalimbag.
Severino, Howie. "Itinaga sa Bato." IWitness. Dir. Cris Sto. Domingo. GMA. 1
Aug. 2011. Youtube. Web. 13 Feb. 2017.
<https://www.youtube.com/watch?v=HWmFhBlJLko&feature=youtu.be>.
Transkripsyon.

Ikaapat na pangkat/ STEM-11/ Ikalawang Semester/ T.P. 2016 – 2017


P a h i n a | 34

Dahong-Dagdag
A. Transkripsyon ng Dokumentaryo
IWitness: “Itinaga sa Bato”
ni Howie Severino
Dr. Francisco A. Datar: Sa dinami-dami ng mga ininterview ko sa Rizal, mga
singkwenta pataas, noong una wala silang kaalam-alam na mayroong panulat na
ganoon.
Howie Severino (Narasyon): Pero hindi na raw kailangan pang lumayo sa
Maynila para makakita ng baybaying nakaukit sa bato. May ilang naniniwala na
dito sa Angono, Rizal ay matatagpuan na ito.
Tinatayang 3,000 taon bago nabuhay si Kristo ang tanda ng mga ukit na ito. May
isang teorya ang grupo nila (Dr. Bonifacio) na bukod sa pagiging isang paanakan
ng ating mga ninuno, maaaring naging sinaunang paaralan din ito (kweba).
Dr. Bonifacio Comandante Jr.: Ang isa ko ngang hinala ay isa itong parang
classroom nila. 'Yung mga bata dito tinuturuan.
Howie Severino (Narasyon): At sa sinaunang pisara (pader ng kweba) daw
nakaukit maging ang ating mga sinaunang letra. Maaaring hindi man matanggap
ng madla ang kanilang mga teorya, nais daw ng grupo nila Cheo at Bonifacio na
muling buhayin ang baybayin.
Howie Severino (Narasyon): Maraming bansa sa Asya ay may sariling sulat, at
ito naman ang atin. At ayon sa kanila, nasa kweba pa lamang ang ating mga
ninuno natin, ginagamit na ito.

Ikaapat na pangkat/ STEM-11/ Ikalawang Semester/ T.P. 2016 – 2017


P a h i n a | 35

B. Artikulo

Philippine Star Ngayon: “Bagal ng pag-unlad ibinintang sa Wika”

ni Jarius Bondoc

NGAYON ay Araw ni Manuel L. Quezon, na nagtaguyod ng pagkakaroon at


pagpapayabong ng Wikang Pambansa. At sa araw na ito magdedebate na
naman ang mga dalubhasa tungkol sa papel ng wika sa kaunlaran ng ekonomiya
at lipunan.

Halos nauulinigan na natin ang tema ng pagtatalo. Uulitin ng isang panig na udlot
ang ating ekonomiya at lipunan dahil sa pagpilit ng pagtuturo sa wikang Filipino,
imbis na sa Ingles na wikang pandaigdig. Igigiit nila na ibasura ang Filipino bilang
wikang opisyal, at sanayin nang husto ang Pilipino, lalo na kabataan, sa Ingles.

Iwawasiwas ng panig na ito ang patuloy na paglubog ng edukasyon. Abay limang


pamantasan sa Pilipinas na lang, kabilang ang state-run University of the
Philippines, ang napabilang sa 300 pinaka-mahusay sa Asya, sa talaan ng
Quacquarelli Symonds. Nung nakaraang taon, 14 ang nakapasok sa QS na
pamantasang Pilipino; 15 sila nung 2011; 18 nung 2010; 16 nung 2009. Bukod
sa U.P., na No. 67 mula dating 68, ang apat pang nakalusot nitong 2013 ay
Ateneo de Manila (No. 109 mula 86), University of Santo Tomas (150 mula 148),
De La Salle (151-160 mula 142), at University of Southern Philippines (nanatili sa
251-300).

Sa aking palagay, magkakamali ang mga kontra-Filipino kung gamitin ang


ratings ng QS. Itoy dahil umangat ang U.P., na pinaka-masugid sa pagtuturo sa
wikang pambansa. Samantala, bumagsak ang maka-Ingles na Ateneo, UST, at
De La Salle.

Sa pamantayan ng QS, bumaba o nabura sa listahan ang mga unibersidad na


Pilipino dahil sa kahinaan sa science -- sa pagtuturo, sa pagsasaliksik, sa
pasilidad, at sa dami ng faculty at estudyante. At bakit humina tayo sa agham?

Ikaapat na pangkat/ STEM-11/ Ikalawang Semester/ T.P. 2016 – 2017


P a h i n a | 36

Ito’y dahil, di tulad ng sa ibang bansa sa Asia, ipinipilit natin ang pagtuturo ng
science sa Ingles na alien sa damdamin natin. Sa ibang bansa China, Taiwan,
Korea, Japan, India itinuturo ang science sa pinaghalong sarili at dayuhang wika.

Ikaapat na pangkat/ STEM-11/ Ikalawang Semester/ T.P. 2016 – 2017


P a h i n a | 37

C. Buod ng Maikling Kwento


Sariwa Mula Sa Diwa
ni Rem Tanauan
Ang sumusunod na sipi ay isang maikling kwentong pinamagatang
“Sariwa Mula sa Diwa”. Ito ay isinulat ni Rem Tanauan. Ito ay kasama sa libro ni
Minifred T. Gavino na “Baybayin Atbp.: Pag-aaral at Pagpapayaman ng
Kulturang Pilipino”. Itininatalakay nito ang paggamit ng baybayin ng awtor sa
pagpapalawak ng kanyang pag-unawa sa wikang Filipino. Ang excerpt na
ginamit ng mananaliksik ay sumusunod:

Makikita sa larawan ang mga simbolo ng Baybayin para sa salitang


sariwa. Bawat simbolo ay isang pantig. Nang pinagmumunihan ko ang salitang
ito, nagbago ang tunog na ri at biglang naging di. Sa Baybayin kasi, pareho ang
simbolo para sa ra at da. Kaya makikita sa mga salitang Filipino na pareho ang
kahulugan ng marami at madami (many), rinig o dinig (hear). Kaya nakinita ko na
ang sariwa ay naging sadiwa. Bakit importante ang pagbabagong ito?

