You are on page 1of 8

MARIKINA UNITY ASSEMBLY

Program Flow
A. Registration and Marking of Pledge

ARCHIE: Magandang gabi po sa inyong lahat!


Taun-taon, tayo ay nagkakaroon ng 18-day campaign to End Violence Against Women o End
VAW, isang advocacy campaign alinsunod sa Proclamation 1172 s. 2006, na magsisimula itong
November 25 hanggang December 12. Ito ay isang hakbang at mekanismo upang matugunan ang
violence against women. Ang national theme ngayon ay “United for a VAW-free Philippines”
kung saan naglalayon na maipakita ang epekto ng pagsasama-sama ng mga indibidwal na
pagsisikap, tungo sa isang collaborative at united thrust para sa isang VAW-free na Pilipinas.

YOLLY: Pagdating sa mga kaso ng karahasan at pang-aabuso sa kababaihan, ang ating lungsod
ang nangunguna sa pagtugon dito at nagbibigay ng serbisyo para sa mga biktima ng Violence
Against Women o VAW. Bilang pakikiisa ng Marikina sa adhikaing ito, inilunsad natin ang
programang “Ligtas na Marikina, Para sa Pamilya” na naglalayong wakasan ang karahasan at
mapanatiling ligtas ang bawat pamilya. Dagdag dito ay upang maipakita na ang mga public
spaces sa ating lungsod ay kapuri-puri hindi lamang sa kalinisan at kagandahang taglay nito,
kundi dahil rin sa pagiging ligtas ng mga pampublikong lugar at sa pagiging marespeto ng mga
Marikenyo.

ARCHIE: Ngayong gabi ay sama-sama nating ipagdiwang ang ating pagpupunyagi at patuloy
na pagkakaisa para sa pagsisikap sa pagbibigay nang mahusay na serbisyo laban sa VAW.

YOLLY: Kaya naman para umpisahan ito, tayo po ay tumayo at damhin natin ang presensya ng
ating Panginoon sa pamamagitan ng isang panalangin sa pangunguna ni Ms. Antonette Abes at
susundan ng pag-awit ng Lupang Hinirang.

B. Prayer – GAD Office

C. National Anthem – AVP

D. Program proper

1. Acknowledgement of guests

ARCHIE: Sa gabing ito, nais po naming i-welcome ang ating mga guests, City
Officials, miyembro ng Marikina Referral System, ang ating mga survivors at guest
performers na naririto ngayon sa ating Marikina Unity Assembly.
YOLLY: Welcome po
 Mayor Marcy Teodoro
 Congress Representative Maan Teodoro
 Councilor Marife Dayao na siyang Chairperson ng Women, Family Affairs and
Gender Equality
 OIC-Director Christiane Millabas at mga kasamahan sa DILG-Marikina Mga
miyembro ng Marikina Referral System na sina Atty. Rodaflor Laracas ng PAO
 Prosecutor Laurelence Joel Taliping and Fiscal Agatha De Jesus ng OCP
 Dr. Namnaman Villarta-De Dios, Ms. Lucille and Ms. Jane ng Amang
Rodriguez Memorial Medical Center

ARCHIE:
 Dr. Erico Habijan ng PLMar
 Atty. Florella Almarez, Mr. Salvado and Mr. Lomboy of City Legal Office
 CSWDO na pinangungunahan ni Ms. Hazel Militante
 ang buong pwersa ng Marikina PNP Women and Children Protection Desk
(WCPD) na pinangungunahan ni PEMS Gemma Mirabueno
 Dr. Albert Herrera and Dr. Honnielyn Fernando ng City Health Office
 Ms. Haydee Aranda and Ms. Abbie De Leon ng Community Relations Office
 Mr. Gil Munar ng LRPESO
 sa ating magigiting na Anti-Gender-Based Violence Desk Officers sa ating 16
barangays
 lahat ng mga Shoe Manufacturers na narito
 at sa inyong lahat na sumama sa pagtitipon na ito

2. Introduction of Atty. Ma. Princess B. Feliciano for Welcome Remarks

YOLLY: Para paumpisahan ang ating programa, aking tinatawagan ang ating
kasalukuyang Deputy City Administrator ng City Government of Marikina at
Department Head ng Marikina Gender and Development Office. Please welcome, Atty.
Ma. Princess B. Feliciano!

(Atty. Ma. Princess B. Feliciano)

3. An intermission number from Marikina Dance Guild and PLMAR Dance Troupe will
follow (MUSIC: Bebot, Kapayapaan, Beep Beep, Manila Girl)

ARCHIE: Maraming Salamat, Atty. Princess. Isang pampagana ngayong gabi. Ang
ating unang performers ay mga batikang mananayaw ng ating lungsod. Ito ay itinatag
ni Ms. Elenita E. Cruz. Ayon sa kanya, ito ay isang paraan ng pagsulong ng kulturang
pinoy. Ating salubungin ang Marikina Dance Guild kasama ang PLMAR Dance
Troupe.

