You are on page 1of 27

Mga Natatanging

Pilipino,
Hinahangaan Ko
El Gamma Penumbra
Kampeon sa Asia’s Got Talent
El Gamma Penumbra
Kampeon sa Asia’s Got Talent

 Noong Mayo 7, 2015 ang pinaakamahalagang araw sa grupo ng mga kalahok sa


patimpalak. Muli na namang ibinandila ng mga Pilipino ang galing ng mga “Pinoy” nang
natanghal na kampeon ang “El Gamma Penumbra”,mula sa bayan ng Tanauan,
Batangas.
 Marami silang mga kompetisyon na sinalihan, at kaakibat nito ang maraming pagsubok
sa kanilang grupo. May mga pagkakataon din na hindi sila nananalo ngunit sa kabila
ng lahat, buo ang kanilang paniniwala sa kanilang ginagawa.
 Sa ngayon, ang El Gamma Penumbra ay bahagi ng kampanya ng turismo ng Pilipinas
ang “Choose Philippines”. Ang kanilang mga mensahe ay patungkol sa kaguluhan,
kalikasan, pagmamalaki bilang Pilipino at iba pa.
 Tunay nga na tagumapay at kilala na ang kanilang grupo, subalit sa kabila nito, hindi
nila nakalimutang magpasalamat sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga donasyon
lalo na ssa bahay ampunan ng San Joaquin sa kanilang lugar.
1. Ano ang masasabi mo sa grupong El Gamma Penumbra at sa kanilang
Pagsisikap na magtagumpay?

2. Anu-ano ang mensahe ng kanilang mga palabas?


Kesz Valdez
International Peace Prize Awardee
Kesz Valdez
International Peace Prize Awardee

 Si Cris “Kesz” Valdez ang tinanghal na International Children's Peace Price Awardee
ng taong 2012. Pinangunahan niya ang isang proyekto na “Championing Community
Children” kung saan siya ay nakalikom ng pondo sa pamamagitan ng pagtitinda ng
kandila upang magbigay ng “Hope Gifts” sa mga batang nangangailangan sa Lunsod
ng Cavite.
 Sa edad na 13, siya ay nakatulong sa sampung libong kabataan na nakaranas ng pan
g-aabuso at karahasan. Siya rin ang nanguna sa pagtustos sa kalusugan at kalinisan n
g mga kabataan.
 Nakatanggap si Valdez ng premyong iskolarsyip na nagkakahalaga ng 100,000 Euro
(PHP 5.4 milyon). Plano niyang kumuha ng medisina sa hinaharap. Kasama si Marc D
ullaert, tagapangulo ng KidRights Foundation, pinaplano ni Valdez kung aling mga proy
ekto niya ibabahagi ang perang napanalunan.
1. Sino si Kesz Valdez?

2. Bakit siya naging kakaiba sa mga batang kasing-edad niya?


Maria Lea Carmen Imutan Salonga
Internationally Recognized Singer and Broadway Actress
Maria Lea Carmen Imutan Salonga
Internationally Recognized Singer and Broadway Actress

 Siya ay mas kilala bilang si Lea Salonga. Ipinanganak siya noong 22 ng Pebrero 1971.
 Sa edad na 10 taon, inirekord ni Lea ang awiting Small Voice. Iyon ang naging simula
ng kanyang karera bilang isa sa mga sikat na aktres at mang-aawit sa Pilipinas.
 Nagsimula ang kaniyang katanyagan sa ibang bansa noong siya ay napili gumanap
bilang Kim sa tagumpay na musical sa Miss Saigon noong 1989. Nagtamo siya ng mga
gantimpala mula sa pinakarespetadong tagapaggawad na parangal at itinanghal bilang
kauna-unahang Pilipina na nagkamit ng Laurence Olivier Award, Tony Award, Drama
Desk, Outer Critics Circle at ang Theatre World Award para sa natatangi niyang
pagganap bilang Kim.
 Noong 1993, si Lea ay gumanap bilang Eponine, isang batang ulila sa Broadway
production na Les Miserables.Ang tagumpay ni Lea sa Pilipinas at sa iba pang mga
bansa ang siyang nagbukas ng oportunidad sa iba pang Pilipino entertainers upang
makilala at kinalaunan ay nag-alay din ng karangalan sa ating bansa.
1. Bakit isa si Lea Salonga na itinuring na natatanging Pilipino?

2. Kung bibigyan ka ng pagkakataon, anong talento mo ang nais mong


mapaunlad?
1. Sino ang kilala niyong Pilipino na inisakripisyo ang sarili para sa
bayan?

2. Ano ba ang kanilang nagawa para sa ating bansa?


Abstraction:

1. Anu-ano ba ang mga katangian na dapat taglayin ng mga Pilipino


upang sila ay maging matagumpay?

2. Ano ang inyong pangarap sa buhay?

3. Ano ang dapat mong gawin upang makamit mo ito?


Assessment:

Panuto: Sagutin ng Tama at Mali ang sumusunod na pangungusap.


_________1. Ang pagpapahalaga sa magagaling at matatagumpay na Pilipino
ay
maipapakita sa maraming paraan.
_________2. Magbasa tungkol sa kanilang buhay upang malaman ang mga
katangian naging susi ng tagumpay.
_________3. Huwag ng alamin ang mga katangiang naging susi ng tagumpay
ng
matagumpay na Pilipino.
_________4. Mainam na gawing huwaran ang magaling at matagumpay na
Pilipino
at pagsikapang makamit ang mga katangiang taglay nila.
_________5. Gawing batayan sa paghanga ang katanyagan lamang ang
matatagumpay na Pilipino at hindi ang kagalingan nila sa kanilang
larangan o propesyon.
Assignment:

Panuto: Magaliksik ng talambuhay ng dalawang kilalang tao sa pamayanan


(bata man o matanda ) na may naiambag sa iba’t ibang larangan. Sipiin ang
balangkas sa iyong kwaderno at isulat ang mga detalye ng kanilang buhay.

You might also like