Diwa

Spirit o soul ang madalas na katumvas ng salitang diwa sa Ingles. Katulad


ito ng salitang Sanskrit na deva, na pantukoy ng mga sinaunang Indian sa
anumang diyos. Maraming kahulugan ang diwa sa wikang Filipino, at madalas ay
katumbas siya ng kamalayan (consciousness) at buhay. Ano man ang divine
(related sa salitang diwa) ay hindi nakikita, pero tanging nagbibigay-buhay sa
lahat sa sinukob. Ito ang ipinapahayag ng diwa. Diwa ang pinagmumulan ng
kapangyarihan at buhay, at nakaugnay sa pagkadiwa ng Diyos, ang
pinagmumulan ng biyaya at katotohanan. Ang panlaping sa- ay maaaring maging
pang-ukol, alin man ng pinagmulan (from), kasama (with) o patungo (to).
Kadalasan, anumang bagong ano ay nangangahulugan rin na sariwa.

Ikaapat na pangkat/ STEM-11/ Ikalawang Semester/ T.P. 2016 – 2017


P a h i n a | 38

D. Buod ng Nobela

El Filibusterismo
Kabanata 7 – Si Simoun

“… Humihingi kayo ng pagkakapantay-pantay sa karapatan, pag-uugaling


Kanluranin1 ang inyong mga hilig at hindi ninyo nakikitang ang hinihingi ninyo'y
ang "kamatayan" ang pagkapawi ng inyong pagkamamamayan, ang
pagkaduhagi ng iyong Inang Bayan, ang pananagumpay ng paniniil. Ano kayo sa
araw ng bukas? Bayang walang budhi, bansang walang Kalayaan; ang lahat ng
taglay ninyo'y pawang hiram, sampu ng inyong kasiraan. Humihingi kayong
maging parang Kanluranin at hindi kayo namumutla sa kahihiyan kung ipagkait
sa inyo! At kahit na ipagkaloob sa inyo, Ano ang inyong hangad? Ano ang inyong
matatamo? Maligaya na ba kayo kung maging bayan ng mga hangal, bayan ng
mga digmaan ng mga magkakabayan, republika ng mga mandaragit at di
nasisiyahang loob na kagaya ng ilang republika sa Timog Amerika! Ano ang
layon ninyo sa pagtuturo ng ibang wika? Hangad na hindi lamang kahiya-hiya
kundi napakasama pa ng ibubunga? Ibig ninyong dagdagan ng isa pang wika
ang may apatnapu at kung ilan pang sinasalita sa kapuluan upang lalo kayong
hindi magkaunawaan!”

1
Kastila

Ikaapat na pangkat/ STEM-11/ Ikalawang Semester/ T.P. 2016 – 2017


P a h i n a | 39

E. Tula
“Sa Aking Mga Kabata” ni Gat. Jose Rizal

Kapagka ang baya'y sadyáng umiibig


Sa kanyáng salitáng kaloob ng langit,
Sanlang kalayaan nasa ring masapit
Katulad ng ibong nasa himpapawid.

Pagka't ang salita'y isang kahatulan


Sa bayan, sa nayo't mga kaharián,
At ang isáng tao'y katulad, kabagay
Ng alin mang likha noong kalayaán.

Ang hindi magmahal sa kanyang salitâ


Mahigit sa hayop at malansáng isdâ,
Kayâ ang marapat pagyamaning kusà
Na tulad sa ináng tunay na nagpalà.

Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin


Sa Inglés, Kastilà at salitang anghel,
Sapagka't ang Poong maalam tumingín
Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.

Ang salita nati'y huwad din sa iba


Na may alfabeto at sariling letra,
Na kaya nawalá'y dinatnan ng sigwâ
Ang lunday sa lawà noóng dakong una

Ikaapat na pangkat/ STEM-11/ Ikalawang Semester/ T.P. 2016 – 2017


P a h i n a | 40

F. Panayam
Ang sumusunod na sipi ay isang transkripsyon ng panayam ng mga
mananaliksik sa isang guro ng Filipino. Si Ma’am Lutchie Pili ay nagtuturo sa
Taguig Science High School sa ika-8 baitang. Ang panayam ay isinagawa noong
ika-24 ng Pebrero 2017. Itinatanong ng mga mananaliksik ang kanyang
kaalaman at opinyon sa baybayin at ang pag-implento nito bilang isang dagdag
na sistema ng pagsulat.