(Dance number)

4. Introduction of Coun. Marife Dayao for Special Message

ARCHIE: Napakahusay na mga mananayaw. Para sa isang special message, aking


tinatawagan ang chairperson ng Women, Family Affairs and Gender Equality, ating
palakpakan, Coun. Marife Dayao.

(Coun. Marife Dayao)

5. Introduction of Ms. Nenita Abes for History and Milestone of Marikina Referral
System

YOLLY: Maraming Salamat Coun. Dayao. Ang susunod na magsasalita ay galing sa


opisina ng Gender and Development. Siya ang Lead ng Referral System at isa sa mga
nagma-manage ng Women and Children’s Shelter. Para kwentuhan tayo sa kasaysayan
at mga nagawa na ng Marikina Referral System, salubungin natin ng masigabong
palakpakan, Ms. Nenita Abes o mas kilalang Ate Nitz.

NITZ: Isang dekada na ang lumipas, at masasabi kong isang malaking tagumpay na
naisakatuparan na nabuo ang Marikina Referral System.
2010, nang magsimula ang Center for Excellence Office, na makinig sa mga hinaing ng
mga kababaihang nagagawi sa aming tanggapan, nakakasabay sa daan, at nagmula sa
iba’t ibang komunidad ng Marikina.
Taong 2011, tuloy tuloy ang aming mga trainings na ginagawa ng aming tanggapan.
Karamihan ng mga suliranin, kung ating susuriin, ang suliranin ng mga kababaihan sa
kanilang mga asawa na nagpabaya ng obligasyon ay nagiging suliranin ng mga lider ng
komunidad.
Kaya taon din ng 2011, nagkaroon ng Resolution No.08 series of 2011 na Designation
of Women’s Desk in every Barangay to attend to cases of abuse and Violence Against
Women.
Sinundan ito ng Ordinance No. 22 series of 2013, Creation of Committee on Decorum
and Investigation of Sexual Harassment Cases. Tahasan nang humawak at nag asiste
ang CENTEX ng biktima ng karahasan.
May mga ilan pang nadagdag na mga biktima at nakita natin ang kahalagahan ng
shelter ang naging proyoridad ng pamahalaan, shelter para sa mga naabusong
kababaihan. Dito na nabuo ang magkaroon ng women’s shelter.
Kaakibat nito, ang tanggapan ng CENTEX, ay tuloy tuloy at pinaigting na ang
pagsasanay sa bawat empleyado sampu ng mga vaw desk officer sa pagpapalago, ng
karunungan, pagpapalawak ng kaalaman, at pagkatao.
2014 naisakatuparan ang MOA signing sa pagitan ng mga stakeholders tulad ng Legal,
Family Courts, OCP, PAO, PNP-WCPD, barangays, CHO, ARMMC, SWDO,
CENTEX/MDTO, LRPESO, women’s group at GAD Management Team ang
coordinating body.
Ang Magna Carta of Women, RA 9710, ang nagmandato sa LGU na mag create ng
tanggapan ng Gender and Development. Dahilan kung bakit mula sa pangalang
CENTEX ito ngayon ay GAD Office na.
Samantalang ang technical working team sa taong ito ay naisagawa ang pag formulate
ng GAD code ng Marikina
Nagtuloy tuloy ang adbokasiya, at nakabuo ng mas maayos, at konkretong mekanismo,
para sa pagtulong sa mga naaabusong kababaihan, Kasama sa mga napag-uusapan ang
mga serbisyo na nararapat ibigay sa biktima ayon sa mandato ng magna carta, lalo na
yaong mga nasa dahop na komunidad.
2019 ay nilagdaan ni Mayor Marcy ang Anti-Discrimination Ordinance No. 065 at Safe
Spaces Ordinance o Bawal Bastos Ordinance No. 143 na naglalayong mapanatiling
ligtas ang mga lugar sa Marikina at walang diskriminasyon kahit ano pa man ang iyong
kasarian.

2021 nagkaroon ng Executive Order No. 25 ang Creating the Marikina Local
Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and Their Children
(LCAT-VAWC).

Narito ang ilang mga larawan at susunod ang mga kaganapan kada taon ng 18-day
Campaign to End Violence Against Women.