Mananaliksik: Ma’am, maraming salamat po sa pagpapaunlak sa aming


paanyaya na ikaw ay makapanayam. Ito po ay isang bahagi ng komplisyon ng
aming kursong Pananaliksik. Meron po kaming konting katanungan para sa iyo.
Una po, ano ang iyong kaalaman sa baybayin ng Filipinas?
Ma’am Lutchie Pili: Baybayin? Kase noong nakaraang dalawang taon meron
kaming isang seminar na dinaluhan ni Ma’am Bayani. Base doon alam naman
natin na ang baybayin ang pinakalumang paaran ng pagsulat dito sa Pilipinas.
Eto ang pinakaunang wika nating mga Pilipino bago pa man tayo sinakop ng
mga Kastila. Tapos ang nangyari, di ba meron tayong sariling baybayin? Ang
ginawa ng mga Kastila dahil meron tayong baybay rin tapos kase di ba meron
tayong sistema ng panulat? Ang tawag sa sistema ng panulat natin ay alibata.
Nung nagkaroon tayo ng alibata dumating ang mga Kastila, pinalitan nila ito ng
alpabetong Pilipino. Binago nila.
M: Thank you, Ma’am. Paano po maiuugnay ang baybayin bilang sistema ng
pagsulat ng mga Pilipino sa ating kultura?
MLP: Base sa ating nababasa di ba noon sa lumang aklat, makikita natin na sa
mga bato, sa mga kweba, meron tayong makikita na may mga sulat. Di ba may
mga sulat siya? Ang tawag natin dun alibata. Ngayon, ating mga kanunununuan,
ayon ang ginagamit nilang komunikasyon sa ating mga ating kapwa Pilipino o sa
ating mga ninuno. Tapos, kase di naman puro salita. Siyempre kailangan meron
din silang nababasa. Yun ay sa pamamagitan ng baybayin.

Ikaapat na pangkat/ STEM-11/ Ikalawang Semester/ T.P. 2016 – 2017


P a h i n a | 41

M: Opo. Ano sa tingin mo ang kahalagahan ng isang sistema ng pagsulat ng


isang bansa at paano mo ito maiuugnay sa identidaad at pagkakakilanlan ng
bansang yaon?
MLP: Kasi ako ang isang guro na fan ng ibang kultura katulad ng Korea. Base sa
Korea na napapanood ko, nakikita ko na kapag ako ay nanonood ng palabas, di
ba nakikita ko yung hangul na sulat?
M: Opo.
MLP: Kapag nakikita ko ito, nasasabi ko na ‘Ay, Korea yun’. Tayo, malalaman na
tayo ay nasa Pilipinas kapag tayo ay may makikita na baybayin. Pero sa ngayon,
bibihira natin makita ito o hindi natin ginagamit sa paaralan. Ginagamit lang ito sa
pera – di ba kung may kaklase kayo pakilabas ang pera ninyo. Hanapin niyo
doon, lahat ng perang papel meroong baybayin.
M: Opo. Bilang isang guro sa asignaturang Filipino, ano sa tingin mo ang
kapakinabangan ng pagpapanukala ng baybayin bilang dagdag sa ating sistema
ng pagsulat sa iyo?
MLP: Ano ang kahalagan?
M: Opo.
MLP: Ay, kase sa atin di ba alam natin na ang baybayin, eto dapat ang
pagkakakilanlan natin bilang isang Pilipino. Pero dahil nga di natin ito nagamit ng
maayos, kaya tuloy parang nababalewala siya. Kaya nung meron kaming
seminar na dinaluhan, nagpasa sila ng bill sa kongreso para ang baybayin ay
magiging legal na isa sa mga, mga kurso o asignatura na kukunin ng mag-aaral
sa junior high school. Eto pa ay hindi pa napapatupad pero eto ay nasa kongreso
na siya. Mahalaga ito bilang sa atin kase di ba sabi nila eto ang taon ng
pagbabago? Bakit hindi natin gamitin din ang ating mga baybayin? Kasi nga
nakakainggit nga naman ang mga, mga sa ibang lugar ginagamit nila yung
baybayin nila. Kase, di ba alam naman natin kunyare, sa Korea, may binabasa,
may letra din sila. Meron din silang baybayin. Pero tayo, kapag tayo ay
nanonood, di ba walang ibang nakalagay dun kundi translation lang ng Ingles.
Pero pag translation na sa Pilipino, wala tayong nakikitang baybayin. Siguro
yung kapatid ni Lope K. Santos na namuno sa pagpasa sa panukalang maging

Ikaapat na pangkat/ STEM-11/ Ikalawang Semester/ T.P. 2016 – 2017


P a h i n a | 42

legal na ituturo ang baybayin sa atin, siguro yun din ang hangad niya. Kase alam
niya na napakahalaga nito para sa atin. Kasi nga bahagi na ito ng ating kultura
tapos dapat yung kultura natin dapat hindi natin nakakalimutan. Dapat
pinagyayaman natin.
M: Ma’am, kung sakali mang maipatupad ang implementasyong idadagdag ang
nasabing baybayin sa ating sistema ng pagsulat, ano ang iyong panig hinggil
dito?
MLP: Ako bilang isang guro na Pilipino, siguro ay napakasaya ko na. Approve
ako dun, sang-ayon ako dun sa panukalang yun dahil alam naman natin na ang
kabataan ngayon ay mahilig mag-drawing?
M: Opo.
MLP: Kapag ikaw ay nagsusulat ng baybayin, para ka rin nagdo-drawing.
Halimbawa, ang iyong handwriting ay hindi maganda, siguro naman sa baybayin,
dahil kung ikaw ay mahilig mag-drawing mapapaganda mo lalo. Kase parang
shape shape lang naman yun, puro hugis hugis lang. Siguro dito babawi yung
mga hindi talaga nakakasulat ng maayos gamit yung kasalukuyang alpabeto
natin.
M: Yun lang po katanungan namin, Ma’am. Maraming salamat po talaga.
MLP: Okay, thank you.

Ikaapat na pangkat/ STEM-11/ Ikalawang Semester/ T.P. 2016 – 2017


P a h i n a | 43

G. Liham Pahintulot sa Panayam

TAGUIG SCIENCE HIGH SCHOOL


San Miguel, Taguig City

Pebrero 21, 2017

GNG. LUTCHIE M. PILI


Guro sa Filipino
Taguig Science High School

Madam,
Magandang araw po!

Kami po ay kasalukuyang nasa ika-11 na baitang, at mayroong asignaturang


Pagbasa at Pagsusuri tungo sa Pananaliksik, at ang aming pananaliksik ay Ang
Pananaw ng mga Mag-aaral sa Ika-11 Baitang sa Mataas na Paaralan ng
Pang-agham ng Taguig sa Pagpapanukala ng Implementasyon ng Baybayin
bilang Dagdag sa Sistema ng Pagsulat.

Kaugnay nito, nais po naming hingin ang inyong pahintulot upang kayo ay aming
makapanayam sa petsa, oras, at lugar na inyong itatakda. Ito po ay sa lubos
naming pagtitiwala sa inyong pagkadalubhasa sa aming napiling paksa at
kakayahang makapagbigay ng karampatang datos at impormasyon sa aming
grupo.

Dalangin po namin ang inyong positibong pagtugon sa aming hinihinging


pahintulot.
Maraming Salamat po!
Lubos na gumagalang,

Mary Joy A. Razalan


STEM-11
Punong-Tagapagsaliksik

Binigyang pansin ni:

G. Archie L. Nazario
Tagapaggabay ng Pananaliksik
Ikaapat na pangkat/ STEM-11/ Ikalawang Semester/ T.P. 2016 – 2017
P a h i n a | 44

H. Liham Pahintulot sa Pagsasarbey

TAGUIG SCIENCE HIGH SCHOOL


M.L. Quezon St., San Miguel, Taguig City

Pebrero 21, 2017

G. ARCHIE L. NAZARIO
Guro sa Pananaliksik
Taguig Science High School

Ginoo:
Magandang araw po!

Kami po ay kasalukuyang mayroong asignaturang Pagbasa at Pagsusuri tungo


sa Pananaliksik at napamagatang naming pananaliksik na Ang Pananaw ng
mga Mag-aaral sa Ika-11 Baitang sa Mataas na Paaralan ng Pang-agham ng
Taguig sa Pagpapanukala ng Implementasyon ng Baybayin bilang Dagdag
sa Sistema ng Pagsulat.

Magalang na humihingi po ako ng inyong kapahintulutang makahingi ng oras


upang ako at ang aming grupo mula sa baitang 11 pangkat STEM-11 ay
makapagsagawa ng sarbey sa inyong klase, STEM-13, para sa aming
pananaliksik. Kinakailangan po ng aming pananaliksik ang pagkuha ng saloobin
at pananaw ng aming mga kamag-aral sa STEM-13 ukol sa isyu na ito.

Dalangin po namin ang inyong positibong pagtugon sa aming hinihinging


pahintulot.
Maraming Salamat po!

Lubos na gumagalang,

MARY JOY A. RAZALAN


STEM-11
Lider ng Ikaapat na Pangkat, Pananaliksik

Ikaapat na pangkat/ STEM-11/ Ikalawang Semester/ T.P. 2016 – 2017


P a h i n a | 45

I. Sarbey-kwestyoneyr

TAGUIG SCIENCE HIGH SCHOOL


M.L. Quezon St., San Miguel, Taguig City

Pebrero 21, 2017

STEM-13
Taguig Science High School
San Miguel, Taguig City

Magandang araw po!

Kami po ay kasalukuyang nasa ika-11 na baitang at mayroong asignaturang


Pagbasa at Pagsusuri tungo sa Pananaliksik at ang napamagatang naming
pananaliksik na Ang Pananaw ng mga Mag-aaral sa Ika-11 Baitang sa
Mataas na Paaralan ng Pang-agham ng Taguig sa Pagpapanukala ng
Implementasyon ng Baybayin bilang Dagdag sa Sistema ng Pagsulat.

Nais naming malaman ang inyong pananaw sa isyung ito kung kaya’t hihingin
namin ang lima hanggang sampung minuto ng inyong oras upang masagawa
ang sarbey. Kung kami po ay inyong mapahihintulutan ay natitiyak po namin na
ang inyong mga sagot ay gagamitin lamang sa pag-aaral na ito. Ang inyong
kooperasyon ay malaki ang maitutulong sa aming pananaliksik.

Maraming Salamat po!

Lubos na gumagalang,

MARY JOY A. RAZALAN


STEM-11
Lider ng Ikaapat na Pangkat, Pananaliksik

Binigyang pansin ni:

G. ARCHIE L. NAZARIO
Guro sa Pananaliksik
Taguig Science High School

Ikaapat na pangkat/ STEM-11/ Ikalawang Semester/ T.P. 2016 – 2017


P a h i n a | 46

TAGUIG SCIENCE HIGH SCHOOL


San Miguel, Taguig City

Sarbey (STEM-11)
Pangalan (optional): ___________________________ Kasarian: ___________
Baitang at Pangkat: ___________________________ Edad: _________
Punan ng angkop na impormasyon ang sumusunod na mga katanungan. Bilugan ang iyong
kasagutan.
1. Ano ang baybayin para sa iyo?
a. Sinaunang sistema ng Pagsulat ng mga Pilipino
b. Pagbaybay ng salita
c. Hindi ko po alam
d. Iba pang kasagutan: _________________________________________________
2. Sapat na ba ang ating pamamaraan ng pagsulat ngayon? (Tayo ay gumagamit ng mga
alpabetong Ingles)
a. Sapat na ito ngayon
b. Kailangan natin ng bagong pamamaraan ng pagsulat
c. May kaunting kakulangan pa ngayon
3. Ano ang pinakamahalagang maiaambag ng Baybayin sa edukasyon ng mga Pilipino?
a. Pagpreserba sa kultura at lengguwahe ng mga Pilipino
b. Pagbibigay sa ating bansa ng natatanging pamamaraan ng pagsulat
c. Para matutunan natin ang historya ng ating lengguwahe
d. Para magkaroon tayo ng adisyonal na pamamaraan ng pagsulat
4. Depende sa sagot sa pangatlong tanong, sapat na ba itong dahilan sa pagdagdag ng
Baybayin
sa ating mga paaralan?
a. Opo, sapat na itong dahilan
b. Hindi po, hindi pa ito sapat na dahilan
c. Hindi ko po alam
d. Iba pang kasagutan: _________________________________________________
5. Ano sa inyong palagay ang maidadagdag ng Baybayin sa kasalukuyan nating kurikulum?
a. Magbibigay ng karagdagang pagkaunawa sa ating historya ng pagsulat
b. Karagdagan lamang na gawain
c. Bagong pananaw sa ating lengguwahe
d. Wala
6. Paano ito naiikumpura sa iba nating mga asignatura sa ating kurikulum?
a. Kapantay nito ang ibang asignatura
b. Humihigit pa ito sa ibang asignatura
c. May konting kakulangan ito sa ibang asignatura
d. Hindi pa ito sapat na gawing asignatura
7. Sa iyong palagay, gaano katagal dapat ituro ang baybayin sa mag-aaral?
a. 1 semestre
b. 1 taong panuruan
c. Buong panahon sa mabababa o mataas na paaralan
d. Mas mahabang panahon pa
8. Kailan dapat simulan ituro ang baybayin sa mga mag-aaral?
a. Kinder
b. Elementary
c. Junior High School
d. Senior High School
9. Matutugunan mo pa ba ang Baybayin kung ito'y magiging asignatura sa paaralan?
a. Opo, magiging bihasa pa ako sa paggamit nito
b. Hindi dahil marami nang asignatura sa paaralan
c. Hindi ko po alam
d. Iba pang kasagutan: _________________________________________________

Ikaapat na pangkat/ STEM-11/ Ikalawang Semester/ T.P. 2016 – 2017


P a h i n a | 47

10. Pabor ba kayo sa pagdadagdag ng Baybayin sa ating kurikulum?


a. Pumapabor po ako, dahil sa tingin ko ay makakatulong ito sa pag-unlad ng bansa at
makakadagdag pa sa aking kaalaman
b. Hindi po ako pumapabor, dahil wala naman itong magiging epekto at dagdag pa sa
gawain
c. Hindi ko po alam
d. Iba pang kasagutan: _________________________________________________

Maraming salamat sa paglalaan ng oras sa pagsagot ng aming sarbey.

Ikaapat na pangkat/ STEM-11/ Ikalawang Semester/ T.P. 2016 – 2017


P a h i n a | 48

J. Talatanungan ng Panayam
Narito ang mga katanungang inihanda ng mga mananaliksik na gagamitin sa
panayam kay Gng. Lutch M. Pili:
1. Ano ang iyong kaalaman sa baybayin ng Filipinas?
2. Paano mo maiuugnay ang baybayin bilang sistema ng pagsulat ng mga
Pilipino sa ating kultura?
3. Ano sa tingin mo ang kahalagahan ng isang sistema ng pagsulat ng isang
bansa at paano mo ito maiuugnay sa identidaad at pagkakakilanlan ng bansang
yaon?
4. Bilang isang guro sa asignaturang Filipino, ano sa tingin mo ang
kapakinabangan ng pagpapanukala ng baybayin bilang dagdag sa ating sistema
ng pagsulat sa iyo?
5. Kung sakali mang maipatupad ang implementasyong idadagdag ang nasabing
baybayin sa ating sistema ng pagsulat, ano ang iyong panig hinggil dito?

Ikaapat na pangkat/ STEM-11/ Ikalawang Semester/ T.P. 2016 – 2017


P a h i n a | 49

K. Liham Paanyaya sa Hurado


Marso 3, 2017
G. ALAN D. CONTRADO
Guro, Taguig Integrated High School

Mahal na guro,

Mabunying pagbati!
Kaugnay ng pasalitang presentasyon ng aming papel-pampananaliksik,
nais po naming kayong anyayahan upang maging panelista sapagkat
pinaniniwalaan naming makapagbibigay ng mga propesyunal at
kapakipakinabang na input tungo sa lalong ikatatagumpay ng aming
pananaliksik.
Gaganapin po ang aming presentasyon sa Marso 8, Miyerkules, ganap na
alas-nuebe ng umaga hanggang alas-onse ng tanghali, sa Taguig Science High
School. Dalangin po namin ang inyong pagpapaunlaksa hamak ng aming
paanyaya.
Kalakip po nito ang kopya ng aming papel-pampananaliksik at pormularyo
sa pag-eevalweyt ng pasalitang presentasyon para po sa maaga ninyong
paghahanda kung tatanggapin ninyo ang gaming paanyaya.
Marami pong salamat at patuloy nawa kayong pagpalain ng ating Poong
Maykapal!
Lubos na gumagalang,

JACQUELIN BERNADETTE
EBORA
Pangulo ng Klase- STEM 11
Binigyang-pansin:

G. ARCHIE L. NAZARIO
Tagapayo ng Pananaliksik

Ikaapat na pangkat/ STEM-11/ Ikalawang Semester/ T.P. 2016 – 2017


P a h i n a | 50

Marso 3, 2017
G. ELEUTERIO M. DIONISIO
Guro, Taguig Integrated High School

Mahal na guro,

Mabunying pagbati!
Kaugnay ng pasalitang presentasyon ng aming papel-pampananaliksik,
nais po naming kayong anyayahan upang maging panelista sapagkat
pinaniniwalaan naming makapagbibigay ng mga propesyunal at
kapakipakinabang na input tungo sa lalong ikatatagumpay ng aming
pananaliksik.
Gaganapin po ang aming presentasyon sa Marso 8, Miyerkules, ganap na
alas-nuebe ng umaga hanggang alas-onse ng tanghali, sa Taguig Science High
School. Dalangin po namin ang inyong pagpapaunlak sa hamak ng aming
paanyaya.
Kalakip po nito ang kopya ng aming papel-pampananaliksik at pormularyo
sa pag-eevalweyt ng pasalitang presentasyon para po sa maaga ninyong
paghahanda kung tatanggapin ninyo ang gaming paanyaya.
Marami pong salamat at patuloy nawa kayong pagpalain ng ating Poong
Maykapal!
Lubos na gumagalang,

JACQUELIN BERNADETTE
EBORA
Pangulo ng Klase- STEM 11

Binigyang-pansin:

G. ARCHIE L. NAZARIO
Tagapayo ng Pananaliksik

Ikaapat na pangkat/ STEM-11/ Ikalawang Semester/ T.P. 2016 – 2017


P a h i n a | 51

Marso 3, 2017
G. NORMAN V. BILLIONES
Guro, Taguig Integrated High School
Mahal na guro,

Mabunying pagbati!
Kaugnay ng pasalitang presentasyon ng aming papel-pampananaliksik,
nais po naming kayong anyayahan upang maging panelista sapagkat
pinaniniwalaan naming makapagbibigay ng mga propesyunal at
kapakipakinabang na input tungo sa lalong ikatatagumpay ng aming
pananaliksik.
Gaganapin po ang aming presentasyon sa Marso 8, Miyerkules, ganap na
na alas-nuebe ng umaga hanggang alas-onse ng tanghali, sa Taguig Science
High School.
Dalangin po namin ang inyong pagpapaunlaksa hamak ng aming
paanyaya.
Kalakip po nito ang kopya ng aming papel-pampananaliksik at pormularyo
sa pag-eevalweyt ng pasalitang presentasyon para po sa maaga ninyong
paghahanda kung tatanggapin ninyo ang gaming paanyaya.
Marami pong salamat at patuloy nawa kayong pagpalain ng ating Poong
Maykapal!
Lubos na gumagalang,

JACQUELIN BERNADETTE
EBORA
Pangulo ng Klase- STEM 11

Binigyang-pansin:

G. ARCHIE L. NAZARIO
Tagapayo ng Pananaliksik

Ikaapat na pangkat/ STEM-11/ Ikalawang Semester/ T.P. 2016 – 2017


P a h i n a | 52

L. Pormularyo sa Ebalwasyon ng Papel-Pampananaliksik


Pamagat : Isang Pagsusuri sa Pagpapanukala ng Implementasyon ng
Baybayin Bilang Dagdag sa Sistema ng Pagsulat ng mga Mag-aaral sa Grade 11-
STEM 13 sa Taguig Science High School

Mananaliksik : CUSTODIO, Terrence Mari B.


MANGAHAS, Edgar Angelo H.
POBRE, Kaidrich Keolo T.
EBORA, Jacquelin Bernadette T.
BOLEN, Charene Kaye R.
RAZALAN, Mary Joy A.
REYES, Shaira V.

Taon at Pangkat: GRADE-11 STEM 11 Semestre: Ikalawang Semestre

Taong-panuruan: 2016-2017

Sistema ng Pagmamarka:

Apat (4) na puntos ang pinakamataas na maaaring ibigay sa bawat aytem.


Maaaring magbigay ng puntos na may desimal (halimbawa: 1.7, 2.3, 3.5) ayon sa
paghuhusga ng ebalweytor. Pagsama-samahin ang mga nakuhang sub-total na
puntos upang makuha ang kabuuang marka.

A. Paksa at Suliranin
1. Signipikant at napapanahon ba ang paksa ng pananaliksik? _____
2. Sapat ba ang pagtatalakay sa introduksyon? _____
3. Malinaw at sapat ba ang saklaw at limitasyon ng paksa upang
makalikha ng mga valid na paglalahat? _____
4. Maayos at malinaw ba ang pamagat at angkop ba iyon sa
paksa ng pag-aaral? _____
5. Malinaw, ispesipik at sapat ba ang pamagat at angkop ba iyon
sa paksa ng pag-aaral? _____

Ikaapat na pangkat/ STEM-11/ Ikalawang Semester/ T.P. 2016 – 2017


P a h i n a | 53

6. Sapat at matalino ba ang pagkakapili sa mga terminong binigyan


ng depinisyon at malinaw ba ang pagpapakahulugan sa bawat
isang termino? _____

Subtotal: _____

B. Kaugnay na Pag-aaral at Literatura


1. Sapat at angkop ba ang mga pag-aaral at literaturang tinalakay? _____
2. Malinaw at maayos ba ang pagtalakay sa mga pag-aaral at
literaturang iyon? _____
3. Wasto at maayos ba ang dokumentasyon ng mga pag-aaral,
literatura at iba pang hanguang ginamit? _____

Subtotal: _____

C. Disenyo ng Pag-aaral
1. Angkop ba sa paksa ang pamamaraan/metodong ginamit sa
pananaliksik? _____
2. Malinaw ba ang disenyo ng pananaliksik at naaayon ba iyon
sa sayantipik na metodo ng pananaliksik? _____
3. Sapat at angkop ba ang mga respondenteng napili sa paksa
ng pananaliksik? _____
4. Malinaw at wasto ba ang disenyo ng instrumentong ginamit
sa pangangalap ng mga datos? _____