6. Special Number - Hosts will introduce the next performer (gives some background of
the group) – Ms. Adjeng Buenaventura with St. Scholastica’s Academy of Marikina
Dance Club Alumnae Dancers

ARCHIE: Talaga namang isang malaking tagumpay ang pagkakaroon ng Marikina


Referral System. Para po sa isang special number upang maipamalas ang galing ng
isang kababaihan, siya ay from Miriam College kung saan siya ay naging frontwoman
sa mga showbands na minanaged nina Randy at Jun Santiago. Kalaunan ay nakapag-
release siya ng dalawang professional albums bilang recording artist sa mga bandang
Sipol at Wink sa ilalim ng GMA Records at walong digital music singles bilang solo
artist at lahat ng ‘yun ay sarili niyang komposisyon. At ngayon ay meron na siyang
official music video sa bago niyang single na “Kaya Mo Yan” kung saan kahit ano
pang sirkumstansya ang iyong pagdaanan, kayang-kaya mo ito malampasan. Kanyang
kakantahin ito at susundan ng With a Smnile na kanta, Ating tunghayan, si Ms. Adjeng
Buenaventura kasama ang St. Scholastica’s Academy of Marikina Dance Club
Alumnae Dancers!

(Dance and song numbers)

7. Testimonial Video Message – Survivors


YOLLY: Ang ganda ng message ng kanta at syempre napakagaling ng singer at
dancers. Sa ating napakinggan kanina, talagang akma ang iinawit ni Ms. Adjeng na
“Kaya Mo Yan” dahil sa dami na ng mga napagdaanan ng referral system kasama ang
mga pagsubok, talaga naming kayang-kaya ang lahat na harapin at makabangon sa
lahat. At sa puntong ito, ating pakinggan ang boses ng ating mga survivors ng Violence
Against Women. Pakinggan natin ang kanilang kwento sa kung paano nila naharap at
naibangon ang kanilang mga sarili sa kanilang napagdaanan.

(Testimonial Video Message)

ARCHIE: Grabe! Saludo po ako sa inyo. Hindi biro ang napagdaan ninyo at mas
nakakahanga na napagtagumpayan niyo ang hamon ng buhay.

YOLLY: Tama ka dyan! Malaking bagay din talaga ang Marikina Referral System sa
pagiging survivors nila. Tuloy-tuloy ang mga programa, proyekto at mga aktibidad ng
ating lungsod para sa kanila.

8. Another intermission number from the Marikina Dance Guild and PLMAR Dance
Troupe (MUSIC: Bahay Narration "Pagsubok" singer Kichie Nadal)

ARCHIE: Para bigyan tayo ulit ng isa pang intermission number, narito muli ang
Marikina Dance Guild at PLMAR Dance Troupe.

(Dance number)

9. Sharing of the Award of CSWDO from DILG-NCR to Marikina Referral System

YOLLY: Napakatalentado! Marami mang pagsubok, tayo ay hindi susuko, bagkus,


babangon sa lahat ng mga ito. Para naman sa isang mahalagang anunsyo, aking
tinatawagan si OIC-Director Christiane Millabas ng Marikina DILG.

10. Recognition of the agencies, offices, and stakeholders of MRS

OIC-Director: Para tanggapin ang recognition mula sa DILG, tinatawagan ko ang City
Social Welfare and Development Office sa pangunguna ni Ms. Hazel Militante, ang
ang Secretariat ng Local Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women
and their Children o LCAT-VAWC, kasama ang hepe ng GAD Office, Atty. Ma.
Princess Feliciano, sina Coun. Marife Dayao, Congress Representative Maan Teodoro
at Mayor Marcy Teodoro.

(Ms. Hazel makes a message after accepting the award and photo ops)
ARCHIE: Congratulations po sa inyong lahat! Talagang nakakabilib ang pagbibigay
ng serbisyo mula sa puso! Muli aking tinatawagan si Ms. Hazel Militante para sa
pagbibigay ng mga certificates sa ating mga partners sa referral system. Lalapitan po
kayo ng mga taga-GAD Office kapag po nabanggit ang inyong ahensya para iabot ang
inyong certificates.

MS. HAZEL: Ang pagkilala ng DILG ay naging posible dahil sa sama-samang


pagsisikap ng ating mga partner agencies sa Marikina Referral System. Maaaring
tumayo po kayo para makilala.
 Marikina PNP Women and Children Protection Desk (WCPD)
 CSWDO
 Amang Rodriguez Memorial Medical Center
 Public Attorney’s Office
 Office of the City Prosecutor
 City Legal Office
 PLMar
 LRPESO
 City Health Office
 DILG
 CRO
 at sa ating magigiting na Anti-Gender-Based Violence Desk Officers sa ating 16
barangays

Bigyan natin ng masigabong palakpakan ang buong Marikina Referral System! Kami
ay masaya na nakatanggap ang Marikina ng ganitong uri ng parangal. Ito ay bunga ng
pagsisikap at buong pusong pagbibigay ng serbisyo ng bawat isa sa atin, Gayon pa
man, malungkot ibalita na hindi natin makakasama ngayon upang tanggapin ang
kaniyang parangal ang isa sa magigiting, masisipag at masigasig na AGVDO mula sa
Barangay Malanday na si Ginang Emelita Sola, na kamakailan lamang ay tayo’y nilisan
na. Nais naming humingi ng isang minuto ng katahimikan upang siya ay ipanalangin at
alalahanin ang masasayang sandali kasama siya. Si Emelita o kilala bilang Ate Lita ay
AGVDO simula July 1, 2012.