Subtotal: _____

D. Presentasyon ng mga Datos


1. Sapat, valid, at relayabol ba ang mga datos na nakalap? _____
2. Maingat bang nasuri at nalapatan ba ng wastong istatistikal
tritment ang mga datos? _____
3. Wasto at sapat ba ang naging interpretasyon ng mga datos? _____
4. Malinaw, maayos at konsistent ba ang tekstwal at tabular/
grapikal na presentasyon ng mga datos? _____

Subtotal: _____

Ikaapat na pangkat/ STEM-11/ Ikalawang Semester/ T.P. 2016 – 2017


P a h i n a | 54

E. Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon


1. Mabisa at sapat ba ang pagkakalagom sa mga datos? _____
2. Lohikal at valid ba ang mga kongklusyon? Nakabatay ba iyon
sa mga datos na nakalap? _____
3. Nasagot ba sa kongklusyon ang mga ispesipikong katanungang
inilahad sa layunin ng pag-aaral? _____
4. Lohikal, pisibol, praktikal at ateynabol ba ang mga inilahad na
rekomendasyon? Makalulutas kaya ang mga iyon sa mga
suliraning natukoy sa pag-aaral? _____
5. Malinaw, tuwiran at maayos ba ang paglalahad ng mga lagom,
kongklusyon at rekomendasyon? _____

Subtotal: _____

F. Mekaniks at Pormat
1. Wasto ba ang pormat ng bawat bahagi ng papel-pampananaliksik?
Nasunod ba ang mga tuntunin at tagubiling tinalakay sa klase? _____
2. Nasunod ba ang mga tuntuning panggramatika sa teksto ng
papel-pampananaliksik? _____
3. Sapat at maayos ba ang pagkaka-proofread at pagkaka-edit sa
teksto ng papel-pampananaliksik? _____

Subtotal: _____

Kabuuan/Katumbas na Marka (100%)

Ebalweytor: _______________________________________
(Lagda sa Ibabaw ng Nakalimbag na Pangalan)
Petsa :_______________________________________

Ikaapat na pangkat/ STEM-11/ Ikalawang Semester/ T.P. 2016 – 2017


P a h i n a | 55

M. Pormularyo sa Ebalwasyon ng Pasalitang Pagtatanghal


Pamagat : Isang Pagsusuri sa Pagpapanukala ng Implementasyon ng
Baybayin Bilang Dagdag sa Sistema ng Pagsulat ng mga Mag-aaral sa Grade 11-
STEM 13 sa Taguig Science High School

Mananaliksik : CUSTODIO, Terrence Mari B.


MANGAHAS, Edgar Angelo H.
POBRE, Kaidrich Keolo T.
EBORA, Jacquelin Bernadette T.
BOLEN, Charene Kaye R.
RAZALAN, Mary Joy A.
REYES, Shaira V.

Taon at Pangkat: GRADE-11 STEM 11 Semestre: Ikalawang Semestre

Taong-panuruan: 2016-2017

Sistema ng Pagmamarka:

Limang (5) puntos ang pinakamataas na maaaring ibigay sa bawat aytem.


Maaaring magbigay ng puntos na may desimal (halimbawa: 1.7, 2.3, 3.5, 4.8) ayon
sa paghuhusga ng panelist. Pagsama-samahin ang mga nakuhang sub-total na
puntos upang makuha ang kabuuang marka.

A. Masteri
1. Naipamalas ba ng bawat miyembro ng pangkat ang masteri at
kahandaan sa pagtatalakay ng paksang naitakda sa bawat isa? _____
2. Sapat, malinaw at mapanghikayat ba ang pagtalakay ng bawat isa? _____
3. Sapat at malinaw ba ang mga inilahad na paliwanag at halimbawa
ng bawat miyembro? _____
4. Wasto, sapat at mapanghikayat ba ang pagsagot ng bawat isa
sa mga katanungan ng mga panelist? _____

Ikaapat na pangkat/ STEM-11/ Ikalawang Semester/ T.P. 2016 – 2017


P a h i n a | 56

5. Objective at valid ba ang mga pahayag ng bawat isa? Naiwasan


ba nila ang mga pahayag na may pagkiling, prejudis, lihis sa
paksa at walang katibayan? _____

Subtotal: _____

B. Pamamaraan
1. Lohikal ba ang presentasyon ng buong pangkat? _____
2. Gumamit ba sila ng mga kailangang kagamitang awdo-viswal? _____
3. Angkop at epektibo baa ng mga kagamitang ginagamit ng
pangkat? _____
4. Epektibo at kompetent ba ang pangkat sa manipulasyon ng
mga kagamitan sa presentasyon? _____
5. Angkop at epektibo ba ang pamamaraan o istratehiyang
ginamit ng pangkat sa presentasyon? _____

Subtotal: _____

C. Artikulasyon
1. Sapat ba ang lakas ng tinig ng bawat miyembro ng pangkat
sa pagsasalita? _____
2. Malinaw at wasto ba ang kanilang bigkas sa mga salita? _____
3. Angkop at epektibo ba ang kanilang mga galaw, kumpas at
iba pang non-verbal cues? _____
4. Wala ba silang mga nakakadistrak na mannerism sa pagsasalita? _____
5. Wasto at angkop ba sa diwa ng mga pahayag ang kanilang
bilis sa pagsasalita, tono, diin at hinto/pausing? _____

Subtotal: _____

D. Disiplina
1. Nagsimula at nagtapos ba sa takdang oras ang presentasyon
ng pangkat?
_____

Ikaapat na pangkat/ STEM-11/ Ikalawang Semester/ T.P. 2016 – 2017


P a h i n a | 57

2. Naging magiliw, matapat at magalang ba sila sa pagsagot ng


mga tanong ng panelist?
_____
3. Naipamalas ba nila ang pagkakaisa at kooperasyon sa presentasyon?
Hindi ba monopolisado ng isa o ilan ang mga gawain?
_____
4. Naipamalas ba ng bawat isa ang tiwala sa sarili?
_____
5. Angkop ba ang anyo, ayos at kasuotan ng bawat isa?
_____

Subtotal: _____

Kabuuan/Katumbas na Marka (100%)

Mga Puna at Mungkahi:

_____________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
__________________

Panelist :_______________________________________
(Lagda sa Ibabaw ng Nakalimbag na Pangalan)
Petsa :_______________________________________

Ikaapat na pangkat/ STEM-11/ Ikalawang Semester/ T.P. 2016 – 2017


P a h i n a | 58

N. Kuhang-Larawan bilang Dokumentasyon

Imahe sa taas at baba: Kuha noong araw ng pagsasarbey, isa sa mga


mananaliksik ay namimigay ng mga sarbey kwestyoner sa mga mag-aaral ng
STEM 13.

Ikaapat na pangkat/ STEM-11/ Ikalawang Semester/ T.P. 2016 – 2017


P a h i n a | 59

Imahe sa taas at baba: Ang mga mag-aaral ng STEM 13 ay nagsisimula nang


magsagot sa sarbey kwestyoner na aming ibinigay sa bawat isa sa kanila.

Ikaapat na pangkat/ STEM-11/ Ikalawang Semester/ T.P. 2016 – 2017


P a h i n a | 60

O. Mga Mananaliksik

“Alam ko na balang araw na magagamit ko ito at babalikan ko ang mga araw na


inaaral ko pa ito noong high school at pasasalamatin ko ang mga araw at taong
inilaan para sa pag-aaral ng pananaliksik.”
Si Terrence Mari B. Custodio ay isang mag-aaral na nasa ika-11 na baitang ng
STEM, kasalukuyang pumapasok sa Taguig Science High School. Mahilig siya
maglaro ng Table Tennis sa kanilang bakuran at mayroon siyang talent
pagdating sa musika.

“Mahirap ngunit ito ay mapagpabuya. Marami itong naitulong sa akin dahil


nagbigay ito ng bagong kaalaman sa akin. Dinanas ko man ang ilang paghihirap
at suliranin na natural lamang na lumilitaw sa mga gawaing katulad nito, mas lalo
akong naudyok na kumilos upang masolusyonan ito. Malaki ang maiambag nito
para sa aking edukasyon at kinabukasan."

Ikaapat na pangkat/ STEM-11/ Ikalawang Semester/ T.P. 2016 – 2017


P a h i n a | 61

Si Edgar Angelo H. Mangahas ay isang mag-aaral sa Taguig Science High


School. Siya ay kasalukuyang nasa baitang STEM-11. Isang simpleng mag-aaral
na handang magpursige sa lahat ng kaniyang ninanais na gawin.

"Isa sa nakakabagong karanasan ang paggawa ng papel pampananaliksik sa


aming pag-aaral, karanasang na masaya gawin kahit mahirap dahil may mga
kasama."

Si Kaidrich Keolo T. Pobre ay isang mag-aaral ng Taguig Science High School


na kasalukuyang nasa ika-11 na baitang sa STEM-11. Siya ay mahilig sa paglaro
at paglaban ng Rubik's cube.

"Ang makita ang tatlong pisikal na kopya ng aming papel pampananaliksik ay


ang maituturing kong hudyat ng pagtatapos ng aming paghihirap (pangalawa sa
araw kung kalian magtatapos ang oral na presentasyon).”

Ikaapat na pangkat/ STEM-11/ Ikalawang Semester/ T.P. 2016 – 2017


P a h i n a | 62

Ipinanganak noong ika-21 ng Agosto taong 2000, si Charene Kaye Bolen ay


kasalukuyang nasa ika-11 na baitang sa Taguig Science High School sa ilalim ng
STEM. Siya ay isa ring mamamahayag sa nasabing paaralan.

“Aking napagtanto na ang paggawa ng pala ng papel pananaliksik ay kailangang


may kaakibat na husay, galling at tiyaga.”
Si Jacquelin Bernadette T. Ebora ay isang mag-aaral sa Taguig Science High
School na nais makamit lahat ng pangarap niya sa buhay kasama na dito ang
magkaroon ng sariling business at maging isang propesyonal na doktor.

“Ang paggawa ng isang papel pananaliksik ay nangangailangan ng iyong buong


pansin at oras. Nalaman ko ito habang ako ay gumagawa ng aming papel
pananaliksik sa gitna ng gabi. Marami kaming nakaharap na pagsusulit ngunit ito
ay dumagdag sa aming mga kaalaman.”

Ikaapat na pangkat/ STEM-11/ Ikalawang Semester/ T.P. 2016 – 2017


P a h i n a | 63

Si Mary Joy A. Razalan ay isang mag-aaral sa Taguig Science High School.


Siya ay nangangarap na maging isang doctor. Mahilig siyang magbasa at
maglaro ng mga video games.

“Ang paggawa ng papel pampananaliksik ang isa sa mga pinakamahirap na


bahagi ng aking pag-aaral mula pa noong junior high school. Mahirap ngunit
alam ko ito ang makakatulong sa akin upang maging matagumpay sa buhay na
ito.”
Si Shaira V. Reyes ay isang simpleng mag-aaral na nais magkamit ng mga
karangalan para sa kaniyang mga magulang. Isa sa kaniyang pinaniniwalaan ay
ang Diyos ang magbibigay sa kaniya ng isang magandang kinabukasan, kaya’t
hinihiling niya na makapagtapos ng pag-aaral upang maging isang Meteorologist.

Ikaapat na pangkat/ STEM-11/ Ikalawang Semester/ T.P. 2016 – 2017

You might also like