11. Special number by Youth in Especially Difficult Circumstances (Member)

ARCHIE: Maraming Salamat sa serbisyo mo, Ate Lita at sa buong Marikina Referral
System! Para bigyan tayo ng isang song number, na magmumula sa isa sa ating Youth
in Especially Difficult Circumstances o YEDC Members. Ating palakpakan, si Ma.
Niña Parreño.!
(Singing of At The Beginning)

12. Introduction of Congress Representative Maan Teodoro for Solidarity Pledge and
Special Message

YOLLY: Para tayo ay samahan sa ating Solidarity Pledge at magbigay ng espesyal na


mensahe, katuwang natin sa pagsulong ng mga programa lalo na sa kababaihan, ang Ina
ng Lungsod ng Marikina, Congress Representative Maan Teodoro!

(Special Message of Congress Representative Maan first then


Solidarity Pledge)

“Ako ay kaisa sa hangarin ng Ligtas na Marikina, dahil dito sisiguruhin ko ang


kaligtasan ng bawat pamilya. Tutulong ako sa pagbibigay ng proteksyon at seguridad
laban sa karahasan lalo na sa kababaihan. Tutugon ako sa mga suliraning
pangkalusugan. Ipaglalaban ang kanilang karapatan na makamit ang hustisya.
Magbibigay ng serbisyo sa abot ng aking makakaya. Lahat ito ay aking pinanunumpaan
upang mapanatili ang isang komunidad na may pagkakapantay-pantay at may respeto
sa karapatan ng bawat babae at ng bawat pamilya."

13. Introduction of Mayor Marcy for Special Message

YOLLY: Ngayong gabi, upang bigyan tayo ng isang espesyal na mensahe, isa sa taga-
suporta ng ating programa at sinisiguro na ligtas tayo dito sa Marikina, ang Ama ng
Lungsod ng Marikina, Honorable Mayor Marcy Teodoro!

(Message of Mayor Marcy)

14. Ceremonial Lighting of Marikina City Hall – Countdown.

ARCHIE: Ngayon ay ating tutunghayan ang Ceremonial Lighting ng Marikina City


Hall. Ito ay kulay kahel na sumisimbolo sa araw na may pag-asa at sa magandang
kinabukasan ng mga biktima na malaya sa karahasan. Ang United Nations Secretary-
General ay pinili ang kulay kahel alinsunod sa Unite to End VAW upang maiwasan at
mapuksa sa buong mundo ang karahasan laban sa mga batang babae at lahat ng mga
kababaihan.

YOLLY: Ito rin ay suporta sa Orange your Icon Campaign para mapagtibay ang
adbokasiya sa Anti-VAW sa pamamagitan ng pagkuha ng atensyon at paghihikayat sa
iba na wakasan ang Violence Against Women. Inaanyayahan po namin muli sina
Mayor Marcy, Congress Representative Maan, OIC-Director Chi, at Atty. Princess para
sa ating countdown.

(Lighting of Marikina City Hall 5, 4, 3, 2, 1)

ARCHIE: Sa pagpapailaw na ito, sinisimulan natin ang 18-day Campaign to End


Violence Against Women na sa ating lungsod ay may temang, “Ligtas na Marikina
Para sa Pamilya!” kaya panoorin po natin ito.

(AVP Presentation)

YOLLY: Inaanyayahan po ang lahat na tingnan ngayon sa screen ang iba pang mga
aktibidad ngayong 18-day campaign to End VAW.

(Presentation of Activities)

15. Special number from Marikina Dance Guild and PLMAR Dance Troupe
(MUSIC:I’mAKabogera)

YOLLY: Ang dami pala no! Tayo’y makilahak sa adbokasiya ng pagwawakas sa


karahasan lalo na sa mga kababaihan. At muli, sa huling pagkakataon, ating palakpakan
para sa isang special number ang Marikina Dance Guild at PLMAR Dance Troupe.

16. Closing Greetings.

YOLLY: Sa lahat ng naririto, maraming-maraming salamat po mula sa City


Government of Marikina kasama ang Gender and Development Office, Marikina
Referral System at ating mga Anti-Gender-Based Violence Desk Officers!

ARCHIE: Nawa’y magsama-sama tayo at patuloy nating isulong ang kampanya sa


pagwakas sa Violence Against Women!

YOLLY AT ARCHIE: Ligtas na Marikina Para sa Pamilya!

You might also like